Author

Topic: PONZI SCHEME FRONTROW (Read 477 times)

sr. member
Activity: 1111
Merit: 255
March 07, 2020, 07:39:44 AM
#47
Biktima din ako ng Networking hindi siya front row pero katulad ng frotrow kailangan din mag invite,  naenganyo kasi nila ako mag invest dahil mababawi daw agad ang kinita which is totoo naman pero para makawithdraw ay kailangan mo ng magkaroon ng invites. At ayun ang kwento wala akong mainvite at napabayaan ko na ang account ko sayang ₱2,500 ko
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
March 07, 2020, 07:13:42 AM
#46
So many replies that express theire opinions and experience towards networking at pansin ko na halos lahat tayo naimbentahan na rin to join networking. Sa kagustuhan ko ng bigyan kayo ng merits (to those who shared knowledge behind networking), wala na rin kasi akong natitirang sMerits.
Quote
You have 0 sendable merit (sMerit) which you can send to other people.
But I'll grind para lang mabigyan kayo.

Since we've shared difference experiences here, sana hindi lang dito kundi sa ibang tao na malapit sa atin para hindi na magaksaya pa ng panahon sa networking and mag-invest nalang sa ibang bagay na mas worthy pa kaysa sa networking. My intention is just to expose behind pyramiding or ponzi scheme and sana may natutunan yung iba regarding dito.
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
March 07, 2020, 01:37:34 AM
#45
Nakit ko ang episode nila sa tulfo, hanggang part 3 ata ito, kung ako lang tatanongin, dapat hindi ito ini entertain ni tulfo dahil yung nag reklamo nakinabang naman siya ng malaki sa mga ni recruit niya, kung man loloko ang program, so isa siya sa may sala dahil upline na siya.

Pero in the good side ok din na na entertain ni tulfo yung case na yon kahit na matuturing na isa din naman si complainant sa mga pedeg ireklamo. Bakit? kasi nalinawan ang crowd tungkol sa front row at may nahalungkat din na kulang sa license ang frontrow at hindi sila eligible magbenta ng products. However si complainant ay victim padin naman isipin mo working yourself non stop tapos yung kotse na inaakala mong sayo hindi pala sayo nakapangalan.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
March 07, 2020, 12:45:10 AM
#44
- May tatlong package na inoffer (Based daw sa kaya ko):
~
*So technically sa isip ko, pag nakabenta ako ng product/s nila ang Kita ko ay base lang sa resell price ko* Nagtanong ako tungkol sa commission, kung pano ako makakakuha nun.
This is what they called Multi Level Marketing and this is legit as they are just using people to resell their products. Dito nakilala si Frontrow sa pagbebenta ng mga products.

Ang commission daw makukuha ko pag may naipasok ako sa kanila (again, Typical networking), The more ang naipasok mo = bigger commission (entry package + benta nila + yun maipapasok nila). Kung susumahin kung magaling ang downline mo buhay ka na at mas buhay pa ang nag recruit sayo.

*Yun ay kung mautak ka at magaling ka talaga
Typical Networking = Pyramid Scheme. Ang way nila para mag recruit which is magiinvest ka ng money sa kanila para makasali at maging reseller at ung commission system nila na kikita ka kapag nakapag invite ka. Yun ang Pyramid Scheme.

At tama na pag magaling ang downlines mo talagang happy happy ka at kahit hindi ka na mag invite as long as nag iinvite ang mga downlines mo ay kikita ka pa rin. Ito ang common pyramid scheme and ginagamit nila ang products nila as cover sa sistema nila.

Frontrow, the company, isn't a Ponzi. Other than having the necessary license from SEC to operate and solicit investments, meron din silang legit products na pwede pagkakitaan through reselling. 
I will reiterate what I've said in my previous post here. Sinabi ko na ponzi scheme ang Frontrow. Hindi sila ponzi scheme at agree ako sa sinabi mo but they are a doing a pyramid scheme. Yes may mga products sila at licensed un ng SEC. Ang problema lang sa kanila ay nag rerecruit sila ng mga tao para mag resell ng products nila at mabibigyan ng commission ang makapag invite which is considered a pyramid scheme.

Definiton of Pyramid Scheme: LINK
A pyramid scheme, on the other hand, is structured so that the initial schemer must recruit other investors who will continue to recruit other investors, and those investors will then continue to recruit additional investors, and so on. Sometimes there will be an incentive that is presented as an investment opportunity, such as the right to sell a particular product. Each investor pays the person who recruited them for the chance to sell this item. The recipient must share the proceeds with those at the higher levels of the pyramid structure.

If babasahin nyo ang definition ng Pyramid Scheme, ganyan na ganyan ang ginagawa ng Frontrow. Magrerecruit ng mga investors at un ay magrerecruit and so on and so forth kaya para sa akin hindi sila gumagawa ng PONZI SCHEME but PYRAMID SCHEME.


If there's anything good na mapupulot sa issue na ito, huwag basta maniniwala sa mga pictures ng sasakyan, tseke, or cold cash na pino-post sa social media. Karamihan dyan ay hiram o utang. Madalas nga natin sabiin na huwag mag-invest dahil sa FOMO.
Nung unang sumali ako sa networking/MLM or ano man tawag nyo Cheesy, naniniwala ako agad sa mga ganyan at naiisip ko na magkakaroon rin ako ng ganyan. Buti na lang may pumalo sa ulo ko at isang araw naisip ko na lang na di ko makukuha ung mga nakukuha nila sa ganun na paraan, dahilan para tumigil ako at buti na lang di ako nagtagal dun Cheesy.
hero member
Activity: 1834
Merit: 523
March 06, 2020, 10:38:06 PM
#43
Marami na rin akong kaklase at kakilala na interested sa frontrow na yan or any other networking companies na ganyan ang style. Iniisip ko nalang din na hanggat sa wala na silang tao makukuha o mauuto mawawala na rin yan unless may iba silang paraan para tumatakbo pa rin ang business schemes na yan. Magaling sila mag "sugarcoat" ng mga sinasabi kahit sabihin nating legit business sila na but in the bigger picture hindi legit ang pamamaraan ng pagtakbo nila.
Nagagawa nilang mang uto dahil narin sa wala silang Ibang pagkakakitaan kung hindi mag invite lang kaya naman kahit mag sinungaling pa sila para mapaniwala ka na mag invest at kumita. Kaya naman kung wala ka pang Alam sa mga ganito siguradong mabibiktima ka. Kagaya nalang sa kaibigan ko na nadala sa matatamis na salita at nalako ng 30k pero hindi frontrow Yun parehas lang sila ng scheme benta product invite.
Dito sa lugar namin maraming nagfofrontrow at marami din ang nag-iinvite sa kaibigan ko including me may nag-invite din sa akin.
Buti hindi ako nagjoun sa ganyan dahil alam ko naman talaga kung papaano tunatakbo yung business nila Oo nga't may product silang binebentaa pero hindi naman ata ata effective at super mahal pa at pag-iinvite ang pangunahing kitaan diyan.
legendary
Activity: 3346
Merit: 1134
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 06, 2020, 10:19:41 PM
#42
I'd rather be a reseller of their item or any item from different company rather than joining them and investing my money in exchange for just some items which is not even equal to the amount I paid.

Never ako sumali sa ganto. Kahit sa paluwagan nga ay hindi ako nasali.  Grin
Lamang ka dito kapag ikaw ang gumawa o isa ka sa unang sampu na sumali sa kanila.

The rest ang maghihirap sa kaka-invite ng iba pang member and so on and forth.
I hear some people telling bitcoin is also like a pyramid scheme so ano daw ang pinagkaiba?
Yun ang pinanglalaban nila kapag crypto enthusiast ka.

Pinagkaiba? I own my bitcoin. I bought it. There is no owner at the top. There is no president, treasurer or whatever you call them.
We are equal. May mga nauna lang. Pero nagrisk din sila na magubos ng oras para mag mine ng bitcoin na wala pang halaga noon.
Sobrang iba.

Balik sa frontrow. Ang matindi dito at ine-endorse ng malalaking pangalan. Mayweather, Vice Ganda, etc etc.
Talagang maakit ka, lalo na yung wala pang alam or hindi man lang nakinig sa iba upang magsiyasat.

It's a scam. The difference? They are for longer terms. But someday, the bad odor will come out.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
March 06, 2020, 06:55:13 PM
#41
Nakaka-init ng dugo yung mga taong nagpapasimula ng mga ganitong PONZI SCHEME.
Sinabi mo pa, meron pa isang ganyan UNO ung mga agent nila dun uutuin ka pero ikaw si tanga hanap ng trabaho akala mo un na nga yun.... un pala nganga ikaw pa magbabyad. Kaya wala ako tiwala sa mga Networkong companies na mga yan kahit anong mangyari.



Kaumay
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
March 06, 2020, 01:06:12 PM
#40
Multi-level marketing is a legit business model. Madalas nga lang pagkamalan na ponzi o pyramid scheme ito dahil pagdating sa marketing, ang main focus ng karamihan ng mga distributors ng legit companies ay paano kumita through recruitment. The main difference nung dalawa or yung tinatawag na acid test ay "Kung titigil ka sa pag-recuit ng mga bagong members ngayon, kikita ka pa ba?" Answer is Yes for legit MLM companies, No for pyramid/ponzi schemes. With MLM, meron pang pwede pagkakitaan at yun yung product reselling (similar model with Avon, Natasha, etc.) With Pyramid/Ponzi, nakasalalay lang sa new recruits ang buhay nila at mag-collapse yan kung wala ng bagong pasok.

Frontrow, the company, isn't a Ponzi. Other than having the necessary license from SEC to operate and solicit investments, meron din silang legit products na pwede pagkakitaan through reselling. 

Pagdating naman dun sa mga sasakyan at sa mga na-hold na rewards, that is a matter between the company and their former distributor. It was unethical on the part of Frontrow management na hindi ibigay yung reward dahil kinita naman talaga yun nung tao (unless may pending liabilities pa si distributor). Hindi pa klaro sa akin yung tungkol sa sasakyan. On the part of the distributor naman, unethical din yung pang-hype nila ng mga sasakyan nila na utang din naman pala.   


If there's anything good na mapupulot sa issue na ito, huwag basta maniniwala sa mga pictures ng sasakyan, tseke, or cold cash na pino-post sa social media. Karamihan dyan ay hiram o utang. Madalas nga natin sabiin na huwag mag-invest dahil sa FOMO.
sr. member
Activity: 896
Merit: 272
OWNR - Store all crypto in one app.
March 06, 2020, 11:39:28 AM
#39
Sila din mismo ang sumira sa sarili nilang reputasyon, paano kaya nila naaatim na magpanggap para lang paniwalaan sila ng mga tao? Sa totoo lang, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi ako masiyadong nagpapaniwala sa mga bagay bagay kasi nakakatakot na maloko lalo na sa panahon ngayon. Hindi ko pa naranasan gumamit ng kahit anong product nila kasi yung nasa isip ko hindi siya worth it at wala din akong interes sa mga ganoong bagay. May times na napadaan ako sa isang building malapit sa amin kung saan may nag aalok ng frontrow, lumalapit sila tapos tatanungin ka kung gusto mo maging miyembro kahit estudyante tinatanong nila. Anyway, yung nagreklamo sinabi niya na kumita naman daw siya at totoong malaki yung kinita niya sa frontrow pero mali pa din na ginamit nila yung story niya para lang makapag enganyo ng marami pang tao na sumali at bumili ng product nila. Nawa'y magsilbing aral ito sa lahat dahil iba na ang panahon ngayon, maraming manloloko at pag papaniwalain ka sa mga bagay na hindi naman totoo.
sr. member
Activity: 882
Merit: 253
March 06, 2020, 10:27:48 AM
#38
Heard this issue ki Xian Gaza sa ginawa niyang expose sa Frontrow at Mr. Villanueva, Inexplain ni Xian Gaza each details tungkol duon sa issue ng Front Row. Fair ang expose ni Xian Gaza kasi wala siyang kinakampihan na panig.

Sa ginawa ng Front row ki Mr.Villanueva ay for me I can consider it as scam, Ang pag hold ng cheke ni Mr.Villanueva is fair enough tunkol sa issue and sa company policy nila pero dun sa pag forfeit ng checke ay sigurado macoconsider as scam yun.

Eto ang reason kung bakit ayaw ko sa pyramiding eh, Kasi may control sayo ang upper heads mo at clear naman na dapat bayaran ka sa mga trabaho na ginawa mo sakanila, Yung small issue sa Front Row ay tuluyan ng naging malaking issue. Mabibigyan ng another bad image ang front row at magiging malaki ang effect nito sa mga current members especially new members na maka pag invite ng possible referrals nila.
Napanuod ko din ung exposé ni Xian Gaza about Front row at Dave. Sa tingin may pagkakamali ang magkabilang kampo, pinagtrabauhan niya ung pera na dapat sa kanya at si Frontrow ay tama din naman ginawa na hinold ung cheke kasi may violation sya. Iniisip ko lang kung sino nag-offer kay Dave para ilabas ang mga sinabi niya on air.
Legal naman si Frontrow at naging isyu din yung produkto nila na hindi daw effective ibigsabihin na i-scam lang sila, hindi totoo. Ngunit All in All, dapat lagi tayo aware sa mga ganito bago tayo pumasok kasi pinili natin yun dapat marunong din tayo manindigan.
full member
Activity: 816
Merit: 133
March 06, 2020, 09:46:19 AM
#37
Since medyo hype ang Frontrow ngayon, Na curious ako. Since, isa sa mga pinsan ko is a member of frontrow (Kumita na ba siya? I might say, Yes.) at matagal na niya ako pinipilit sumali. Nag set siya meeting (over a coffee, Typical networking), hinayaan ko siya iexplain yung products and kung pano "AKO, daw" kikita pag sumali ako.

Eto yung na explain sakin:

- May tatlong package na inoffer (Based daw sa kaya ko):
Package 1: 2,500 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25%
Package 2: 5,000 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25% + Color of membership (di ako sigurado dito, Pero parang ito yung Silver, Gold, Platinum...)
Package 3: 15,000 worth of product/s - I can resell daw upto 10-25% + Color of membership + security of investment

*So technically sa isip ko, pag nakabenta ako ng product/s nila ang Kita ko ay base lang sa resell price ko* Nagtanong ako tungkol sa commission, kung pano ako makakakuha nun.

Ang commission daw makukuha ko pag may naipasok ako sa kanila (again, Typical networking), The more ang naipasok mo = bigger commission (entry package + benta nila + yun maipapasok nila). Kung susumahin kung magaling ang downline mo buhay ka na at mas buhay pa ang nag recruit sayo.

*Yun ay kung mautak ka at magaling ka talaga



Out of curiosity, Tinanong ko siya about sa products. *Ginagamit mo ba? yung totoo*, She said yes. "Effective?", Yes ulit. Next, "Ano masasabi mo dun sa issue?" derechahan niyang sagot, Fake news daw yun at sinisiraan lang si frontrow. So hinayaan ko, given na madalas ako sa kanila at kainuman ko ang kuya niya. Napagusapan namin yung issue, which is quite unconventional since andun yung kapatid niya. Given na ang kuya niya ay dating nag ffrontrow din.

Soap Bar - Yes and no, Nakakaputi basta di ka maarawan (typical whitening soap).
Diet Pills + Gluta.. - No, Yung diet medyo di daw ganun ka effective at yung sa pampaputi na side same as soap bar

So para daw masabi niya na effective ang product na binebenta niya, gumagamit sila ng iba pang products or literally saying na hindi nila ginagamit ang product ng frontrow. *Same goes dun sa  ni-reveal*



Tama si @SRF10 "Madaling mauto ang pinoy", simpleng pinakitaan ng ipon kuno, gusto ko na nun. Toxic? Di naman siguro slight lang.

Ang nakakatuwa lang dito sa issue na to, is yung huli ka na pero di ka kulong.

Never ko naisipan sumali sa mga networking, di ko nilalahat pero karamihan kasi talaga sa simula lang maganda and kalaunan naiiwan ang mga bago. Ang yumayaman yung nasa taas lang and not the other way around, Same stories and same outcome.

Ang advantage lang dito ni Frontrow is nakatayo na sila ng foundation na matibay, lalo't na bigatin ang mga nag dadala nito. Not unless mag pull out, which is interesting.  Grin



sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
March 06, 2020, 07:38:51 AM
#36
Karamihan sa Pinoy nabibikitima pa ng mga ganitong mga scheme dahil na rin sa kagustuhang kumita ng wala masyadong ginagawa. Sana maalis na sa mindset ng mga Pinoy ang ganitong kalakaran. Ilang beses na akong naka attend ng seminars at ilan sa mga kaibigan ko ang nag nenetworking. Nakakainspire naman talaga at nakakamangha ang mga digits at the specific time na pwede mo kitain, pero maging realistic tayo na hindi mo ito maaachieve sa networking kung nasa hulihan ka.

Never akong nahikayat pumasok sa networking dahil alam ko ang ganitong scheme at ayaw ko rin humikayat pa at makabiktima ng ibang tao para lang kumita.
Ako rin never pumasok sa isip ko simula nung nalaman ko na hindi maganda ang networking  na sumali sa mga ito kaya naman sa mga sumali sa frontrow at hindi kumita kawawa naman pero it's their choice din naman.

Kapag Pinoy kasi walang research na nalalaman kaya nabibiktima yung kala nilang kikita sila sila pala ang nakuhanan ng pera.
legendary
Activity: 2492
Merit: 1145
Enterapp Pre-Sale Live - bit.ly/3UrMCWI
March 06, 2020, 05:04:20 AM
#35
Heard this issue ki Xian Gaza sa ginawa niyang expose sa Frontrow at Mr. Villanueva, Inexplain ni Xian Gaza each details tungkol duon sa issue ng Front Row. Fair ang expose ni Xian Gaza kasi wala siyang kinakampihan na panig.

Sa ginawa ng Front row ki Mr.Villanueva ay for me I can consider it as scam, Ang pag hold ng cheke ni Mr.Villanueva is fair enough tunkol sa issue and sa company policy nila pero dun sa pag forfeit ng checke ay sigurado macoconsider as scam yun.

Eto ang reason kung bakit ayaw ko sa pyramiding eh, Kasi may control sayo ang upper heads mo at clear naman na dapat bayaran ka sa mga trabaho na ginawa mo sakanila, Yung small issue sa Front Row ay tuluyan ng naging malaking issue. Mabibigyan ng another bad image ang front row at magiging malaki ang effect nito sa mga current members especially new members na maka pag invite ng possible referrals nila.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
March 06, 2020, 04:16:11 AM
#34
Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila.
Para sa akin, an indirect scam is still "scam"...

Salamat @finaleshot2016 sa mga nilink mo ng videos, napanood ko yung tatlong parts at nasa ibang level ang scam nila:

  • Fake product stories = ✔
  • Hindi nilalagay sa pangalan ng mga owner ang mga kotse = ✔
  • At iba pa...

Medyo nakakarelate ako d2 dahil nun college days ko [mga huling taon, 2012-2013], may lumapit sa akin [sa U belt area] ng frontrow agent at after class daw magmimeeting [sa isang restaurant] kasama ang ibang tao na balak nilang ibrainwash, so since inexperience pa ako noon, nagpunta ako dun tapos after meeting dinala ang lahat ng possible recruits sa mismong office nila [main branch ako nagpunta]. Ipapakita nila yung office since napaka ganda tlga kaya parang strategy nila na mapasali ka since mukang professional at astig. After that gagawin nilang lahat na ipajoin ka, kahit anu man sabihin mo maghahanap sila ng dahilan para ipasali ka para mag bayad ka which is isa sa mga signs ng hindi professional at legitimate ang isang company.

The thing is, madaling mauto ang mga pinoy [unfortunately]. Last year umuwi ako sa pinas, tapos nun nalaman ng mga kaibigan at pinsan ko na kumikita ako ng bitcoin, ang unang tanong nila sa akin was, "nag bibitcoin ka? Kami din." So tinanong ko kung sa anung paraan at sure enough, yung sinabi nilang website was just another ponzi scheme tapos nun sinabihan ko sila, ang lumabas ako ang masama at KJ daw ako Roll Eyes
hero member
Activity: 1274
Merit: 519
Coindragon.com 30% Cash Back
March 06, 2020, 03:41:00 AM
#33
Karamihan sa Pinoy nabibikitima pa ng mga ganitong mga scheme dahil na rin sa kagustuhang kumita ng wala masyadong ginagawa. Sana maalis na sa mindset ng mga Pinoy ang ganitong kalakaran. Ilang beses na akong naka attend ng seminars at ilan sa mga kaibigan ko ang nag nenetworking. Nakakainspire naman talaga at nakakamangha ang mga digits at the specific time na pwede mo kitain, pero maging realistic tayo na hindi mo ito maaachieve sa networking kung nasa hulihan ka.

Never akong nahikayat pumasok sa networking dahil alam ko ang ganitong scheme at ayaw ko rin humikayat pa at makabiktima ng ibang tao para lang kumita.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
March 06, 2020, 03:19:25 AM
#32
Ang hirap kasi sa ibang mga pinoy hindi ko nilalahat masyado tayong mapaniwalain sa mga bagay bagay, pakitaan lang ng mga mamahaling bagay na bunga daw ng ganto ganyan sige lang ng sige. Kulang tayo sa research as investors kaya madaming naloloko.
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
Yup sikat ang front row at nag start ang frontrow year 2008 pa. Kung isa ka sa early birds  malamang sa malamang kumita ka.
Nakit ko ang episode nila sa tulfo, hanggang part 3 ata ito, kung ako lang tatanongin, dapat hindi ito ini entertain ni tulfo dahil yung nag reklamo nakinabang naman siya ng malaki sa mga ni recruit niya, kung man loloko ang program, so isa siya sa may sala dahil upline na siya.
hero member
Activity: 1273
Merit: 507
March 06, 2020, 02:11:50 AM
#31
Marami na rin akong kaklase at kakilala na interested sa frontrow na yan or any other networking companies na ganyan ang style. Iniisip ko nalang din na hanggat sa wala na silang tao makukuha o mauuto mawawala na rin yan unless may iba silang paraan para tumatakbo pa rin ang business schemes na yan. Magaling sila mag "sugarcoat" ng mga sinasabi kahit sabihin nating legit business sila na but in the bigger picture hindi legit ang pamamaraan ng pagtakbo nila.
Nagagawa nilang mang uto dahil narin sa wala silang Ibang pagkakakitaan kung hindi mag invite lang kaya naman kahit mag sinungaling pa sila para mapaniwala ka na mag invest at kumita. Kaya naman kung wala ka pang Alam sa mga ganito siguradong mabibiktima ka. Kagaya nalang sa kaibigan ko na nadala sa matatamis na salita at nalako ng 30k pero hindi frontrow Yun parehas lang sila ng scheme benta product invite.
full member
Activity: 896
Merit: 198
March 06, 2020, 01:50:15 AM
#30
Nakaka-init ng dugo yung mga taong nagpapasimula ng mga ganitong PONZI SCHEME. Yung tipong basta magakron sila ng malaking pera, wala na silang pakialam kung makapanloko sila ng kapwa nila tao. Tapos pag nahuli ng mga authorities, iiyak iyak sa harap ng camera. Dapat sa mga ganyang tao, ang parusa ay death penalty eh. Paulit-ulit lang din eh kasi magaan lang ata ang parusa sa mga kasalanang ganyan.  Angry

Actually parang selling lang naman ung ginagawa nila nag add lang sila ng pyramid scheme which is kikita ung mga tao sa marerecruit nila or mabebenta nila na items.
Pero dahil nga networking ung mga items nila may kamahalan at doon kumikita ung company sa pagbebenta ng product na mas mahal sa normal price.
Bali pag sumali ka magiging seller ka ng items , magrerecruit kumita ng mas malaki while sila mag recruit ka o hindi sa pag sali mo kumita na.
sr. member
Activity: 763
Merit: 252
March 06, 2020, 01:47:17 AM
#29
kung unang sali mo kasi iisipin mo parang hindi sila scam kasi may mga product din silang binibigay sayo. pero kung lalaliman mo nang pag iisip doon mo na ma realize na naiiscam kna. kasi mag babayad kpa nang membership taz babayaran mo pa yung items. pag hindi mo maibenta kasi sobrang mahal doon na papasok yung scam kasi hindi mo na mababawi pera mo. kaya kailangan mo talaga mkakakuha nang maiinvite mo para mabawi pera mo..
hero member
Activity: 1708
Merit: 606
Buy The F*cking Dip
March 06, 2020, 01:33:32 AM
#28
Nakaka-init ng dugo yung mga taong nagpapasimula ng mga ganitong PONZI SCHEME. Yung tipong basta magakron sila ng malaking pera, wala na silang pakialam kung makapanloko sila ng kapwa nila tao. Tapos pag nahuli ng mga authorities, iiyak iyak sa harap ng camera. Dapat sa mga ganyang tao, ang parusa ay death penalty eh. Paulit-ulit lang din eh kasi magaan lang ata ang parusa sa mga kasalanang ganyan.  Angry
sr. member
Activity: 1484
Merit: 276
March 06, 2020, 01:25:02 AM
#27
Ang hirap kasi sa ibang mga pinoy hindi ko nilalahat masyado tayong mapaniwalain sa mga bagay bagay, pakitaan lang ng mga mamahaling bagay na bunga daw ng ganto ganyan sige lang ng sige. Kulang tayo sa research as investors kaya madaming naloloko.
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
Yup sikat ang front row at nag start ang frontrow year 2008 pa. Kung isa ka sa early birds  malamang sa malamang kumita ka.
sr. member
Activity: 1358
Merit: 326
March 06, 2020, 01:02:48 AM
#26
Napanuod ko ito kahapon. Nakakalungkot isipin na misleading pala ang result. I mean, kinontak siya ng may ari ng frontrow to endorse their product dahil sa big transformation niya which is hindi pala yun yong product na ginagamit nya.
 
 Napakinabangan na nila yung complainant that is why he is dumping by those high rank members. Kung hindi naibigay ang recent sahod at ayaw din ibigay ang mga kotse na nakapangalan sa frontrow pero "siya" ang nagbabayad. This just means it is a total scam networking scheme like the others.
 
 Hindi rin talaga ako nahihikayat sa mga ganiyong networking scheme kahit may mga products sila. Mga uplines at owner and nakikinabang sa lahat.
hero member
Activity: 3024
Merit: 629
March 05, 2020, 11:43:37 PM
#25
Legit naman ang frontrow at meron silang product na ino offer, at sabi ng iba effective naman daw. Ang tanong kung magpa member ba ang isang tao, san sya mas kikita ng malaking incentives sa pagbenta o pag invite? Diba sa pag invite. Kaya instead na pagbebenta ang atupagin mas prioritize nila ang makapaghikayat ng bagong sasali para continuous ang pasok ng pera. Kaya nga pagsasali ka sa mga ganito dapat daw open minded, masipag, motivation ang upline. Usually naman ng nakikita ko na ganito mga food supplement ang product, effective nga yet pricey.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
March 05, 2020, 11:15:30 PM
#24
Good post OP but I would like to make some correction regarding sa definition mo ng Ponzi Scheme

What is PONZI SCHEME?
Ito naman yung way na papaniwalain ka nila na yung profit na nakukuwa mo ay galing sa sales ng project or platform nila pero galing ito sa mga early investors.


From the definition:  


Quote
Pon·zi scheme
/ˈpänzē ˌskēm/
noun
a form of fraud in which belief in the success of a nonexistent enterprise is fostered by the payment of quick returns to the first investors from money invested by later investors.
"a classic Ponzi scheme built on treachery and lies"

Ibig sabihin ang pera na ibabayad ay hindi manggagaling sa early investors bagkus ito ay kukunin sa mahuhuling papasok sa company.



Matagal ng company ang front  row at ngayong lang nagka-isyu.

Quote
IMO, yes it's a scam. The fact na pinapaniwala mo ang isang tao na kikita siya kapag nag-invest siya ng pera, scam na agad yon.
.

Does this mean na pati ang mga insurance na nangako ng tubo ng pera after sometime ay scam na rin (eg. Sunlife, AXA etc)?  Hindi porke nagpaliwanag ka na tutubo ang pera ay scam na agad.  Siyempre titingnan natin ang mga proseso,  kung lalahatin natin sa paniniwalang ito, pati bangko scam na rin.  
Sa totoo lang may mga categories para ihanay ang isang programa  o sistema para maging scam. Katulad ng hindi makatotohanang kitaan.  Hindi pagbabayad sa mga client ng dapat nilang kitain at marami pang iba.  


full member
Activity: 2520
Merit: 214
Eloncoin.org - Mars, here we come!
March 05, 2020, 10:57:20 PM
#23
Napanuod ko ito sa Tulfo nagreklamo sa company na Frontrow.  Ayun nga naforfeit ng kumpanya ang pera na dapat para sa kanya, at yung mga sasakyan na hinuhulugan nya ay nakapangalan sa frontrow. Sa ganitong kalakaran na networking ang kikita lang talaga dito eh yung nauna o pioneer kasi madami nga naman nainvite para para magtangkilik sa produkto na binibenta ng isang ahente. Kaya magsilbing aral din ito sa iba kung ano talaga ang kalakaran sa networking.
tama at sila ang nagagamit para makapag established ng mga biktima,ang mga nauna ang lubos na makikinabang at kikita.

nakakalungkot lang din na sa dami na ng biktima ng mga ganitong scheme ay paulit ulit pa din na nadadagdagan,siguro sadyang matamis ang dila ng mga taong ito para mapagtakpan ang mga kalokohang pinaplano nila.

sana sa mga nakakabasa nito dito satin sa lokal ay i spread pa natin ang kaalaman at pag warning baka sa susunod mahal na natins a buhay ang mabiktima or baka tayo pa mismo.
full member
Activity: 1624
Merit: 163
March 05, 2020, 10:26:05 PM
#22
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.

Sobrang sikat ito na halos 25% ng classmate ko dati sumali dyan sa frontrow nayan, hindi nila alam na ganyan pala ang sistema. halos punong puno ng frontrow yung FB feed ko na halos nakakainis na pero satingin ko part yun ng marketing nila para maka-akit pa ng mga members. Sa ngayon medyo hindi na masyadong matindi ang networking nila at napapansin ko na may gumaya na sakanila, yun ang BOSS network.
hero member
Activity: 1582
Merit: 523
March 05, 2020, 10:15:11 PM
#21
Napanuod ko ito sa Tulfo nagreklamo sa company na Frontrow.  Ayun nga naforfeit ng kumpanya ang pera na dapat para sa kanya, at yung mga sasakyan na hinuhulugan nya ay nakapangalan sa frontrow. Sa ganitong kalakaran na networking ang kikita lang talaga dito eh yung nauna o pioneer kasi madami nga naman nainvite para para magtangkilik sa produkto na binibenta ng isang ahente. Kaya magsilbing aral din ito sa iba kung ano talaga ang kalakaran sa networking.
jr. member
Activity: 82
Merit: 1
March 05, 2020, 10:00:02 PM
#20
Ang iniisip ko nalang talaga sa simula palang pag mga ganyang networking companies ponzi scheme na at iwas na talaga, ang dami rin kasing pipilitin ka mapaniwala through their pictures and processes. Hindi pa ako sure kung meron pa talaga mga networking companies na legit din na credited tulad ng SEC at hindi ponzi scheme ang hidden strategy. Naging mindset ko tuloy na basta networking scam agad. Sabi nga ang mga pilipino mahilig talaga sa easy or quick money at nabanggit na rin ni tulfo about dyan "if its too good to be true, then it is not true" which is ganun naman talaga.
Ang galing din kasi ng strategy nila na nakakapagpa-billboard pa sila at kumukuha ng celebrities kaya mukha talagang kaaya-aya at mukhang tunay, pero sayang lang sa mga tao na under recruitment na wala silang idea. Sayang yung legitimacy ng business pero walang integrity and fairness sa nasabing scheme na wala naman talaga.

Marami na rin akong kaklase at kakilala na interested sa frontrow na yan or any other networking companies na ganyan ang style. Iniisip ko nalang din na hanggat sa wala na silang tao makukuha o mauuto mawawala na rin yan unless may iba silang paraan para tumatakbo pa rin ang business schemes na yan. Magaling sila mag "sugarcoat" ng mga sinasabi kahit sabihin nating legit business sila na but in the bigger picture hindi legit ang pamamaraan ng pagtakbo nila.

 
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
March 05, 2020, 08:35:30 PM
#19
Yes, hindi sila scam kasi they're doing it in a professional or business way. Like what I've said, marami silang ginagawang asset para masabing lehitimo ang isang bagay kaya meron silang permit. Yes it's not a scam but technically it is a scam that uses legal matters para masabing legit ang pamamaraan.
Tama ka, kaya yung madaling mahikayat kapag nag-invest na wala ng magawa kundi magtrabaho at sikapin na mabawi yung capital niya sa pamamagitan ng paraan na ayaw niya at yun ay ang pag-invite na technically speaking pinaka mabilis na paraan para kumita sa kanila.

Alam naman siguro nila sa sarili nila na yung products sa bawat networking company ay for show lang sa public pero ponzi scheme talaga ang main point ng business na yan.

Mas effective pa ang kojic kaysa sa product nila.
Oo nga yung kojic mas effective pa kesa sa mga masyadong mahal na mga produtko nila. No choice nalang sila kaya yun ang ginagawa nilang dahilan para makabenta kasi andun na pera nila at hindi nila napag-isipang mabuti bago sila nag-invest.

https://www.youtube.com/watch?v=RBxCRs8VYIQ

Kakaupload lang 'to ngayon. Part 3 regarding don sa issue.
Raffy Tulfo is not affiliated with Frontrow, siguro naging mapanuri lang siya sa Part 1 kaya tanong siya ng tanong.
Napanood ko na nga yung part na yan at mas kaabang-abang yung magiging part 4. Ang side ni Raffy Tulfo ay sa complainant kasi nga lumapit sa kanya pero baka may iba pang mga kwento na lalabas sa mga susunod na episodes.
sr. member
Activity: 1372
Merit: 261
March 05, 2020, 08:31:45 PM
#18
Marami din ang baho ng frontrow may mga technique silang ginagawa para makapanghikayat ng mga tao para makasali sa kanila.
Gaya nung sasakyan sa napanood ko yung nagrereklamo ang nagbabayad pero sa frowntrow nakapangalan yung sasakyan tapos required daw kumuha sila ng ganoon panghikayat. Yung mga may ari ng networking company na yan gusto ata yumaman ng yumaman .
Yung pinaka pioneers lang kikita sa ganyang systema lalo nat malaki ang kailangang pera para magkaroon ng account sa frontrow kaya pag wala kang alam sa pag nenetworking ay dyan ka masscam.  Kaya dapat wag kang maniwala sa mga salita nila dahil mas malaki ang chance na puro kasinungalinan lang yung pinagsasabi nila.
sr. member
Activity: 1274
Merit: 263
March 05, 2020, 04:58:14 PM
#17
Hindi ko ineexpect na isa rin palang scam at maraming tinatago ang Frontrow dahil in fairness nagain nila ang trust ng maraming pilipino at marami din ang nahikayat nilang miyembro dahil nga sa mga advertisements nila gamit na rin ang malalaki at sikat na pangalan. MAbuti na lang at mula noon ni hindi ako nahikayat ng mga kaibigan kong maginvest dito dahil nga wala akong tiwala sa mga networking. Grabe pa naman yung strategy ng ilan sa kanila para makapaghikayat, minsan idadown pa nila yung current job mo. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag.
Marami din ang baho ng frontrow may mga technique silang ginagawa para makapanghikayat ng mga tao para makasali sa kanila.
Gaya nung sasakyan sa napanood ko yung nagrereklamo ang nagbabayad pero sa frowntrow nakapangalan yung sasakyan tapos required daw kumuha sila ng ganoon panghikayat. Yung mga may ari ng networking company na yan gusto ata yumaman ng yumaman .
sr. member
Activity: 1484
Merit: 277
March 05, 2020, 01:20:59 PM
#16
Nauunawaan ko yang scheme nila kasi dati ring may mga nag-invite sa akin at nagtry din ako isang beses pero hindi ko na tinuloy. Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila. Na ang ibig sabihin, hindi lang sa invite dadaan yung pwede nilang pagkakitaan pero sa totoo lang, walang bibili ng produkto nila kasi nga super mahal o overprice at kung meron man talagang bumibili konti lang. No offense po sa mga kababayan nating nasa network marketing pero meron talagang ginagamit yung sistema na ganyan sa maling pamamaraan.

Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
Yun din pinagtataka ko na sa tingin ko ay alam niya naman talaga ang kalakaran sa network marketing mapa-frontrow man yan o ibang company.

Hindi na bago yang scheme ng networking at ibang mga pangakong napako na company, dahil walang pinag iba sa mga naranasan ko. Katulad din ako sa inyong lahat na nadito na may masamang karanansan sa investment scheme mapa front row man yan o kahit anong pangalan, ay halos iisa lang ang goals ng mga ito ay manglamang ng kapwa.
I respeto lang natin yung pag interview ni Idol raffy, sa tingin ko fair naman yung kanyang katanunganm need lang kasi ng legit na proof bago hihingi ng tulong patungo sa kanya.
sr. member
Activity: 1596
Merit: 335
March 05, 2020, 11:30:07 AM
#15
Hindi ko ineexpect na isa rin palang scam at maraming tinatago ang Frontrow dahil in fairness nagain nila ang trust ng maraming pilipino at marami din ang nahikayat nilang miyembro dahil nga sa mga advertisements nila gamit na rin ang malalaki at sikat na pangalan. MAbuti na lang at mula noon ni hindi ako nahikayat ng mga kaibigan kong maginvest dito dahil nga wala akong tiwala sa mga networking. Grabe pa naman yung strategy ng ilan sa kanila para makapaghikayat, minsan idadown pa nila yung current job mo. Wala talagang lihim na hindi nabubunyag.
sr. member
Activity: 1297
Merit: 294
''Vincit qui se vincit''
March 05, 2020, 10:02:00 AM
#14
Nag squeal na ang upline na natulfo, hindi na nya kinaya yung paghihintay na mabayaran sya dahil hinahabol na din sya ng mga downlines nya.
Iiyak iyak sya pero alam naman nya ginawa nya. Gayahin nalang nya si Xisn nang makabawi sya at mabayaran mga utang nya.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1043
Need a Marketing Manager? |Telegram ID- @LT_Mouse
March 05, 2020, 09:54:24 AM
#13
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
In terms of networking companies, para sa akin ito ang pinakasikat na networking/selling products na company kasi matagal na rin sila sa ganitong industry eh. Nag lipa na ung mga ibang kacompetition nila pero sila ay anjan pa rin.

Will share bit of my experience with this stupid networking shit.

"IF YOU ARE OPEN MINDED YOU CAN JUST PM ME AND I WILL OFFER SOMETHING FOR YOU"
"OPEN MINDED KA BA?? PM ME"
"GUSTO MO BANG KUMITA OR MAGBENTA ONLINE. PM ME"
"SALI KA DITO IN 1-2 MONTHS MAGIGING FINANCIALLY FREE KA NA"
"MAGPAPAKITA NG LIMPAK LIMPAK NA SALAPI PERO DI NAMAN GALING SA KANILA."


Bukod sa mga sinabi ko sa itaas, marami pa silang ways para magbrainwash ng mga tao. Natry ko na rin sumali sa isang networking company pero ang tawag nila ay affiliate marketing pero in the end, isa pa rin itong networking na need mag invite para kumita. Triny ko lahat ng pwedeng gawin para kumita. Nagconstruct ng mga mabulaklak na sentences na makakaattract sa kanila, nagpuyat kakapanood ng training at seminar nila thru livestream, gumastos ng load para lang mapanood at mag research at naisip ko din na pumunta at manood mismo sa mga seminar in person pero buti na lang wala akong pera noon kung meron lang pupunta talaga ako.

Then one month after, wala pa rin akong nainvite ni isa at dun na ako nagdecide na tumigil sa sinalihan ko at di ko aakalain na un ang isa sa mga magandang desisyon ko sa buong buhay ko. Di ko maimagine ang sarili ko sa networking industry at buti na lang talaga ay tumigil na ako dahil naramdaman ko kung gaano kahirap mag invite ng ibang tao. Kung gaano kahirap makipag usap sa mga taong hindi naman interesado. Kung paano maging tanga sa kanila na makipagusap pero sa huli hindi rin naman sasali. Ending, di na ako sumali sa kahit anong networking companies.

Regarding sa topic, napanood ko ung latest video ni Tulfo regarding Front Row and nasabi dun na base sa SEC allowed sila na mag benta ng mga products pero hindi sila allowed na mag invite dahil wala silang license to do it.

This is a ponzi scheme but in a professional way for me because nakita naman natin kung gaano na nila niloloko ang mga tao sa buong pilipinas Cheesy. Kung open minded ka at alam mo kung gaano kahirap ang kumita ng pera ay malalaman mo na ang ilan sa mga sinasabi nila ay "too good to be true" at sabi nga ni Tulfo, "If it is too good to be true then it is not true".

I hope na after this revelation of Front Row ay unti unti na silang bumagsak in the next years dahil hindi biglang babagsak tong company na ito. Matatagalan bago mangyari pero unti unti silang babagsak dahil dito sa exposure na nangyari.
sr. member
Activity: 1456
Merit: 267
Buy $BGL before it's too late!
March 05, 2020, 09:15:15 AM
#12
Nakikita ko to  sa bandang q.ave and talagang mga sikat na tao ung nagiging commercial model nila, if I'm not mistaken pati si Mayweather dati naging model din, sa usapin naman ng pagiging Ponzi hindi natin maikakatwa na ganun nga ang system nila, pyramiding which is talagang pinag aralan nila at
naging bihisa sa pag rerecruit ng mga taong naghahangad ng shortcut sa pagyaman.
Hindi ako pabor sa ganitong sistema which madalas or palaging kawawa ung mga nasa ilalim dahil pag hindi ka na tinulungan nung mga nakinabang sayo
eh byebye na yung pera mo, unless masisikmura mong ipasa nman sa kakilala or kapamilya mo yung burden ng investement na walang kasiguruhan.
copper member
Activity: 3010
Merit: 1284
https://linktr.ee/crwthopia
March 05, 2020, 09:14:38 AM
#11
Siguro sa karamihan ng tao na hindi pa aware sa mga scams, hindi nila iisipin agad yun. For me, nung nakita ko pa lang yung concept nila, na feel ko na agad na parang sketchy sila, knowing na andami dami ng mga ganyan klase na dumaan. Tapos napaisip ako, andami kong nakita na advertisements regarding diyan sa Front Row na yan. Mga bigatin talaga yung mga nag eendorse eh pero naisip ko na lang din na dahil sa bayad lang talaga and not technically investing in it. Grabe siguro mga kinita nila from that and more lalo na dun sa ads na ginagawa nila.

Be vigilant sa mga ganyan. If ever kumita na the first time, don't repeat again. Mga MLM style na ganyan, mahirap na.
sr. member
Activity: 1022
Merit: 277
★Bitvest.io★ Play Plinko or Invest!
March 05, 2020, 09:09:57 AM
#10
Sa sobrang dami ng members ng frontrow, meron na din kahit mga artista.

Referral or sa pagbebenta ng items, kikita ka. Pero kung iaanalyze mo kung paano nga ba kikita ang mga tao, maiisip mo na ang kinikita mo ay ang mga binabayad ng mga bagong pasok na tao.

Naalala ko nung muntik na ako mapasali sa frontrow, kailangan ko daw mag bigay ng 11k+ para maavail ang products na maibebenta ko para kumita, since hindi ko naman afford, binabaan nila ang offer hanggang umabot kami sa 500 which is pwede ko dagdagan ang investment na un over the time.

Luckily hindi ko itinuloy and pagsali, pero may mga kakilala ako na nagsisi sa huli dahil hindi sila kumita in the end.
full member
Activity: 2520
Merit: 214
Eloncoin.org - Mars, here we come!
March 05, 2020, 08:34:55 AM
#9


Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
parehas tayo ng obserbasyon mate yan din ang napansin ko na hindi sa "Hindi sya naniniwala" parang inu ulit ulit nya ang pagtatanong baka lumihis ng sagot si Dave at mabutasan nya or Nila,ayoko magsalita ng masama pero parang meron din syang investment sa loob lalo na at alam nating malalaking tao ang nasa likod nito,mga malalaking celebrities ang endorsers kaya parang matatabunan lang ang kasong to.

ang yumayaman lang naman sa mga ganitong scheme ay yong mga early adopters ,dahil sila ang gagawing kumbaga PAKAGAT ng mga may ari para lumabas na legit and then pag lumaki na ang network eh kawawa yong mga nasa middle nag invest dahil sila ang lubos na tatamaan ng panloloko.
sr. member
Activity: 540
Merit: 252
March 05, 2020, 07:43:54 AM
#8
Marami ng members ang Front Row dito sa Pinas.  Halo halo rin ang nababasa ko sa social media kung saan halos mas marami ang negative ang saloobin sa Front Row. 

Ang Front row kasi ay walang pinagkaiba sa ponzi schemes you need to invite para kumita ka, meron din sa pagbebenta pero maliit na halaga lamang kaya ang pinakamain goal talaga dito ay mag invite.  At isa pa scam talaga ang front row dahil narin sa pag mislead ng mga members nito kung ano ba talaga ang products na binenbenta nila gaya nunng pampaputi na side effect labg pala at hindi talaga iyon ang main na pinapagaling ng capsule nila na pagkamahal mahal.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
March 05, 2020, 07:30:30 AM
#7
Yun din pinagtataka ko na sa tingin ko ay alam niya naman talaga ang kalakaran sa network marketing mapa-frontrow man yan o ibang company.
https://www.youtube.com/watch?v=RBxCRs8VYIQ

Kakaupload lang 'to ngayon. Part 3 regarding don sa issue.
Raffy Tulfo is not affiliated with Frontrow, siguro naging mapanuri lang siya sa Part 1 kaya tanong siya ng tanong.
hero member
Activity: 2940
Merit: 613
Winding down.
March 05, 2020, 07:20:42 AM
#6
Di ba sikat itong frontrow? if I am not mistaken, mga 2017 andito na ito tapos ito yung sinasabi ng mga mentor ko sa crypto na iwasan, i mean nasali lang sa usapan dahil marami kasing nahuhumaling nito. Sana, matapos na rin to at makasuhan ang dapat kasuhan para wala ng mabiktiman, dinadaan lang nila sa product yung networking nila pero in reality wala talagang mapapala ang nga downline, sila yung kawawa.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
March 05, 2020, 07:08:17 AM
#5
Nauunawaan ko yang scheme nila kasi dati ring may mga nag-invite sa akin at nagtry din ako isang beses pero hindi ko na tinuloy. Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila.
Yes, hindi sila scam kasi they're doing it in a professional or business way. Like what I've said, marami silang ginagawang asset para masabing lehitimo ang isang bagay kaya meron silang permit. Yes it's not a scam but technically it is a scam that uses legal matters para masabing legit ang pamamaraan.

No offense po sa mga kababayan nating nasa network marketing pero meron talagang ginagamit yung sistema na ganyan sa maling pamamaraan
Alam naman siguro nila sa sarili nila na yung products sa bawat networking company ay for show lang sa public pero ponzi scheme talaga ang main point ng business na yan.

Mas effective pa ang kojic kaysa sa product nila.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
March 05, 2020, 07:00:10 AM
#4
Nauunawaan ko yang scheme nila kasi dati ring may mga nag-invite sa akin at nagtry din ako isang beses pero hindi ko na tinuloy. Maja-justify nilang hindi sila scam kasi nga registered sila at may produkto sila. Na ang ibig sabihin, hindi lang sa invite dadaan yung pwede nilang pagkakitaan pero sa totoo lang, walang bibili ng produkto nila kasi nga super mahal o overprice at kung meron man talagang bumibili konti lang. No offense po sa mga kababayan nating nasa network marketing pero meron talagang ginagamit yung sistema na ganyan sa maling pamamaraan.

Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
Yun din pinagtataka ko na sa tingin ko ay alam niya naman talaga ang kalakaran sa network marketing mapa-frontrow man yan o ibang company.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
March 05, 2020, 06:55:05 AM
#3
actually nasa Tulfo na to kabayan kahapon at tama ka Ponzi scheme talaga mga ganitong pamamaraan.
yes, the image I used above was from tulfo.

i remember some of my friends hinihikayat ako na mag invest dito dahil anlalaking tao ang mga endorser and kung di ako nagkakamali eh pati si Floyd Mayweather ay naging celebrity endorser nito?

napakdami nang nauto ng mga ganitong mga scammers hanggang ngayon meron pa din naloloko.

sana naman now pag talagang napatunayan na ito at hindi matapalan ng Pera ang media ay mag tuloy tuloy ang imbestigasyon at paglabas nito sa mga balita.
Yes, ponzi scheme or network marketing is full of marketing strategy, matatalino sa business kaya kapag hindi ka edukado pagdating sa mga ganito, you'll be a victim.

I know a lot of people who was scammed by ponzi.

Muntik na nga ako magduda kay Raffy Tulfo eh, ang daming paulit ulit na tanong na para bang hindi naniniwala kay dave at gustong ilihis yung pangalan ng frontrow.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
March 05, 2020, 06:43:42 AM
#2
actually nasa Tulfo na to kabayan kahapon at tama ka Ponzi scheme talaga mga ganitong pamamaraan.

i remember some of my friends hinihikayat ako na mag invest dito dahil anlalaking tao ang mga endorser and kung di ako nagkakamali eh pati si Floyd Mayweather ay naging celebrity endorser nito?

napakdami nang nauto ng mga ganitong mga scammers hanggang ngayon meron pa din naloloko.

sana naman now pag talagang napatunayan na ito at hindi matapalan ng Pera ang media ay mag tuloy tuloy ang imbestigasyon at paglabas nito sa mga balita.
legendary
Activity: 1834
Merit: 1010
Modding Service - DM me!
March 05, 2020, 06:34:30 AM
#1
I think this is one of the right time para ma-enlighten ang mga tao especially tayong mga nandito sa forum. If you knew someone na nagbabalak pumasok sa networking then I think you should explain how does PONZI SCHEME works. I created a thread about BNL na similar dito and uses BITCOIN sa kanilang payment last year: BNL scam or not? What's your thought? [ponzi scheme]


This issue is all about a guy na hindi naka-receive ng sweldo because of his member na may ginawang mali. Also, lahat ng mga bagay like mamahaling kotse ay nakapangalan sa company which is FRONTROW kahit na mismong pera niya ang pinang-down niya sa kotse.

And we all know na basta networking, it's more likely a PONZI SCHEME sa kadahilan na pyramiding na kailangan mo ng members to sustain your profit on this kind of work.

What is HYIP?
Ang hyip or high-yield investment program ay isang klase ng ponzi scheme na kung saan papangakuan ka ng isang malaking profit after mong mag-invest ng pera pero in reality, itatakbo lang nila ang mga pera na-invest sa kanilang platform.

Ngayon mas dumadami na ang mga scam projects dahil ganon na ang way nila upang makalikom ng pera. Kung dati hindi pa nageexist ang cryptocurrency ay nakakagawa na sila ng investment scam, what more kapag dinamay na nila ang crypto just to earn huge profit from investors.

What is PONZI SCHEME?
Ito naman yung way na papaniwalain ka nila na yung profit na nakukuwa mo ay galing sa sales ng project or platform nila pero galing ito sa mga early investors.

Kahit ano pang pagpapagandang words, even it's a free enterprise, or network marketing is the same sh*t with ponzi scheme or pyramiding.

Kung sa tutuusin, the networking works by recruiting more members and yung mga sabon, pampaputi, kotse at kung ano mang pangpapaakit ay asset lang nila para mas dumami yung members ng isang networking company. So definitely, mas kikita ka ng maraming pera kapag nakapag-recruit ka ng bagong member dahil maglalapag ito ng malaking pera which is sweldo ng mga nasa taas. And kaya ka kumikita is because of the name ng company, kaya makikita mo yung sandamakmak na advertisements, billboards kaya talagang magmumukhang legit ang isang networking business.

But behind every ponzi scheme or pyramiding, mga nasa taas lang lagi ang nagbebenefit sa ganitong pamamaraan or kapag marami kang members. That's why ang mga networking company ay kumukha ng artista para lang maakit pa yung mga members at sila sila lang din ang makikinabang.

Do I consider it a Scam?

IMO, yes it's a scam. The fact na pinapaniwala mo ang isang tao na kikita siya kapag nag-invest siya ng pera, scam na agad yon. In reality, di naman talaga nangyayari yon. Who tf will give a money to a random person kasi nakapag-invest siya? Wala diba. And until ma-brainwash ka na, gagawin ka na rin nilang asset and dahil motivated ka since nakikita mong kumikita ng pera yung mga nasa taas, magiinvite ka na rin ng mga members and yun na yung start ng pagpapalawak.

I remember BNL, na dinamay pa yung BTC sa pagkita nila ng pera, which is obviously ponzi scheme rin naman. Those people who invented this scheme are probably scammers na dinadaan sa mabulaklak na salita at papeles para lang makapang-scam ng tao through legal matters. Kaya nga desperate ang mga tao sa mga ganitong bagay na nagpapakita pa ng pera at kotse para lang masabing legit.

This is one of the reason bakit hindi kinukonsinte ang mga investments na may referrals dito sa forum kasi ganon rin yun patungo, isang scheme na kung saan ang mga nasa taas lang ang mga nakikinabang at gagamitin lang ang iyong pera.

I hope this thread helps you, especially to those who lack knowledge about schemes like this at para maging aware kayo. Yes, may mga kumikita naman talaga sa networking at may mga yumaman but they're the one who already invested since the start of the company. It's not recommended and not profitable if you're thinking na pumasok ngayon dito dahil lagi mong nakikita ito.
Jump to: