Hindi ko nasubukan yan kasi rooted yung phone ko. Eh luma na yun kaya ito, JB pa rin yung OS at may mga inirereklamo na.
Dami kong mga nakitang adik nyan nung unang labas, nagkakanda tisod pa nga eh. Sori na lang yung iba na walang pocket wifi o mobile data na malaki-laki.
Agree ako dun sa mga comment na yung mga cheaters yung nakasira ng experience. Parang OL games din yan sa PC eh, magsasawa ka kapag puro bot kaharap mo. Ang tao gagawa at gagawa talaga ng paraan para makuha ang gusto nila. Naalala ko nung una meron pang mga Pokemon tours na gagala kayo sa kotse para manghuli ng Pokemon kaya nilagyan siya ng speed limit.
Pero palagay ko rin, mabilis lang talaga magsawa mga Pinoy. Hindi naman kasi talaga nawawala mga cheater. Yung RO nga tumagal kahit papaano despite the bots.
Tama ka po dyan sir ako rin po nahilig rin po ako sa larong yan dahil mahilig ako noon manood ng pokemon kaya naakit ako maglaro niyan nung katagalan na bored na ako kasi halos pare pareho lang ang ginagawa ko sa larong iyan walang pinagbabago kaya na bored na ako.
Wala ba siyang mga mini-games? Parang yung talagang nakinabang dun sa hype ng Go eh yung Sun and Moon.