Author

Topic: PLATAPORMANG ICOBID – ISINASAGAWA ANG MGA ICOs PARA SA INYONG IDEYA (Read 1828 times)

hero member
Activity: 910
Merit: 1000
Nagsimula na po ang ICO nito at papunta POW concept. Kaya sali na.
hero member
Activity: 910
Merit: 1000
Disclaimer : This is just for translation purposes . The poster or author is NOT in any way related or connected to the project or developers.


Sangkatutak ngayon ang nagsilabasang mga ICOs, ngunit may isa ba sa kanila ang matagumpay na naisagawa ang mga nakasaad sa mga kani-kanilang roadmaps na inanunsyo? Ang tangi pong dahilan ay ang mga Devs na siyang humahawak sa pondo ng ICO ay siya rin itong nagsasagawa ng mga naturang proyekto. Wala na silang magagawa pa pagkatapos nilang nailikom ang pondo. Ang maari lamang nilang gawin ay mailunsad ito sa pamamahagi ng isang token o coin. Ganun lang po.  Kung ang lahat ng pondo galing sa mga ICOs ay naitago, naigastos at nagamit sa wastong pamamaraan para sa mga nasabing proyekto at naisagawa ng mga nakuhang Devs ang tamang pagsasagawa, ay iiral ang mga pinakamahuhusay na produkto.

Ngayon, kung mayroon kayong naisip na maganda at mabuting  ideya at gusto maisakatuparan, ang platapormang ICOBID ang siyang makapag bibigay ng pag-asa para ito ay maisagawa.

PAANO BA ITO MAISASAGAWA?

Ipapaliwanag ko po sa simpleng pamamaraan:

- Kailangan nyo pong mag rehistro ng isang account sa ICOBID page.

- Kailangan po ninyong bayaran ng 1 ICOBID para po maipahayag ang inyong ideya.

- At saka palang maaring ma-view ang inyong ideya sa isang pahina na nangongolekta ng mga ideya galing sa mga gumagamit.

- Ngayon kung alin man sa mga ideya na nangolekta ang syang may pinakamaraming boto sa naitakdang panahon ay sya itong mapipili para sa isang Crowdfunding sa pamamagitan ng ICO.

- Sinumang ICOBID holder o may-ari ay puedeng bumoto at ang bilang ng kanyang boto ay katumbas ng kanyang balanse sa ICOBID. Di po mamaapekto sa balanse ang pagboboto.

- Ang paunang pondo para sa mga naguumpisang ICO na napiling ideya ay galing sa sumatutal na bilang ng ICOBID  na naikolekta galing sa mga nakarehistrong ideya sa nakatakdang panahon . (Hal. Sa 1000 ideya ay puedeng makakolekta ng 1000 ICOBID)

- Isang token ay maililikha at maipapamahagi ito ng 100% sa mga namuhunan sa naturang ICO.

- Ang pondong nakolekta ay paghahatian sa ilang mga kategorya: 10% para sumulat ng ideya. 10% ibinabahagi sa lahat ng mga bumoto ayon sa bilang o porsyento ng nahahawakang boto. 1%  ay paghahatian ng mga sumulat ng ideya na hindi napili sa naturang panahon. 10% para pambayad sa pagkakadagdag ng ICO tokens sa mga palitan. 69% ay para sa koponan ng Dev para maisakatuparan ang naturang ideya pagkatapos naisagawa ang ICO na susunod sa nailatag na roadmap.


SINO PO ANG MAKIKINABANG DITO?

- May sangkatutak na mga ideya ang hindi naisasakatuparan. Kung ang mga ideyang ito ay may mga kaukulang suporta galing sa mga malalaking pamayanan sa buong mundo, mas madali sana itong magagawa.
Kaya ang sumulat ng ideya ay sya ring makikinabang kapag ang kanyang ideya ay mapapatotohanan.

- Ang ICOBID ay syang magiging pangunahing pondo para sa anumang proyekto. Ang mga karagdagang pondo ay pueden makolekta sa pamamagitan ng isang crowdfunding at pagsasagawa ng ICO

- Ang mga ICO holders ay makikinabang sa kanilang mga boto. Ang mga botong ito ay syang basehan ng pagpapanalo ng isang ideya at tatanggap ng bayad mula sa pondo ng ICO ng naturang ideya. Kapag natapos ang ICO, siguradong tataas ang halaga ng isang ICOBID.

- Sinuman ang may kakayahang maisagawa ang ideya ay may pagkakataon pong mag-apply para sa naturang trabaho. Babayaran po sila ng ICOBID  sa paguumpisa ng ICO para sa naturang ideya, at maaring makatanggap ng karagdagang bayad ( sa anyo ng btc, pera na galing sa pondo ng ICO) kapag ipinagpatuloy ang pagkukumpleto ng proyekto pagkatapos ng ICO.

- Ang mga namumuhunan ay sya pong lubusang makikinabang. Alin mang nakatakdang maisagawa na proyekto ay nasisigurong maikumpleto anuman ang nakasaad sa roadmap. Nakasisiguro sila sa halaga ng mga tokens na kanilang matatanggap.


ANO ANG PINAKAIMPORTANTENG KATANGIAN NG PLATAPORMANG ICOBID?

- Pahina ng Pagboto sa mga Ideya
- Pahina ng Palitan mula sa ICOBID , fiat currencies, cryptocurrencies at mga tokens of ideas.
- Pahina sa Pagtratrabaho . Pareho sa mga freelancer site
- Pahina sa ICO: Escrow, mga tumatakbong ICOs, pamamahayag ng mga tokens.

Lahat ng impormasyong naisaad ay titigil kaya kinakailangang makalikom ulit ito ng pondo sa platapormang ICOBID para maisagawa agad ang ICO.

ISPESIPIKASYON ng ICOBID

Pangalan : ICOBID
Ticker o simbolo: ICB
POS/POW, 10% taunang pabuya sa pag stake, 100.000.000 ICB (95.000.000 ICB para sa ICO , 5.000.000 para sa mga pabuya, wala itong matitirang ICB para sa mga developer. ICB para sa mga ito ay sa pamamagitan ng pagbili mula sa palitan)

PAGTATAGUYOD NG KOPONAN

Gaya ng mga alituntunin naisaad:

- Ang sumulat ng tanging ideya (ako) ay mayroon lamang 11%  (10 +1) na pondo galing sa ICO.
- 10 % sa mga botante.  Wala pa tayong mga botante naitalaga kaya itong 10% ay gagamitin sa pagbili ng ICB kapag ito ay nailunsad sa mga iba't ibang palitan.
- 10% ay paggagastusan sa pagpapadagdag ng ICB sa mga pangunahing palitan (gaya ng Poloniex, Bittrex atbp.) Ang sobra dito ay gagamitin sa muling pagbibili.
- 69 % ay para sa mga Devs. Mayroon na kaming dev na bumubuo para sa PHP at JavaScript at isang Coin Dev. Nangagailangan pa kami ng isang Dev master para sa PHP at JavaScript at isa pa sa Coin Dev. Apat na Dev ang hahawak ng 50% na bahagi ng pondo ng ICO kaya tig 12% bawat Dev (Kapag ang isang Dev ay nagimbita ng isa pang dev para tumulong , paghahatian nila ang kanyang 12% na bahagi sa kanyang bagong Dev)   Koponan ng Graphics : 2 miyembro , tig 5% ang bawat isa. 9% ang matitira para sa Marketing team na kinabibilangan ng 2-3 miyembro kaya ang bawat isa ay may tig 3- 4.5% . Lahat ng pondo ay mailalabas kapag ang platapormang ICOBID na naipahayag.

Ang mga bahagi para sa naiambag na pondo galing sa ICO ay mananatili at di na ito maaring palitan kaya  pakiusap lang po  huwag makipag negosasyon kapag kayo ay nais maging miyembro sa koponan.

ROADMAP

- Pag-grugrupo sa Koponan : Ngayon- ika-20 ng Setyembre.
- Pre-ICO: Ngayon – ika 30 ng Setyembre.
- ICO: Ika-1 ng Oktubre – ika 31 ng Oktubre
- Paglulunsad ng Platapormang ICOBID: Disyembre

MGA PABUYA


2.000.000 ICB Mga pabuya para sa Pre-ICO

- Disenyo sa Lagda : 10.000 ICB
- Mga videos 20.000 ICB bawat isa . Dagdag 10.000 ICB para sa pinakamakabuluhan.
- Artikulo (higit sa 500 salita na hindi naisalin galing sa Bitcointalk ann) : 10.000 ICB
- Pagsalin sa Pambansang Wika ng thread na ito: 10.000 bawat pagsalin sa pambasang wika.
- Disenyo sa Graphics :1000 ICB bawat disensyo na may nilalamang pagpapahiwatig ng ideya sa platapormang ICOBID
- 100.000 ICB paghahatian ng lahat ng Twitter followers na nag like at nag retweet sa aming spinned tweet mula ngayon hanggang sa pagtatapos ng pre-ICO stage.
- 100.000 ICB para sa Facebook page ang paghahatian ng mga nag-like at share ng aming opisyal na kauna unahang  Facebook post sa Setyembre ay mabibilang para sa pabuyang ito.
- 100.000 ICB para sa mga sumali sa Slack ngayong Setyembre.
- Iba pang mga Pabuya ay iaanunsyo sa mga susunod na araw.
- Magbigay ng suhestyon kung sa tingin nyo kayo ay makakatulong sa ICOBID. Kung natanggap maari kayong makatanggap ng mga pabuya.
 
3.000.000 ICB Mga pabuya para sa ICO ay maiaanunsyo kapag ito ay nailunsad.

PAGSASALIN SA IBANG WIKA


Salitang Greko https://bitcointalksearch.org/topic/m.16120156 - killerjoegreece
Salitang  Indonesia https://bitcointalksearch.org/topic/icobid-platform-bawa-ide-bagusmu-jadi-nyata-source-code-avail-mining-starts-1605677 - sulendra12
Salitang Kastila - https://bitcointalksearch.org/topic/plataforma-icobid-ejecuta-icos-para-tus-ideas-recompensas-1606824 -  freemind1
Salitang Pilipino - https://bitcointalksearch.org/topic/platapormang-icobid-isinasagawa-ang-mga-icos-para-sa-inyong-ideya-1606902 - jwiz168
                                                                                      
PAGPAPAREHISTRO SA MGA KOPONAN

Ipagbigay alam sa akin kung gusto nyong mapabilang sa koponan.  Ito ay isang pambihirang pagkakataon para sa iyo na sumali sa founder team ng ICOBID. Ito ay maaring maging isa sa pinakasikat na proyekto sa hinaharap.

DONASYON

Malugod naming tatanggapin ang mga donasyong galing sa pamayanan ng cryptocurrency. Ang inyong donasyon ay magiging napakaimportante para maiumpisa ang proyekto at makakabahagi ito sa tagumpay ng proyekto.

Alinmang donasyon na matatanggap mula ngayon hanggang sa pag uumpisa ng ICO ay maikukunsidera naming maagang pamumuhunan at may kaakibat na 50% bonus. Kaya pakiusap na magbigay lamang ng donasyon galing sa inyong address na may private key.

Ang address para sa mga donasyon


Code:
1ik8Q2jyGGNApYdCD35Es6mzvZQvu891n

Jump to: