Wala pa akong napipisil na presidente. Ito lang naman kasi ang gusto kong marining sa kanila na talagang may malinaw na plataporma ah. Puro maiiksi sagot eh.
- China's reclamation
- Bangsamoro Basic Law
- NPA , MILF, MNLF, BIFF, Abu Sayyaf
- Traffic resolution
- Revision of salary
Maganda iyong mga pinapalabas ng mga network about sa tanungan pero kulang pa mga sinasabi nila.
Abangan...
Ako nga rin hindi ko alam kung sino ang dapat na maging presidente pero kung madali lang pumili ee alam na agad natin na seguradong malaking maiitulong sabansa natin ee hindi na tayu nahihirapan pa sa pag pili. kung lahat ee maytamang direction na maibibigay para sa bansa natin.. yung lhat ng presyo ay maging mura tulad na lang nung panahon ni erap nung naging presidente sya dati ng bansa natin na napansin ko nuon ang pag baba ng mga presyo nang pagkaen gasolina or kung anu anu pa ang naitulong ni erap. dami naitulong nun.. kaso ang problema ee nag sugal lang kaya na badshot sa publiko..
Marami silang pangakong magandang bukas para sa Pilipinas pero ang tanong is kasawa na iyong mga ganung salita. Di naman kasi nangyayari. Ang medyo may chance sa akin si DU30 kasi:
- Dahil "friends" niya ang mga NPA, MILF, MNLF (tingin ko) puwede niya mahikayat to na magbalik sa gobyerno
- Baka madikit niya na ang Mindanao sa Luzon at Vis
Isa lang ayaw ko sa kanya, Pro BBL kasi siya. Ayoko sa BBL.
Wala magagalit ah kanya kanya naman tayo ng opinyon dito.