- Mula halos PHP 1 Million, bahagyang bumaba ang presyo ng Bitcoin nang pumasok ang taong 2018
- Nasa 50 porsyento ang ibinagsak ng presyo ng Bitcoin
- Mula PHP 700,000 noong Enero 1, bumaba ito hanggang PHP 350,000 sa kasalukuyan
- Mula PHP 12.3 Trillion, bumagsak ang marketcap nito hanggang PHP 6 Trillion
- Kung ikukumpara sa mga nagdaang (2011-2017) unang quarter ng taon, ito ang pinakamalaki ang ibinaba.
Sa unang quarter palang, marami na ang napagdaan natin sa mundo ng cryptocurrency, tulad na lamang ng pag-ban ng Facebook at Google sa mga ICO ads, mga pag-hack sa mga cryptocurrency exchanges, at iba pang regulations. Ngunit marami pa rin ang naniniwala at nagho-HODL.
Sa aking palagay, matapos ang malaking pagbagsak ng presyo ng Bitcoin, maaabot na naman nito ang bagong all-time-high sa mga susunod na buwan. Ikaw, nabenta mo ba ang iyong Bitcoin noong mataas pa ang presyo nito o HODL pa rin hanggang ngayon? Sang-ayon ka ba na maaabot nito ang bagong ATH ngayong taon? O may ibababa pa kaya ang presyo sa kasalukuyan?
Hopefully matapos na ang pagbaba ng bitcoin. Sa unang quarter nagpapakita na ito ng magandang signs. Syempre minus the part na sobrang bumaba ito. Naniniwala ako na ang PRESYO ng bitcoin ay higit na tataas mula sa pagiging mababa nito.
At gaya ng sinabi mo sir, marami nang pinagdaanan ang bitcoin ngayon taon. MAYBE it's time para mag shine ito at hindi naman puro downs.