Dapat kasi 2 lang ang tumatakbo na president para talaga maayos yun pag vote ng tao,tsaka sa dami ng party list eh yung iba dun korakot lang ang habol kaya sumasali eh.
Noong panahon ata nila marcos bro @max, merong 2 party system, kaya di magulo noon ang election..kaya nga eh,
dami na ng partylist, ang iba diyan wala namang nagagawa sa bansa natin, pero ang ibang party list okay din naman, kasi nag rerepresent talaga sila ng sector ng lipunan na dapat mabigyan ng pansin...mas marami pa din ang partylist na walang silbi.
Example na lang nyan ay and Senior Citizens Partylist. Maganda nga ang mga adhikain nila pero sila mismo sa iisang organisasyon ay nag-aaway at nahati pa sa dalawang paksyon, kaya ayon, imbes na makaupo sila ay lalong walang nakaupo sa kanila. Bakit sila nag-aaway? hmmm, dahil yan sa kukurakutin nila. Si Arquiza at Datol ay parehas na walang malasakit sa sektor na gusto nila irepresent sa congress. Pera lang habol nila.
Yeah tama yan bro.. Ang ibang sektor ganyan ang nangyayari, nagkakapaksyon paksyon, gawa na rin siguro ng pagkakaiba nila ng adhikain sa sektor na nirerepresenta nila, pero yung iba niyan dahil na din sa impluwensya ng ibang pulitiko, para maipasok nila na congressman ang manok nila, pinapasok ng mga epal ang mga ganyang mga sektor, pag makamasa kasi, nakakasiguro sila na madaming porsyento ang boboto para makapasok ang partylist...
Ang dami talaga nila, Mahihirapan ang mga boboto kung sino pipiliin sa kanila. Ang iba din pondo lang ang kinukuha pero wala namang gagawin. Pag hahatian siguro nila. Kaya ako may list ako kung sino ang maraming naipasa na batas at may naitulong talaga.
Care to share those list bro? para naman may idea kami, baka sakaling magkakapareho tayo ng ibobotong partylist...