Sa panahon natin ngayon, usong uso yung mga groups na kung saan magiinvest ka daw sa kanila by buying codes para makapag-click ka o kaya naman ay makapag-view ng ads. Pero hindi kaya mga Ponzi Schemes din ito na nagtatago lang sa maskara ng Online marketing or Advertising?
Marami nang nag-sara na mga 'companies' na nag-aadvertise na bibili ka ng mga codes sa kanila for a certain price at dodoble ito o kikita ng more than 50%. Halimbawa, yung code na bibilhin mong worth P1,500 ay babalik sa'yo ng P2,500 plus mga bonus mo pa daw sa binary (so ibig sabihin, more than P1,000 ang kikitain ng P1,500 mo!). Meron daw silang mga partnering companies abroad na willing magbayad annually ng kalahating milyong dolyar para lang tumaas ang ranking nila sa mga search engines. Attractive nga naman kung iisipin mo, pero hindi kaya mga Ponzi schemes lang ito?
Ano nga ba ang Ponzi scheme? May nakakapag-payout ba dito?
Ang Ponzi Scheme ay pinasimulan ni Charles Ponzi nong 1920s. Oo, may nakakapag-payout dito pero ang mga nakakatanggap lang e yung mga unang nag-invest. Yung mga mag-iinvest later on, karamihan sa kanila, wala nang tatanggapin.
Bakit ang mga unang nag-invest lang ang nakakatanggap ng payout? Kasi para may maipakita silang proof of payment at ito na ang gagamitin para makapang-akit pa ng ibang maloloko. Ito din ang madalas kong hinahanap noon sa magsasabi sa akin tungkol sa mga ganitong klase ng investments. Makakapagpakita naman sila ng proof at iisipin mo nang mag-invest dahil nagbabayad naman pala ang company. Ang hindi alam ng marami, ginagamit ngayon ng mga scammers na ito ang iniinvest ng mga sasali sa program nila later on para ipambayad sa pangakong dodobleng investment sa mga naunang nag-invest. Kapag may malaking nag-invest sa mga 'downline' at sa tingin ng mga scammers e sapat na ang nakuha nila, it's either bigla na lang silang magsasara, magdedeclare ng bankruptcy, magaannounce sa members nila na na-hack sila, o kaya minsan ay sasabihing ang ilan sa mga upline o grand uplines ay nag-traydor at tinangay ang pera. Syempre, itong mga nag-invest, hindi alam kung sino ngayon ang dapat nilang kasuhan. Kawawang mga kababayan natin.
Meron ba kayong mga alam na company na nagpapakita ng senyales na mga Ponzi schemes ang ginagawa? Pakicomment sila below para mabigyan na ng warning ang mga nag-iisip na mag-invest sa kanila.
Ipopost ko rin below ang galing sa isang website na nagpost ng mga inidentify nila na mga scammers o gumagamit din ng Ponzi schemes:
https://www.newsonlineincome.com/not-recommended/https://www.newsonlineincome.com/work-home-scams/Thank you sa mga information na ito kabayan , halos madami ng ganto nabiktima rin ako nito at yung isa kong matalik na kaibigan. Madami ito lalo na sa mga online sites, pepekeen ka lang nila actually ang galing nila mang uto, pede ako mag share , dahil baguhan lang ako dito ren sa bitcoin den my friend recommended it to me sabi niya legit daw so pumasok kame then nauto lang kame at the end baksak namen luhaan. So mga payo ko jan maging mapanuri lang, ang pangit kasi sobra , tas nakaka disapoint kasi kabayan panatin.