Pages:
Author

Topic: PSA: You can buy from Shopee using Bitcoin - page 5. (Read 1028 times)

copper member
Activity: 2142
Merit: 1305
Limited in number. Limitless in potential.
nabalitaan ko na to dati at sana gayahin nadin to ng ibang online shop, kasi hindi ko din trip mga item sa shopee, minsan na kong bumili jan at pamali mali sila ng item Undecided ganon din si lazada, which is totoo pala ung pag bumili ka ng cellphone, sabong bareta ung nasa loob.  kaya pag nag oonline ako sa aliexpress ako nabili kaso 1month delivery. Grin Grin
If legitamacy yung pag uusapan about sa gadgets, if available yung item sa mall something tulad ng lazmall sa lazada not sure anu name sa shopee, I recommend na sakanila bumili than using those random sellers. At minsan kase nasa logistics yung problema, sila mismo or yung ng de'deliver particularly yung nagpapalit ng items.


Bali may mga certain seller lang ang tumatanggap ng ganon payment option kasi chineck ko ngayon walang coins.ph na option dun sa item na nilagay ko. Hindi pa buong shoppee ang sakop ng btc payment thru coins.ph tama ba?
You can't see it yet, may specific time nag a'appear yung options na yan, I'm not so sure pero its from 7 AM to 10 PM lang, correct me nalang if I'm wrong about sa 10PM
sr. member
Activity: 980
Merit: 261
Di ako masyadong nagamit ng shopee, may way ba agad para malaman if yung seller nag aaccept ng bitcoin or upon check out lang makikita?

Attempt mo lang i-order ung item at tignan mo nalang sa checkout. Makakapili ka naman at naka list naman ung mga payment methods bago mo i-finalize ung order, so pwede ka agad agad mag back out pag wala ung payment method na gusto mo.

Unfortunately hindi naka display ung payment methods sa page mismo ng items. Mejo hassle, pero yan lang ung solution for now.

Bali may mga certain seller lang ang tumatanggap ng ganon payment option kasi chineck ko ngayon walang coins.ph na option dun sa item na nilagay ko. Hindi pa buong shoppee ang sakop ng btc payment thru coins.ph tama ba?
copper member
Activity: 2940
Merit: 1280
https://linktr.ee/crwthopia
~snip
@crwth is that smart bro pocket wifi?
It’s a pocket wifi but not locked to a certain network. Nagkataon na smart yung sim na nakalagay. Napabili ako ng ganyan kasi nung time na walang internet sa office, ang hirap makipag communicate at mag trabaho. Mahina naman ang signal ng globe dun sa area, so kaya napabili ako ng pocket wifi. Naisip ko good investment siya dahil kunwari mag out of the country ka, you could just buy a Sim Card with data in that certain country you are going to and just use it. Openline talaga dapat. Mabilis naman siya ma setup and I wouldn’t have to worry about battery life masyado. Maganda kasi na connected ka most of the time sa internet if you have something to check from time to time on your smartphone.



Dito ko lang din nabasa yung may time pala na pwede si coins.ph Online Payment, so ngayon, hindi na ako nagtataka kung bakit kaya minsan nandun si coins.ph payment option o wala. Kala ko dati sa sellers preference lang or something.
member
Activity: 336
Merit: 24
nabalitaan ko na to dati at sana gayahin nadin to ng ibang online shop, kasi hindi ko din trip mga item sa shopee, minsan na kong bumili jan at pamali mali sila ng item Undecided ganon din si lazada, which is totoo pala ung pag bumili ka ng cellphone, sabong bareta ung nasa loob.  kaya pag nag oonline ako sa aliexpress ako nabili kaso 1month delivery. Grin Grin
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
📟 t3rminal.xyz
Di ako masyadong nagamit ng shopee, may way ba agad para malaman if yung seller nag aaccept ng bitcoin or upon check out lang makikita?

Attempt mo lang i-order ung item at tignan mo nalang sa checkout. Makakapili ka naman at naka list naman ung mga payment methods bago mo i-finalize ung order, so pwede ka agad agad mag back out pag wala ung payment method na gusto mo.

Unfortunately hindi naka display ung payment methods sa page mismo ng items. Mejo hassle, pero yan lang ung solution for now.
sr. member
Activity: 1036
Merit: 294
I always use COD on every purchase I use on Lazada good thing nasabi ni @sheenshane an meron na palang feature doon, hindi ko alam kung I just miss that feature of payment method because mostly I transact to it using my PC. Maybe it is only visible on mobile o doon madaling makita kesa sa PC.

Based on my own experience, palagay ko ay may mga features talaga ang ilang online stores na hindi accessible thru personal computers. Mas accessible ang lahat ng features 'pag mobile ang ginamit with the shop's application, of course. Way na din siguro to get users to download their app, I guess. I'm not sure if everyone would agree with me on this. Baka kasi ako lang ang naka-experience nun dahil na din sa mahinang internet connection.

Anyway, I'm more of a COD person as well. Wala din naman kasi akong bank account ng banks na in partnership with them. Grin Buti na lang may option na na coins.ph to cash out, and buti na lang din at may mga sellers na na tumatanggap ng bitcoin. Good news yan para sa ating lahat. Looks like adoption is really here and let's hope for it to stay. Smiley
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
....may way ba agad para malaman if yung seller nag aaccept ng bitcoin or upon check out lang makikita?
Either e chat mo yung seller para e ask if tumatanggap ba siya ng gusto mong mode of payment or subokan mo mag checkout para ma check yung mga mode of payments nila.

...........Refer to my previous post, I noticed again na walang coins.ph payment nung 3:51am pero ngayon 7:06am mayroon na with the same items and seller a. Sa umaga hanggang hapon alive sya lol. Ewan ko ba magulo. Same kami ng experience nung nagpost din nyan sa coins.ph thread. Ttry ko ulit mamaya for other items naman.
If that so, sa palagay ko siguro, sa side na ni shopee yan? Or halimbawa may maintenance si coins.ph, automatic siguro kay shopee na di ipapakita yung mode of payment ni coins.ph..Hmmmm.

At mapapansin mo pag nag check out ka sa shopee tapos makikita mo list ng mga mode of payments, nila may nakalagay jan na DATE AND TIME na pwede mo gamitin or kelan matatanggap ni shopee yung payment ung particular payment na iyun.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
Additional : May ibang supplier/seller sa Shopee na di tumatangap ng payment via Coins.ph, it's just sad before nung napakadami ko ng napili na gusto bilhin dati tapos pag check out ko, walang mode of payment na coins.ph..

P.S. Not sure ngayon if lahat na ba ng seller/supplier ay tumatanggap na ng coins.ph
#BitcoinAdoptionIsReal

Yan din ang una kong naisip bakit minsan walang coins.ph payment pero based sa observation ko, consistent na wala talaga sa gabi e. Or nagkataon lang?

Refer to my previous post, I noticed again na walang coins.ph payment nung 3:51am pero ngayon 7:06am mayroon na with the same items and seller a. Sa umaga hanggang hapon alive sya lol. Ewan ko ba magulo. Same kami ng experience nung nagpost din nyan sa coins.ph thread. Ttry ko ulit mamaya for other items naman.

Saka Shopee is an escrow. Si seller ay makakatanggap lang ng bayad once nareceived mo na ang items. Si shopee ang mag-aabot ng bayad sa seller at di tayo. From coins.ph in peso value pa rin ang ibabagsak niya kay Shopee then it will transfer to the seller after some period of days or pag nagconfirm si buyer na nareceived niya na iyong items.

Not direct from bitcoin or coins.ph to the seller.



Bilib talaga ako sa galing ng team ng coins.ph kase without them for sure hinde naten ito mararanasan.

Yes kudos to their effort. Smiley
sr. member
Activity: 2044
Merit: 314
Vave.com - Crypto Casino
Bilib talaga ako sa galing ng team ng coins.ph kase without them for sure hinde naten ito mararanasan. Siguro ito naren ang dahilan kaya bakit sila paren ang nangunguna because they continue to deal with many businesses dito sa Pinas. So pano ba yan, its shopee time using our bitcoin pero sana mas lalo pang dumami ang magaaccept dito.
full member
Activity: 742
Merit: 144
Additional : May ibang supplier/seller sa Shopee na di tumatangap ng payment via Coins.ph, it's just sad before nung napakadami ko ng napili na gusto bilhin dati tapos pag check out ko, walang mode of payment na coins.ph..

P.S. Not sure ngayon if lahat na ba ng seller/supplier ay tumatanggap na ng coins.ph
#BitcoinAdoptionIsReal
Until now may mga seller paren na di na tanggap ng crypto payment kase yung friend ko seller sa shopee sabe nya di pa daw sya natanggap nun. Di ako masyadong nagamit ng shopee, may way ba agad para malaman if yung seller nag aaccept ng bitcoin or upon check out lang makikita?
full member
Activity: 1232
Merit: 186
Kung mas mapapa gastos kayo dahil dito sa balitang to, pasensya. 🤣🤣

Baka ganun na nga ang mangyari kapag nalaman 'to ng girlfriend ko Grin. Anyway, hindi naman ako maapektuhan kasi may sarili naman syang bitcoin so okay lang din lol.

Anyway, hindi na ako masyado surprised dito sa news na ito dahil may nakita akong post sa facebook ng isang local clothing line na nagaaccept ng bitcoin payment on their lazada account. What I'm curious about is that a fixed option for us or not? I mean sa lahat ng stores ba ay pwedeng magbayad through coins.ph or depende pa rin sa seller kung tumatanggap sila nito or hindi?

Edit: Thanks to GreatArkansas, nasagot na yung question ko Smiley.
legendary
Activity: 2548
Merit: 1397
Additional : May ibang supplier/seller sa Shopee na di tumatangap ng payment via Coins.ph, it's just sad before nung napakadami ko ng napili na gusto bilhin dati tapos pag check out ko, walang mode of payment na coins.ph..

P.S. Not sure ngayon if lahat na ba ng seller/supplier ay tumatanggap na ng coins.ph
#BitcoinAdoptionIsReal
sr. member
Activity: 1092
Merit: 271
Para sa mga mahilig mag add to cart jan. 🤣 Not sure kung gaano na katagal to, pero recently ko lang nalaman. Pwedeng straight up Bitcoin, pwede rin through Coins.ph funds niyo(faster, obviously).

Kung mas mapapa gastos kayo dahil dito sa balitang to, pasensya. 🤣🤣



Aba maganda ito. Hindi na kakailanganin ng credit visa card pwede na rin pala ang bank transfer at mas lalong pinabuti dahil sa mga walang pera pero may bitcoin pwede na rin sila mag shopping. Wala kasi ako sa atin kaya hindi ko masyadong kilala ang Shopee pero magandang idea ito kaysa ibang mga online shops na gumagamit ng visa card.
legendary
Activity: 3122
Merit: 1398
For support ➡️ help.bc.game
This was shared on the coins.ph thread here I think over a month now or just few weeks IIRC. I forgot sino iyong nag-share pero sa kanya ko lang din nalaman na may coins.ph na sa payment option ng Shopee.

And take note a, di all the time available ang coins.ph option. Nacheck ko rin dahil din dun sa nagshare nyan sa coins.ph thread. Mostly umaga to hapon lang siya nalabas. As of now I'm typing this, 3:51am, wala si coins.ph sa payment option. Don't know bakit ganyan.



To keep is straight, I cannot say na both Lazada and Shopee is "directly" accepting Bitcoin.

Yes. Added payment option lang si coins.ph. Labas iyong idea na "directly accepting bitcoin" since Peso pa rin ang ibabagsak ni coins.ph sa Shopee. Medyo mislead nga lang siguro iyong thread title since auto convert ang mangyayari and not direct with bitcoin.
legendary
Activity: 3542
Merit: 1352
Nagamit ko na ang Shopee with coins.ph lately to buy an iRIG 2 para sa electric guitar ko (wala pa pambili ng pedals at fx kaya stick sa phone fx). Mabilis naman ang processing at mas affordable kung minsan dahil may mga promos na tanging sa coins.ph wallet lang naaapply.
jr. member
Activity: 48
Merit: 3
Dream big Aim for the sky make it happen
last na nakita ko ito sa shopee coins.ph lang pero ngayon may bitcoin na mas maganda sana kung pati lazada meron mas gusto ko kasi lazada kesa shopee
hero member
Activity: 1680
Merit: 655
To keep it straight, I cannot say na both Lazada and Shopee is "directly" accepting Bitcoin. Palagi ka pa din nila irere-direct sa dragonpay to handle the payment for you. Meron pading added unnecessary step to say its a direct Bitcoin payment for Shopee and Lazada, ang maganda lang dito is walang patong or added fees ang dragonpay sa pag handle ng bayad mo. Mukhang ang fees ng dragonpay ay shouldered ng Lazada/Shopee to use their services. Ganito din sa Grab eh pag nagpapaload ako ng Grab Pay walang extra.
sr. member
Activity: 1624
Merit: 267
Dalawang mode of payment palang ang nasubukan ko dyan e, una yung common na COD at yung pangalawa e yung GCash option na yan, ngayon ko lang nalaman na pwede na pala ang coins.ph sa payment option at mukhang mas madadali ang pag order natin dahil no need to transfer kung saan saan para lang makapag bayad.
Nakakatuw naman talagang isipin na ganyan na ang shopee na pwede ka na gumamit ng bitcoin sa pagbili ng Items nila . Pero madalas akong umorder sa lazada pero dahil may bitcoin na mode of payment na sila ay maaari na akong mag order sa Shopee at mas rarami ang kanilang mga customer dahil sa paggamit ng bitcoin at sana next naman ay lazada.
sr. member
Activity: 980
Merit: 261
Dalawang mode of payment palang ang nasubukan ko dyan e, una yung common na COD at yung pangalawa e yung GCash option na yan, ngayon ko lang nalaman na pwede na pala ang coins.ph sa payment option at mukhang mas madadali ang pag order natin dahil no need to transfer kung saan saan para lang makapag bayad.
full member
Activity: 1316
Merit: 126
Nakakatuwa naman, mukhang unti unti ng lumalaganap ang pag adopt ng coins nang mga kapwa natin Pilipino, ito ang nagpapatunay na ang pinoy ay kayang makipagsabyan at hindi yung palaging nahuhuli sa technology. Sana dumami pa ng dumami ang tatangkilik ng coins para din sa ikauunlad ng ating buhay at hopefully nag ating bayan din.
Pages:
Jump to: