dito naman samin hinuli ung kapitan namin kc napag alaman ng mayor namin n ung pondo para sa baranggay binulsa ni kapitan
akalain mu yon apat n taong pondo para dito sa barangay kinurakot nia kaya ang pangit ng lugar namin.ni ultimong street light wala,hindi maayos n kalsada,yan karma cia,
Ganyan talaga gobyerno dito sa Pinas, parang normal na ang pangungurakot. Kahit pa maliliit na empleyado ng government meron at meron. Alam ko yan kasi nagtrabaho ako nun ng ilang buwan sa isang LGU.
Ganito kasi yun, yung office na pinagworkan ko andaming purchases mga office supplies ganun, lahat puro yung first class na gamit. Yung ballpen yung tig 50 to 100 pesos na mga sign pen e pedi nmang yung mumurahin lang. Ang mga yun iniuuwi nila at yung iba pang pangoffice sana gaya ng coupon bond, pentlepen at ibat ibang gamit sa office pati mga project at assignment ng mga anak nila piniprint at sine xerox pa doon lalo na yung mga ilang daang pages pa. Pasimpleng korapsyun pero sa observation ko malaki laking gastos ng government yun kahit sa isang tao pa idi lalo na kung halos lahat ng empleyado ganun.
Iba pa kapag may purchase sila lagi silang may kickback depende sa usapan nila nung mag susupply. Ang gawain nila, halimbawa ang purchase nila ay laptop, ang naka qoute na presyo 30k pesos pero mag uusap sila dun sa magsusupply na 25k presyo. Pag narelease na yung cheke, may kickback na 5k pesos c purchaser pero sa resibo 30k, pag uusapan na lang nila yung hatian sa tax nung nasa resibo na 30k. Ang worst na nakita ko yung purchase sa mga consumable items gaya ng coupon bond, ang gawain ng iba nakalagay sa purchase coupon bond na worth 15k. Pagdating ng supply na yan ichecheck nung inspector pero pagkatapos mainspect, ibabalik sa nagsupply at ipapalit ng mga gadget gaya ng laptop, cellphone o ano pa man.
Marami pa akong nakita pero masyado ng mahabang magkwento basta ganyang ganyan ang lakaran sa mga government offices kaya walang unlad tlaga sa pinas kasi ganyan na sa malilit pa lang na empleyado nakakagawa na ng ganyan isipin nyu na lang yung mga nasa matataas na posisyon kung ano ang kaya nilang gawin at magkanu ang kaya nilang kurakotin.