Pages:
Author

Topic: PLUGGLE PLUGGLE PLUGGLE - page 8. (Read 23587 times)

newbie
Activity: 42
Merit: 0
June 25, 2017, 09:16:53 AM
#5
sr. member
Activity: 518
Merit: 278
June 25, 2017, 06:59:37 AM
#4
Nung tinignan ko po iyong site nila ay para po pala silang Multi-level marketing (MLM) dahil kailangan mo muna po ng sponsor bago ka makasali. Ang nakakapagduda pa po, wala man lang silang nababanggit o direktang impormasyon na ibinigay patungkol po sa kung sino ang owner/s ng site nila - na importante po kung gusto nilang patunayan ang kanilang kredibilidad. Isa pa, para makapagsimula ka po sa kanila ay dapat daw pong i-activate mo muna po ang iyong traffic advertising at affiliate marketing. Para magawa daw po yun ay kailangan mo muna po magbayad ng ₱1,000. Dito palang nakakapagduda na po.

Pati ng kinontak ko po ang Coins.ph at tinanong kung talaga bang may koneksyon sila sa Pluggle, ang sagot po sa akin ng representative nila ay wala daw po. At binigyang babala pa nga po ako na 'wag daw po ako basta basta maniniwala sa ganyang scheme. Heto po iyong ibang bahagi nung reply sa akin ng chat representative ng Coins.ph:


Quote
We want to reiterate that Coins does not offer or promote any investment products, and is not affiliated in any way with entities offering such products.

We’d like to remind our customers to exercise vigilance regarding investment schemes claiming to offer quick or guaranteed returns by investing into Bitcoin, particularly companies and individuals who are not government-licensed. You may read more about this by visiting this link: http://support.coins.ph/hc/en-us/articles/215325618-What-can-I-do-to-avoid-Investment-Scheme

For more information on how to keep your transactions safe you may visit this link: http://support.coins.ph/hc/en-us/articles/215996477-I-want-to-send-money-any-security-tips-


Samakatuwid, wala po silang kaugnayan at kailanman ay hindi nila ginamit ang serbisyo ng Pluggle. Kaya payo ko lang po sa'yo sir, iwasan muna po yang site na yan para hindi ka po magsisi sa huli.
newbie
Activity: 42
Merit: 0
June 24, 2017, 10:51:59 PM
#3
Anu ba yang pluggle op? Di ko pa narinig yan eh, investment site b yan? Kulang kasi sa information tong pinost mo. Kaya di namin masasabi kung scam or legit yan sa ngayon.

Yung site is pluggle.com.ph po

Coins.ph ang partner nila sa payings

Ito yung faqs nila
Invest then Invite din ito eh

(Copy pasted)
(UPDATED)
FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (F.A.Q.)

ANO ANG PLUGGLE O PLUGGLE.COM.PH?

Ang PLUGGLE ay isang ADVERTISING WEBSITE (Traffic Advertising Platform). Ito ay combination ng MODERN ADVERTISING AT AFFILIATE MARKETING na ang main market place ay sa Philippines dahil sa domain nitong .com.ph pero ang main advertising company nito ay naka based sa Selangor, Malaysia na dating traditional at ngayon ay ginawa ng ONLINE.

COMPANY BA SI PLUGGLE?

Hindi,  ito ay isang website at walang boundaries. Ito ay pwede nyong maaccess sa kahit anong bansa na pwede ang internet.

KAILAN NAGUMPISA ANG PLUGGLE?

Ang main advertising website/company nito na traditional  ay more than 5 yrs na pero ang PLUGGLE.COM.PH ay nagumpisa lang nuong April 9 2017.

ANO ANG LEGALITIES NI PLUGGLE?

Dahil ito ay isang advertising website lamang at hindi company ito ay  walang legalities sa isang specific na lugar. Ang may mga legalities ay ang advertising agents ni pluggle at partners na syang marketing arm nito.Ngunit hindi nangangahugang illegal si pluggle.

MAY PRODUCTS BA SI PLUGGLE?

Dahil ito ay purely online marketing ito ay walang sariling produkto maliban sa ONLNE ADVERTISING PLATFORM pero si pluggle ay maglalabas ng ONLINE STORE at DIGITAL PRODUCTS na pwedeng mabili ng members gamit ang kanilang wallet balance.

ANONG KONSEPTO ANG TUMATAKBO SA PLUGGLE WEBSITE?

Ito ay isang unique online marketing and advertising concept na kung saan araw araw ay binibisita, ginagamit at minomonitor ng mga members o users ang website kaya padami ng padami at pabigat ng pabigat ang traffic na na ce-create at ito naman ang dahilan kayat padami ng padami din ang mga advertisers.

ANO ANG MAKUKUHA O BENEFITS NG MGA MEMBERS O USERS NG PLUGGLE?

May chance silang kumita ng 30% to 100% ng kanilang pinuhunan as activation fee sa bawat account sa loob ng 12 days bilang bonus sa pagiging active member o user ng website.

MAGKANO ANG ACTIVATION FEE?

1,000php or 21$ per account pero ito ay babalik din sa member o mahigit pa sa bawat pag bisita sa website.

BAKIT KAILANGANG MAGBAYAD O PARA SAAN ANG 1,000PHP NA ACTIVATION FEE SA PLUGGLE?

Ito ay para magkaroon ka ang iyong ACTIVE ACCOUNT na magagamit mo sa ADVERTISING PLATFORM at para kumita ka sa tinatawag na SIGN UP BONUS, FOLLOWS BONUS,
PERSONAL LOGIN BONUS, GROUP LOGIN BONUS, LEVELING BONUS AT PAIRING BONUS.

MAGKANO AT PAPANO KUMIKITA SA ANIM NA PAMAMARAAN ANG MGA MEMBERS NG PLUGGLE?

-> Ang SIGN UP BONUS ay 100php at kikitain mo ito sa iyong unang pag sign up ng bagong account.
-> Ang FOLLOWS BONUS ay 100php at kikitain mo ito sa bawat pag activate ng account ng iyong
mga napajoin o napasali galling sayong effort ng pag po-promote o pag aadvertise.
-> Ang PERSONAL LOGIN BONUS ay 100php at kikitain mo ito sa bawat pag LOGIN mo sayong
ACTIVE ACCOUNT sa loob ng 12 days.
-> Ang GROUP LOGIN BONUS ay 60php sayong 1st level at 40php sayong 2nd level o napasali ng
mga napasali mo sa loob ng 12 days.
-> Ang LEVELING BONUS ay 400php at kikitain mo ito sa bawat pair o pares sayong left and right leg sa binary structure (1 pair per level)
-> Ang PAIRING BONUS ay 100php at kikitain mo ito sa bawat pair o pares sayong left and right leg sa lahat ng level (unlimited pairs / up to 3,000php per day)

MAGKANO ANG LIMIT NG PERSONAL AT GROUP LOGIN BONUS?

ito ay nakalimit lng ng 1200php plus sign up bonus na 100 total of 1300php total ng pinagsamang PERSONAL AT GROUP LOGIN BONUS

PAANO SUMALI SA PLUGGLE?

Ang unang step ng pagsali sa PLUGGLE ay gumawa muna ng account sa COINS.PH sa link na ito
https://coins.ph/invite/uqfxni?v=2, pagkatapos ay mag sign up (pre-sign up) sa pluggle.com.ph gamit ang referral o affiliate link ng iyong sponsor (hingin sa taong nag invite sayo ang kanyang referral link).

ILANG ACCOUNTS ANG PWEDENG I OPEN SA PLUGGLE?

1 Account, 1 Name, 1 Email, 1 Btc Address, and 1 Mobile No. Policy pero pwede kng mag add ng hanggang 15 na entries or slots sa isang account using add entry sayong geaneaogy.

KIKITA BA AKO PAG WALA AKONG INVITES O RECRUITS?

OO, Through SIGN UP BONUS and PERSONAL LOGIN DAILY BONUS. At dahil marami ng nag popromote ng plugggle ikaw ay maaaring kumita sa pamamagitan ng spilll overs ng system o ng sponsor mo kahit wla kang napasali.

PAANO ANG CASH OUT SYSTEM AT TUWING KAYLAN ITO?

Sayong account ay may withdraw page I co-command mo ito tuwing tuesday hanggang friday sayong desired amount at ipapadala ng PLUGGLE sayong BTC (coins.ph) address tuwing Monday ngunit meron tayong minimum cashout amount na 2500php at kapag nasa coins.ph account mo na ay pwede mo na itong I CASHOUT anytime basta verified na ang iyong account.

BAKIT MAY MINIMUM WITHDRAWAL NA 2,500PHP?

Ito ay isa sa safety feature (safetynet) ng program, para hindi malugi at masustain ang malaking payouts nito habang dumadami ang members.

PAANO NAKAKABAYAD NG 30 TO 100% ANG PLUGGLE SA MGA MEMBERS O USERS NG WEBSITE.

Ang buhay ng ADS ay ang tinatawag na traffic. Magkakaroon ng mabigat na traffic kung maraming visitors ang website. Nagbabayad ang mga client advertisers sa advertising website at ito naman ang ibinabalik sa mga members o user.


Legit ba yang mga ganyan ?
hero member
Activity: 812
Merit: 500
June 24, 2017, 09:30:31 PM
#2
Anu ba yang pluggle op? Di ko pa narinig yan eh, investment site b yan? Kulang kasi sa information tong pinost mo. Kaya di namin masasabi kung scam or legit yan sa ngayon.
newbie
Activity: 42
Merit: 0
June 24, 2017, 09:04:23 PM
#1
Have anyone heard of this site?

Link: pluggle.com.ph

Is it worth your time or not ?
Legit or fake ..

Any feedbacks
Thanks Smiley
Pages:
Jump to: