Ano masasabi nyo about dito na kahit posting lamang ay nilalagyan nila ng redtrust ang mga pinoy,Ang pagkaka alam ko ang redtrust ay nilalagay sa mga scammers dito sa forum at di mapag kakatiwalaang user dito.
Unang-una, ang dahilan nila sa paglalagay ng Red trust sa mga users ay upang labanan ang spam. Iniisip nila na tungkulin nilang linisin ang forum ng mga shit posters. Pangalawa, ang trust rating ay hindi moderated at walang rules na nagbabawal sa kanila na magfeed back ng negative sa mga taong gusto nilang bigyan ng red tag. Datapawat may mga guidelines na inilabas si theymos tungkol sa pagbibigay ng rating, pakiramdam nila ay walang kwenta ito ( para sa akin, ito ay nagpapakita ng disrespect sa may-ari ng forum). Gayun pa man, naniniwala ako na ang default trust ay hindi guidelines o official na statement para pagkatiwalaan ang mga sinasabi ng mga taong Default trust. Paano mo pagkakatiwalaan ang taon hindi mo naman kilala?
Kung ako senyo, aayusin ko na lang ang mga pagpopost ko, though may mga taong hindi dapat malagyan ng red tag ang nadamay dahil sa mga spam ng ibang tao. maging responsable tyo sa pagpopost at ugaliin nating basahin ang thread bago tayo sumagot. Kapag ikaw ay napulahan, may mga revision naman silang ginagawa kung aayusin mo ang iyong posting.