At alam ko kaya nyarin lutasin yang mga addik sa lugar natin.. pero ang pina ka importante talaga ay makatulong sa mga mahihirap kung paano nila maiaangat ang buahay nang mga nakakrami..
Gawin nating mas specific ang bagay, paano nga ba makakatulong sa mahirap? Kailangan ang plataporma ay sumasang-ayon sa mahirap, sa mahirap lang ba dapat? Dapat gawin nating pantay ang lahat, at di lang din dapat ang gobyerno ang gumagalaw, sa sarili din kung nais mo nga nag pagbabago pero di mo naman sinisimulan sa sarili mo, wala ding mangyayari. Gusto mo nang pagbabago pero nasisiyahan ka pa ding mag jay-walk. Gusto mo nang pagbabago pero willing ka pa ding mag tapon ng candy wrapper sa kung saan saan, hindi na saklaw nang gobyerno ang ganitong aspeto. Kahit gaano kagaling ang namamahala sa atin kung walang pagbabago sa sarili wala din.
ANg problema kasi jan, may provincial rate kung kaya't madaming pumupunta sa manila dahil sa iba ang sahod nito kumpara sa iba. Kahit na magbigay ka nang trabaho sa kanila, kung yung sahod di angkop sa pamumuhay nila hahanap at hahanap yan nang ibang paraan para kumita ng malaki. Centralized kasi ang manila kaya malaki sahudan eh, maari namang i-decentralized ang manila ngunit mahirap ito dahil sentro ng financial district ang makati at madami ding nag iinvest sa loob ng maynila na ayw na nilang lumabas at libutin ibang lugar na pwede nilang pag investan. Bakit? dahil kasi nga madaming tao sa maynila. Kaya umiikot lang yung sistema, madaming tao, madaming mabibigyan ng suplay kaya madaming business investor ang mag iinvest at mag tatayo ng business sa manila. Una alisin muna nila ang provincial rate, makikita mo ang lak ng pagbabago ng manila.