1. Nag download ako ng coinomi wallet sa adroid ko and nag create ako ng new wallet. Pinili ko sa add coins yung bitcoin cash and bitcoin. So meron na akong bagong mga wallet address for both coins. So wala pa yang laman.
2. Nag download naman ako sa laptop ng electrum cash wallet for bcc yan. Kailangan ko ito para mailipat ko private keys ko from mycelium para maging BCC. Wag muna mag install, download lang. Nasa step 4 ang installation.
3. Since na setup ko na lahat, unang ginawa ko nag send ako ng bitcoin sa coinomi bitcoin address ko. Lahat pinadala ko, max amount. Ecomonic fee ginamin ko para mura, so mga 3 hours yan bago maconfirm.
4. After ma confirm bitcoin transaction ko and zero balance na bitcoin ko sa mycelium. Using mycelium wallet click nyo account sa taas katabi ng balance, tapos click nyo yung menu yan yung tatlong dot sa taas na kanan, tapos select nyo export, then may warning message yan, tapos click nyo yung private/public para makita nyo keys nyo. Yung private key kailangan natin. Click copy to clipboard. saka ako nag install ng electrum wallet sa pc, ito yung exe file na dinownload ko. Tapos follow nyo lang installation, next next lang. Pinili ko single wallet, tapos pag dating sa what do you want to do the question pinili ko restore from private key then saka ko inilagay private key from mycelium.
5. Mag sinc yang electum and mag display ng BCC balance nyo. Same amount dapat yan ng bitcoin balance nyo during fork. Tapos send nyo lahat ng balance sa coinomi wallet nyo para safe na sya. Kasi na compromise na private key ng mycelium wallet nyo kaya dapat ilipat nyo sa coinomi wallet. May transfer fee din yan na maliit lang.
Lastly wag nyo na gamitin mycelium old wallet nyo. Uninstall nyo na then kung gusto nyo ulit gamitin create na kayo ng bagong seed.
Sana malinaw. Ask nalang pag may question.
Yung bagong wallet ko sa coinomi nasa signature ko. Yan nakuha kong BCC from my BTC balance.