Wala po kaming sinabi na parang bitcointalk na for pinoys ang habol namin. Hindi main focus ang kumita ang tao via ad campaigns dito sa forums na ito, pero isa sa mga goals is tulungan ang ibang tao kung paano kumita sa ibang paraan. But yes, kung lumaki enough pwede rin kami mag open ng campaigns.
Yes un rin isa sa mga habol namin. Kasi dito nga, iisang forum lang ang para sa mga pinoy. Hindi sya categorized/organized enough.
Yun nga reklamo ng ibang Pinoys dito. Kapag sinubukan nilang magstart ng thread dito sa Pinoy section, natatabunan lang. May naalala akong member na kung anu-ano na pinagbebenta, sabon, etc. Ayun nga, since unti lang replies, puro bump down hanggang di na nakikita sa first page.
Yes. madali ngang matabunan since walang categorization dito sa section natin. kaya mejo dinamihan ko na ng categories/subforums sa pinoybitcoin.org para mas specific
Tsaka more info po kung para saan yang site na yan at anung makukuha namin jan?
Salamat. And yes tututukan po namin ang spam. With the help of sir Dabz.
Basically a pinoy only based forum na kung saan makakapag discuss ang mga tao ng maayos tungkol sa ibat ibang topics. since ang problema nga dito is iisa lang ang section natin, kaya madaling matabunan ang mga posts ng mga tao dahil hindi categorized.
Idea ko rin is magkaroon ng successful trading section kung saan makakapag trade ang mga pinoy ng bitcoins via LBC/Cebuana/load/meetups/etc kaya mag aapply ako ng parang vouch/points system para makapag build ng tiwala ang mga miyembro.
Oo nga po, maganda yung marami siyang categories, magiging mas specific kapag may hahanapin ka.
Magandang idea nga po yang points system para alam kung trusted yung member. Mas magiging madali na siguro yung face to face trading since pare-pareho naman tayong nasa Pinas, unlike dito sa bitcointalk. Siguro po separate na point system para dun sa mga nakikipag-trade in person, since medyo nabawasan yung anonimity nila.