Wow, number 1 ba talaga? sayang di ako nakabuto pero ayos pa rin kasi number 1 na naman siya ehh.
Siya na yata ang pinakamagaling na presidente ng pilinas at sikat na siya sa buong mundo.
Si marcos pa din ang pinaka matalino n naging presidente,si duterte nasobrahan sa talino kaya medyo kulang kulang sa pag iisip. May pagka mayabang na kayang kayang nyang pasunurin lahat ng tao dito sa pinas.
Actually, maganda sana yung mga plans ni Marcos lalo sa pagpapatakbo ng ekonomiya. If I am not mistaken, at his time ay less than 20 pesos lang ata ang palitan ng Dollar. Indication na mataas ang standing ng ekonomiya natin nung mga panahong iyo. Ang mali nga lang ay yung paraan nila ng pagpapalakad sa mga mamamayan. Nawalan ng kalaayaan ang mga nasasakupan nila kaya nagkaron ng rebolusyon. Parang North Korea ang labas ng pamamalakad nya eh. Sayang yung magiging progress sana ng standing natin sa Ekonomiya.
Kay Duterte naman. Maganda ang ginagawa niya na nagpapasok ng maraming investors dito sa atin. Bukod sa maraming trabaho ang naipapasok, mas nagkakaroon ng kompetisyon sa mga kompanya kaya mas bumababa ang mga bayarin sa serbisyo. Isa na lang ang hinihintay kong maipasa nila at talagang bibilib nako sa kanya. Yung National Broadband.
Kung tutuusin, napakamahal ng binabayaran nating internet tapos isa tayo sa pinakamabagal. Kasi isang kompanya lang ang nag susupply dito sa atin kaya wala tayong choice kundi kagatin yung promos nila. Pero kung may ka kompetensya sila ay bababa panigurado internet billing natin. At bibilis pa.