Basta ako solid Marcos sa Bise Presidente.
Sa presidente either MDS or Duterte. Sila lang nakita kong puwede eh. Iyon lang parehas ng matandang tong dalawa. Sana kayanin ang stress ng pagsalo sa problema ng bayan.
Pero kahit sino pa manalo diyan tayo dapat ang mag adjust.
Puwedeng pang mabago yang mga bet ko habang papalapit ang eleksyon. Need more platform para sa lahat ng presidentiables.
Pero mukhang wala ng platform ung iba na maibibigay e. Si Binay dinadaan lang sa paawa effect pag may interview kasi nognog daw sya tapos ibinibida pa din nya hanggang ngaun ung Makati kahit ang tagal na nyang wala dun. Si Roxas naman ang lagi lang sinasabi tapat daw sya at di magnanakaw, kung ano man ung mga lumalabas na di maganda sa kanya hayaan nalang daw basta sya alam nya ang ginagawa nya at wala daw sinasagasaan. Kaya sa MDS at DU30 nalang talaga, sa vice si BBM wala naman syang matinong kalaban e.
Hehe. yang mga tapat words lagi naman natin maririnig yan sa mga politika kahit sa mga kagawad.
In terms of politcal knowledge, lamag na lamang si MDS. Kahit anong usapin pangpolitika alam ni MDS lahat. Kahit pakikipagusap sa ibang bansa sisiw na lang sa kanya.
In terms naman sa agarang aksyon, nakikita ko dito si Duterte. Kapag inutos niya talagang execute agad kaya maganda. Nadaan naman sa process ang mga mabilisang aksyon at nakikita naman natin iyong ibang nagawa niya sa Davao.
Hirap talaga mamili. Kayo ano ba mga thoughts niyo sa ibang presidentiables.