Pages:
Author

Topic: Presyo ng bitcoin umangat - page 2. (Read 285 times)

full member
Activity: 2086
Merit: 193
May 27, 2023, 08:06:46 AM
#11
Sa lahat naman ng investment need talaga nating mag-ingat at alamin ang kaliwa't kanan ng investment.  Dapat aware din tayo sa mga risks at possible failure ng ating ventures.  Kaya mahalaga talaga ang pagkakaroon ng kaalaman at pagiging update tungkol sa ating mga investments.
Kaya I don't encourage na maghold ka nalang at balikan ito after five years kase marami ang pwedeng mangyari and maari mo itong mamiss kung maghohold ka lang at kakalimutan ito. Dapat aware den tayo sa mga updates, at alam natin kung ano ang target profit net, for me 100% profit is already enough and may take profit ako and wait for the entry price again, with this stratey I think mas malaki ang possible na kikitain mo compare kung maghohold ka lang talaga.
hero member
Activity: 2632
Merit: 582
Payment Gateway Allows Recurring Payments
May 27, 2023, 05:58:20 AM
#10
Sa tingin ko naman di ganoon kalakas ang impact ng balitang pagbibigay ng lisensiya ng hongkong sa isang exchange dahil matagal ng open minded ang gobyerno ng Hongkong sa cryptocurrency.  Iyong kaunting pag-angat ay part lang talaga ng galaw ng market at hindi ko rin naiisip na magiging catalyst it para masimulan na ang pagiging bullish trend ng market.
Magandang indicators din na may mga ganitong balita pero para sa atin kasi wala ng bago kapag mga ganito at lalo na kung yung bansa na nasa balita ay matagal ng accepted ang Bitcoin at crypto.

Sa lahat naman ng investment need talaga nating mag-ingat at alamin ang kaliwa't kanan ng investment.  Dapat aware din tayo sa mga risks at possible failure ng ating ventures.  Kaya mahalaga talaga ang pagkakaroon ng kaalaman at pagiging update tungkol sa ating mga investments.
Agree ako, lahat tayo dapat maging maingat at parang normal lang na ipraktis natin yung pag-check sa mga updates lalo na kapag bitcoin adoptions.
sr. member
Activity: 1316
Merit: 356
May 26, 2023, 01:38:08 AM
#9
Sa apat na dahilan na pinost mo ay yung pang apat ang nakita kong pinakadahilan kung bakit bumagsak ang presyo ng Bitcoin at nahirapang umangat. Isa ako sa naluge nung 2021 dahil sa pagbagsak ng Bitcoin pagkatapos nitong umabot ng $60k. Napakatrending ng mga project na nagpapa ICO kasi kadalasan sa kanila ay nareach ang hard cap dahil marami ang mga investors ang nagsisilabasan sa panahon na yun. Ang mga scam na crypto projects ay nagsisilabasan kaya maraming mga investors ang nabiktima, at dahil lumaganap ang mga di magandang balita na ito ay unti-unting nawawala ang mga investors. Sinundan agad ng pagbagsak ng presyo ng Bitcoin dahil marami na rin ang nagsisibentahan dahil humina na ang volume nito, sa tingin ko yung mga taong ito ay sila yung mga early investors ng Bitcoin. At dahil dun nagpanic selling yung mga tao na naging sanhi ng lalong pagbagsak ng presyo.
Kaya ngayon kahit nakikita natin na yung structure ng market ay bullish pero hindi parin gaanong kalaki ang volume nito.
Naniniwala ako na yung mga balitang kagaya nyan ay talagang nakakatulong sa pag-akyat ng presyo ng Bitcoin.
legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS
May 25, 2023, 06:49:14 PM
#8
Sa tingin ko naman di ganoon kalakas ang impact ng balitang pagbibigay ng lisensiya ng hongkong sa isang exchange dahil matagal ng open minded ang gobyerno ng Hongkong sa cryptocurrency.  Iyong kaunting pag-angat ay part lang talaga ng galaw ng market at hindi ko rin naiisip na magiging catalyst it para masimulan na ang pagiging bullish trend ng market.

Sa lahat naman ng investment need talaga nating mag-ingat at alamin ang kaliwa't kanan ng investment.  Dapat aware din tayo sa mga risks at possible failure ng ating ventures.  Kaya mahalaga talaga ang pagkakaroon ng kaalaman at pagiging update tungkol sa ating mga investments.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
May 25, 2023, 07:13:16 AM
#7
Mukhang maganda nga balikan ang thread na ito kasi nga panahon pa ng era ng ATH and kung babalikan nga natin yung nangyaring ngayong market price movement is surely na babagsak ang price ng bitcoin for its floor na 25k dahil ito nga din ay malapit na mag weekends na naman which is part talaga nag sell ang iba para may magamit sa pang outside rest day nila and as you keep checking din sa market graph ng bitcoin eh mayroon talagang pag basag ng support kaya mangyayari is welcome back to 25k we know halving is coming so normal ito para makapag accumulate tayo as possible ng coins so waiting again sa bull run.
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439
May 25, 2023, 04:10:39 AM
#6
Di ko muna binigyan ng halaga ang maliit na pag angat kahapon kasi kung titingnan mo eh mas malaki pa ang ibinagsak ngayong araw kesa sa inangat kahapon , meaning eh parang manipulado lang ang nangyari.

pero maganda na din tong kahit pano eh may mga news na pwedeng magpasigla ulit ng presyuhan pero ang payo ko lang is wag agad magtitiwala sa maliit na movement dahil  kung magkakamali tayo ng desisyon eh baka sa talo nnman tayo bumagsak.

Ilang beses naba natin nakitang nangyari to ngayong taon , pero eto sumasadasad pa din pababa at ngayon mukhang lalapag na sa 25k ang bitcoin matapos ang ilang buwang pananatili above that level
.

but ayaw ko mawalan ng tiwala dahil sa  mga susunod na buwan ay tiyak mas malaki pa ang magbabago at magiging adjustment ng presyo palapit sa susunod na halving.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
May 25, 2023, 01:41:23 AM
#5
pero dapat parin nating maging maingat at magtrade at pagaralan ang mga papasukin dahil maaring malaking pera ang mawawala kapag hindi tayo nagingat.
Okay lang naman yan kung small investor at trader ka. Take lang ng risk kung alam mo naman yung pinapasok mo. Ang mahirap lang kasi sa mga baguhan, akala nila kinabukasan tutubo na agad yung pera nila kaya dismayado sila kapag nakikita nilang bumabagsak ang face value ng investments nila.

Yan kasi ang mahirap sa iba yun bang kakabili lang nila pero umasa agad sila na turubo agad ng ganun kabilis ang nilatag nilang pera sa market. At kapag pumula ang market ay agad mag papanic kaya maganda talaga sa mga baguhan palang na wag magmadali lalo na sa pag trade para di sila ma manipula at tumatag ang kanilang paniniwala sa sarili nilang pag trade. Mahirap mag trade kaya sana wag itong isipin ng mga baguhan na madali lang at kailangan talaga nila mag aral ng iba't-ibang strategy para tumaas ang tyansa nilang kumita.
Hindi pa rin kasi nawawala yung stigma na na kapag nag invest ka sa bitcoin at ibang crypto, malaki agad ang tutubuin. Pero hindi nila alam na parang normal market lang naman ito at lamang lang yung mga nauuna. Hindi naman sila masisisi kasi yung mga influencers na makahikayat sa kanila laging positive ang sinasabi at tingin nila na hindi sila matatalo. Dapat talaga sa mga influencers na yan, mas mainam na mabigyan sila ng penalty para sakaling may mga mali silang advertisements at sponsors na hinihikayat nila sa tao, mag take account sila at take responsibility para matuto lahat, hindi lang mga investors pati na rin mga influencers.
sr. member
Activity: 1820
Merit: 436
May 24, 2023, 12:05:08 PM
#4
Expected na naten ang pagtaas at pagbaba ng presyo dahil nga ang bitcoin ay volatile, isang risky na investment kaya isa ito sa pinakarisky na investment since sa maikling oras lamang ay maaari mawala o matalo ang ating investment dahil sa pagbaba ng presyo neto.

Marami talaga sa ating mga kababayan ang naluge lalo na marami sa aten ang gustong kumita ng mabilis maraming mga kababayan naten ang walang strategy sa paginvest sa bitcoin basta makabili lang sila, at sa hule ay ibebenta sa talong halaga. Dahil na rin hindi nila ito napaghandaan at akala nila dahil marami ang naririnig nila or nababasa na marami ang kumikita sa bitcoin investment ay madali lang ito at kikita agad sila ng malaki kapag naginvest din sila dito kahit na wala sa timing ang pagbili nila.

Lalo na siguro sa phishing or hacking ng wallet sobrang daming cases sa mga Pilipino ang nahahack dahil sa kakulangan sa kaalaman, madaling mapapasok ang ating mga wallet kung wala tayong sapat na kaalaman kung paano mapoprotektahan ang ating mga sarili. Kaya sobrang halaga ng DYOR bago tayo magsimula ng investment pati na rin tips kung paano naten maiiwasan o mapoprotektahan ang sarili sa mga hackers etc. 
hero member
Activity: 2632
Merit: 787
Jack of all trades 💯
May 24, 2023, 07:10:10 AM
#3
pero dapat parin nating maging maingat at magtrade at pagaralan ang mga papasukin dahil maaring malaking pera ang mawawala kapag hindi tayo nagingat.
Okay lang naman yan kung small investor at trader ka. Take lang ng risk kung alam mo naman yung pinapasok mo. Ang mahirap lang kasi sa mga baguhan, akala nila kinabukasan tutubo na agad yung pera nila kaya dismayado sila kapag nakikita nilang bumabagsak ang face value ng investments nila.

Yan kasi ang mahirap sa iba yun bang kakabili lang nila pero umasa agad sila na turubo agad ng ganun kabilis ang nilatag nilang pera sa market. At kapag pumula ang market ay agad mag papanic kaya maganda talaga sa mga baguhan palang na wag magmadali lalo na sa pag trade para di sila ma manipula at tumatag ang kanilang paniniwala sa sarili nilang pag trade. Mahirap mag trade kaya sana wag itong isipin ng mga baguhan na madali lang at kailangan talaga nila mag aral ng iba't-ibang strategy para tumaas ang tyansa nilang kumita.
hero member
Activity: 3066
Merit: 629
20BET - Premium Casino & Sportsbook
May 24, 2023, 05:40:58 AM
#2
Nalilito ako, sa article sabi Hong Kong pero sabi mo Singapore pero parehas naman yan na good crypto hub sa Asia.

pero dapat parin nating maging maingat at magtrade at pagaralan ang mga papasukin dahil maaring malaking pera ang mawawala kapag hindi tayo nagingat.
Okay lang naman yan kung small investor at trader ka. Take lang ng risk kung alam mo naman yung pinapasok mo. Ang mahirap lang kasi sa mga baguhan, akala nila kinabukasan tutubo na agad yung pera nila kaya dismayado sila kapag nakikita nilang bumabagsak ang face value ng investments nila.
full member
Activity: 728
Merit: 151
Defend Bitcoin and its PoW: bitcoincleanup.com
May 23, 2023, 07:43:34 PM
#1
Marahil isa ka sa umabot sa 60k+ usdt price ng bitcoin, or maari isa kadin sa mga naluge sa pagbagsak nito sa mga nakaraang buwan akyat baba ang presyo ng bitcoin madami din ang mga kumita subalit marami din ang mga naluge anu nga ba ang mga dahilan sa pagbagsak nito?
  • Marami ang nagbenta ng umakyat ang presyo
  • Mga makasirang balita hinggil sa bitcoin
  • Nhack na wallet, at ngbigay ng agam agam sa mga investors
  • Nawalang mga pera ng investors at itinakbo ng founder
Hindi ito ang mga direktang dahilan pero ito din ay maituturing na maliit na sanhi ng pagbaba ng presyo, idagdag mo pa diyan ang gyera ng russia at ukriane at iringan ng mga bansa dito
Ngunit isa namang magandang balita ang bumungad ngayon kung saan ay inaprove naman ng Hongkong na pwede ng magtrade sa mga lisensyadong trading platform, kaya bigla umangat ng konte ang price ng bitcoin, magandang simula ito , dahil sa mga nakaraang buwan ay roller coaster talaga ang presyo, at sana naman magtuloy tuloy na , pero dapat parin nating maging maingat at magtrade at pagaralan ang mga papasukin dahil maaring malaking pera ang mawawala kapag hindi tayo nagingat.
ito naman ang balita tungkol sa pagangat ng presyo ng bitcoin:
https://www.cnbc.com/2023/05/23/bitcoin-rises-after-hong-kong-greenlights-some-retail-crypto-trading.html
Pages:
Jump to: