Pages:
Author

Topic: Pulsuhan niyo naman ito: Boracay, binabalak na gawing Crypto-Island (Read 679 times)

sr. member
Activity: 1764
Merit: 373
<------
Salamat po sa inputs niyo kabayans. Kakandado ko muna, sana makapag boracay Next year.
Kaso walang BTC panggastos. Haha
member
Activity: 560
Merit: 18
Eloncoin.org - Mars, here we come!
Boracay doesn't need to be promoted anymore by and of these companies. Di na kailangan yan at kahit walang pagpromote ang Pouch sikat na ang Boracay.

Sa tingin mo ba tama yang sinasabi mo? Kasi kung tama yang sinasabi mo, bakit pinahintulutan ng LGU na nakakasakop sa boracay na gawin ng POUCH yang pag gamit ng islang kanilang nasasakupan kung alam nilang hindi ito makakatulong? Sa madaling sabi alam ng LGU sa boracay na makakatulong ang Pouch kahit pano sa boracay. Kung yung LGU nga walang reklamo sa pag gamit ng Pouch sa name ng boracay o pagsabi ng Bitcoin island na sila itong mas higit na nakakaalam ng sitwasyon dun, tapos ikaw Sir todo oppose ka naman.

Saka ang ibig mong sabihin pag popular na ang isang tourist location ay stop na ng pagpromote nito? Saka sa tingin mo ba yung mga hotel na nakatayo sa boracay hindi nila ginagamit ang pangalang ito ng Boracay para sa kanilang bisnes?


Quote
Pwede naman nila ipromote ang company ng di na gagamitin ang name ng Boracay to the point pa na ideclare pa nilang Bitcoin island ito at ilagay sa website nila.

Ang tanung labag ba sa batas yung ginawa ng Pouch? May mali ba sa pag gamit nila ng pangalan ng boracay sa bisnes nila?
wala akong nakikitang mali sa ginawa ng pouch bagkus nakatulong pa nga ito. Hindi ko alam kung ano pinaghuhugutan mo, pero sa nakikita ko nagpopost ka lang para may ma mema ka lang hahahaha..

Quote
Maganda ang service at lahat tayo nagkakaisa dyan, pero wag iyong parang my rights sila to use the name and popularity of Boracay para sa service nila.

Maganda naman talaga ang service ng pouch, at sinasabi mo rin nagkakaisa tayo sa bagay na ito, dito palang kontradik kana sa sinasabi mo, dahil ang totoo hindi ka naman nakikiisa. Dahil binibigyan mo ng mali at negatibong interpretasyon yung marketing strategy ng pouch.

Kung ganyan pala ang interpretasyon mo sir, mas maganda bumili ka ng sarili mong isla tapos pagipopromote mo yung isla mo para makilala wag ka ring magpahintulot na magtatayo ng negosyo sa isla mo na gamitin ang pangalan nito para puntahan ng tao.
Ang bright kasi Sir ng pang-unawa mo,... Godbless...

P.S - wala akong personal na galit sayo Sir, binarubal ko lang itong mga sinabi mo Grin Cheesy Wink

legendary
Activity: 3052
Merit: 1281
Get $2100 deposit bonuses & 60 FS

Boracay doesn't need to be promoted anymore by and of these companies. Di na kailangan yan at kahit walang pagpromote ang Pouch sikat na ang Boracay.

Pwede naman nila ipromote ang company ng di na gagamitin ang name ng Boracay to the point pa na ideclare pa nilang Bitcoin island ito at ilagay sa website nila.


Mukhang negative ang datingan sa iyo ng ginagawa ng Pouch ah.  Tipo bang ginagamit ang kasikatan ng Boracay para magkaroon ng interest ang mga tao sa service nila?   Tingin ko normal lang yan sa mga malikot ang imahinasyon sa pagpromote ng service nila.  Besides, hindi naman siguro nakakasira ang pagpromote ng Pouch sa Boracay bilang isang Bitcoin Island.  In short isang marketing Ploy ang paggamit nila sa name na Boracay since isa itong international tourist spot.

Maganda ang service at lahat tayo nagkakaisa dyan, pero wag iyong parang my rights sila to use the name and popularity of Boracay para sa service nila.

Agree ako sa iyo dito, dapat may involvement ng local government at dapat nakipagcoordinate sila dito kung may plano silang gamitin ang name ng Boracay for their own marketing strategy.
hero member
Activity: 2282
Merit: 659
Looking for gigs
source: https://beincrypto.com/crypto-wallet-provider-philippines-resort-boracay-bitcoin-island/


Ayun dito, isang cryptowallet company named "Pouch" ang nagbabalak gawing Bitcoin Island ang Boracay.
Sa parehong article, sabi dito na may 120 businesses na ang tumatanggap ng Bitcoin as a form of payment sa Isla.

I am not from Visayas, so baka naman po may makapagvalidate ng info na to. TIA


Speaking of validation, ito ang proof:



Kanina lang ito na capture ng kapatid ko habang nag babakasyon kasama mga kaibigan nya dun sa Boracay. Sa likod lang siya pala ng D'Mall.

Buti naka time siya humanap nito ang nagkuha ng photo. Gusto ko ito i-feature sa aking Youtube channel na ako mismo pupunta dun.

At saka valid ID lang naman needed para pumunta dun sa Boracay sabi ng kapatid ko, so wala nang health declaration form or iba pang requirements na hassle lang sa oras natin.

Since taga Western Visayas ako, land trip lang need ko hehe.
legendary
Activity: 2968
Merit: 3406
Crypto Swap Exchange
Tsaka marami din silang kailangan need implement sa boracay incase they want to proceed with this kind of adoptation of the bitcoin like mga QRs pero tingin ko medyo malayo pa to mangyare
Actually, matagal na nilang sinimulan yan and "here's a short video".
- Three hundred plus merchants (and counting) na ang tumatanggap ng bitcoin (source) at nag patayo pa sila ng "magandang office" sa Boracay.

Pwede naman nila ipromote ang company ng di na gagamitin ang name ng Boracay to the point pa na ideclare pa nilang Bitcoin island ito at ilagay sa website nila.
May point ka, pero without having a publicity campaign hindi sila makaka attract ng maraming users in a short period of time [sinusubukan nilang iwasan na maging limited lang ito sa mga merchants (especially since may mga alternative lightning wallets na mas sikat)].
legendary
Activity: 2436
Merit: 1008
I don't find it ugly though, mas ok pa nga ginagawa nila dahil napopromote ang tourism ng Boracay though I got your point, iyon nga lang ay magkaiba tayo ng interpretasyon sa mga ginagawa nila.

Boracay doesn't need to be promoted anymore by and of these companies. Di na kailangan yan at kahit walang pagpromote ang Pouch sikat na ang Boracay.

Pwede naman nila ipromote ang company ng di na gagamitin ang name ng Boracay to the point pa na ideclare pa nilang Bitcoin island ito at ilagay sa website nila.

Maganda ang service at lahat tayo nagkakaisa dyan, pero wag iyong parang my rights sila to use the name and popularity of Boracay para sa service nila.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Kung literal na gagawing Crypto Island - isang malaking kalokohan yan.

Bale ang aim is gawing crypto-friendly ang lugar at accepted ang crypto sa lahat ng mga merchants at businesses doon.

Nothing special about it kasi additional payment method lang sa Boracay gaya ng famous GCASH na almost lahat ng establishments doon at nag-aaccept na ng GCASH. Maganda na rin dahil if maraming business doon na accepted ang crypto, marami option ang tao.
Parang agree ako dito. Isa pa sa tututukan kasi dyan is yung education ng mga tao about crypto since most of the people na nagtatravel eh doesn't care about crypto ika nga kasi mostly na gamit ng karamihan ay ang napakasikat na Gcash. Kung may LN mas okay dahil mas mabilis ito. Siguro foreigners ang maaattract dito sa pakulo na to kasi mas may alam sila about crypto. Di ko nga alam bakit 2nd tayo sa survey eh dito sa amin SLP lang alam ng mga tao maybe some parts of the Philippines but yeah still not sure kung gaano kasikat ang crypto sa kada lugar pero that's worth a try though para naman magkaroon ng choice ang mga traveller in terms of payment method. 😅 

Hindi natin masasabi kung anong magiging outcome nitong balak nilang to pero syempre kung sa ikabubuti ng mga kababayan natin lalo na dun sa mga nagsisimula palang sa crypto kung meron kasing adoption malamang may mga intresadong matuto at mag take ng risk, dun naman sa part na gagamiting payment process maganda din talaga yun lalo na dun sa mga pinoy at toristang merong crypto/bitcoin na willing gamitin habang nag eenjoy sa boracay diretso na at walang need na transfer at convert magagamit na nilang pambayad ung crypto nila at makakapag enjoy ng tuloy tuloy.
sr. member
Activity: 1736
Merit: 357
Peace be with you!
Kung literal na gagawing Crypto Island - isang malaking kalokohan yan.

Bale ang aim is gawing crypto-friendly ang lugar at accepted ang crypto sa lahat ng mga merchants at businesses doon.

Nothing special about it kasi additional payment method lang sa Boracay gaya ng famous GCASH na almost lahat ng establishments doon at nag-aaccept na ng GCASH. Maganda na rin dahil if maraming business doon na accepted ang crypto, marami option ang tao.
Parang agree ako dito. Isa pa sa tututukan kasi dyan is yung education ng mga tao about crypto since most of the people na nagtatravel eh doesn't care about crypto ika nga kasi mostly na gamit ng karamihan ay ang napakasikat na Gcash. Kung may LN mas okay dahil mas mabilis ito. Siguro foreigners ang maaattract dito sa pakulo na to kasi mas may alam sila about crypto. Di ko nga alam bakit 2nd tayo sa survey eh dito sa amin SLP lang alam ng mga tao maybe some parts of the Philippines but yeah still not sure kung gaano kasikat ang crypto sa kada lugar pero that's worth a try though para naman magkaroon ng choice ang mga traveller in terms of payment method. 😅 
full member
Activity: 2128
Merit: 180
Again, medyo pangit lang na dapat pang gamitin ng Pouch ang name ng Boracay sa paghype ng service nila. Kumbaga parang copyright infringement kasi di naman sa kanila ang Boracay e tapos tatawagin nilang bitcoin island at nakahighlight pa sa website. Isip sila ibang marketing strategy. Cheesy

I don't find it ugly though, mas ok pa nga ginagawa nila dahil napopromote ang tourism ng Boracay though I got your point, iyon nga lang ay magkaiba tayo ng interpretasyon sa mga ginagawa nila.
Ok talaga ito for tourism and that’s the purpose as well kung bakit nila gusto magtayo ng casinos and with that crypto island. If maganda ang plano at masisiguro na regulated ito then why not, that’s for the benefit of everyone naman panigurado. May mga turista ren na gusyo mag gambling at yung iba gamitin ang kanilang crypto, sana safe lang talaga ang mga turista from any harm of scam.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Hindi natin talaga alam kung ano ang ilalabas ng kinabukasan pero syempre ung mga ganitong hype eh makakapag open din sya ng kaalaman patungkol sa crypto, kung sakali man maimplement nga talaga sya madaming tourist din ang magkakainterest para gamitin ang bitcoin nila sa pamamasyal sa pinas, or yung mga lokals natin na mahilig din sa crypto magagamit nila ung services ng bitcoin sa paligid ng boracay.

Nope di yan magccreate ng hype chief maniwala ka. Ang mga turistang pupunta sa Boracay eh isa lang ang purpose, ang magsaya doon at wala silang paki sa crypto. Mas easy access ang paggamit ng debit cards, credit cards, Gcash at Paymaya compare sa bitcoin. At since most Pinoy is considering bitcoin as an investment, I doubt gagastusan nila ito doon.

Ang alam ko ang target nila dito ay mga crypto enthusiast na gustong subukan ang payment system through BTC.  Although tama ka di nga gaanong magkicreate ito ng ingay dahil napakaliit lang ng porsyento ang bilang ng mga crypto enthusiast.  Yung iba malamang is pang post lang din sa social media nila para msabing on trend sila.

Again, medyo pangit lang na dapat pang gamitin ng Pouch ang name ng Boracay sa paghype ng service nila. Kumbaga parang copyright infringement kasi di naman sa kanila ang Boracay e tapos tatawagin nilang bitcoin island at nakahighlight pa sa website. Isip sila ibang marketing strategy. Cheesy

I don't find it ugly though, mas ok pa nga ginagawa nila dahil napopromote ang tourism ng Boracay though I got your point, iyon nga lang ay magkaiba tayo ng interpretasyon sa mga ginagawa nila.
full member
Activity: 2086
Merit: 193
Hahaha nakuha ko ung point mo at sang ayon naman ako, yung akin lang naman eh yung pwede ring mangyari sa hinaharap kasi anong malay natin baka may mapagbirong kamay na mag direct sa mga tourist na crypto lover din, pero gaya nga ng sinabi mo mas hassle at kung sa mga pinoy naman valid pa rin yung opinyon mo kasi hanggang ngayon investment talaga ang focus ng mga mas marami kung hindi man lahat na pinoy na naghohld ng bitcoin.

Panahon na lang magsasalita para dyan, pero ung last point mo hahaha natawa lang ako kasi hindi nga naman nila pag aari ang bora at dapat magpalit sila ng ibang marketing way more on traffics lang at syempre attention para sa mambabasa.
May mga pros and cons pero eventually if they really want to push this through mangyayare at mangyayare ito as long as there's a big money involve here panigurado baka mapabilis pa ang pag proceso dito. Though iba talaga ang purpose ng mga tourist sa Boracay pero who knows? Maybe some of them really want to spend their crypto and beside may mga locals na pwede ren gumamit nito, as long as hinde ito makakasira sa ganda ng Boracay, panigurado papatok ito.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Hindi natin talaga alam kung ano ang ilalabas ng kinabukasan pero syempre ung mga ganitong hype eh makakapag open din sya ng kaalaman patungkol sa crypto, kung sakali man maimplement nga talaga sya madaming tourist din ang magkakainterest para gamitin ang bitcoin nila sa pamamasyal sa pinas, or yung mga lokals natin na mahilig din sa crypto magagamit nila ung services ng bitcoin sa paligid ng boracay.

Nope di yan magccreate ng hype chief maniwala ka. Ang mga turistang pupunta sa Boracay eh isa lang ang purpose, ang magsaya doon at wala silang paki sa crypto. Mas easy access ang paggamit ng debit cards, credit cards, Gcash at Paymaya compare sa bitcoin. At since most Pinoy is considering bitcoin as an investment, I doubt gagastusan nila ito doon.

Again, medyo pangit lang na dapat pang gamitin ng Pouch ang name ng Boracay sa paghype ng service nila. Kumbaga parang copyright infringement kasi di naman sa kanila ang Boracay e tapos tatawagin nilang bitcoin island at nakahighlight pa sa website. Isip sila ibang marketing strategy. Cheesy

Hahaha nakuha ko ung point mo at sang ayon naman ako, yung akin lang naman eh yung pwede ring mangyari sa hinaharap kasi anong malay natin baka may mapagbirong kamay na mag direct sa mga tourist na crypto lover din, pero gaya nga ng sinabi mo mas hassle at kung sa mga pinoy naman valid pa rin yung opinyon mo kasi hanggang ngayon investment talaga ang focus ng mga mas marami kung hindi man lahat na pinoy na naghohld ng bitcoin.

Panahon na lang magsasalita para dyan, pero ung last point mo hahaha natawa lang ako kasi hindi nga naman nila pag aari ang bora at dapat magpalit sila ng ibang marketing way more on traffics lang at syempre attention para sa mambabasa.
legendary
Activity: 2436
Merit: 1008
Hindi natin talaga alam kung ano ang ilalabas ng kinabukasan pero syempre ung mga ganitong hype eh makakapag open din sya ng kaalaman patungkol sa crypto, kung sakali man maimplement nga talaga sya madaming tourist din ang magkakainterest para gamitin ang bitcoin nila sa pamamasyal sa pinas, or yung mga lokals natin na mahilig din sa crypto magagamit nila ung services ng bitcoin sa paligid ng boracay.

Nope di yan magccreate ng hype chief maniwala ka. Ang mga turistang pupunta sa Boracay eh isa lang ang purpose, ang magsaya doon at wala silang paki sa crypto. Mas easy access ang paggamit ng debit cards, credit cards, Gcash at Paymaya compare sa bitcoin. At since most Pinoy is considering bitcoin as an investment, I doubt gagastusan nila ito doon.

Again, medyo pangit lang na dapat pang gamitin ng Pouch ang name ng Boracay sa paghype ng service nila. Kumbaga parang copyright infringement kasi di naman sa kanila ang Boracay e tapos tatawagin nilang bitcoin island at nakahighlight pa sa website. Isip sila ibang marketing strategy. Cheesy
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
Sa akin lang ah, parang ang pangit na ginagamit ng Pouch ang kasikatan ng Boracay at tinawag pang Bitcoin Island. Kasi dapat may cooperation dito ang LGU na nakakasakop sa Boracay kung tatawagin nilang Bitcoin Island ang Boracay. Kumbaga di naman kanila ang Boracay e.

Although ang claim nila is marami na silang natulungang merchants sa Boracay na mag-accept ng crypto, maganda initiative na iyon. Wala lang, medyo di lang maganda sa tingin ko na para ipromote ang Pouch sa publiko, need pang ilagay at isali sa website nila na bitcoin island ang Boracay dahil sa kanila.

No offense. Cheesy

Tsaka marami din silang kailangan need implement sa boracay incase they want to proceed with this kind of adoptation of the bitcoin like mga QRs pero tingin ko medyo malayo pa to mangyare ginagawa lang itong pang hype ng mga tao, tsaka ayun isa pa may ilan ngang bumabatikos sa cryptocurrency like the news previously like banning the Binance kaya medyo conflct pa yung idea nilang ito sa reality.

Hindi natin talaga alam kung ano ang ilalabas ng kinabukasan pero syempre ung mga ganitong hype eh makakapag open din sya ng kaalaman patungkol sa crypto, kung sakali man maimplement nga talaga sya madaming tourist din ang magkakainterest para gamitin ang bitcoin nila sa pamamasyal sa pinas, or yung mga lokals natin na mahilig din sa crypto magagamit nila ung services ng bitcoin sa paligid ng boracay.
legendary
Activity: 1750
Merit: 1329
Top Crypto Casino
Sa akin lang ah, parang ang pangit na ginagamit ng Pouch ang kasikatan ng Boracay at tinawag pang Bitcoin Island. Kasi dapat may cooperation dito ang LGU na nakakasakop sa Boracay kung tatawagin nilang Bitcoin Island ang Boracay. Kumbaga di naman kanila ang Boracay e.

Although ang claim nila is marami na silang natulungang merchants sa Boracay na mag-accept ng crypto, maganda initiative na iyon. Wala lang, medyo di lang maganda sa tingin ko na para ipromote ang Pouch sa publiko, need pang ilagay at isali sa website nila na bitcoin island ang Boracay dahil sa kanila.

No offense. Cheesy

Tsaka marami din silang kailangan need implement sa boracay incase they want to proceed with this kind of adoptation of the bitcoin like mga QRs pero tingin ko medyo malayo pa to mangyare ginagawa lang itong pang hype ng mga tao, tsaka ayun isa pa may ilan ngang bumabatikos sa cryptocurrency like the news previously like banning the Binance kaya medyo conflct pa yung idea nilang ito sa reality.
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Sa akin lang ah, parang ang pangit na ginagamit ng Pouch ang kasikatan ng Boracay at tinawag pang Bitcoin Island. Kasi dapat may cooperation dito ang LGU na nakakasakop sa Boracay kung tatawagin nilang Bitcoin Island ang Boracay. Kumbaga di naman kanila ang Boracay e.

Although ang claim nila is marami na silang natulungang merchants sa Boracay na mag-accept ng crypto, maganda initiative na iyon. Wala lang, medyo di lang maganda sa tingin ko na para ipromote ang Pouch sa publiko, need pang ilagay at isali sa website nila na bitcoin island ang Boracay dahil sa kanila.

No offense. Cheesy

Ok lang yan may kanya kanya naman kasi tayong interpretation sa mga action ng tao.  Kung sa tingin mo hindi maganda tingnan ang ginawa ng Pouch it is to your own discretion though in my point of view naman is ok lang ang ginawa ng Pouch, nakatulong pa nga iyan sa exposure ng market within the Boracay Island.  Aside from promoting the Island kasi, ineexpose din nila ang mga merchandise within the vicinity.  Meaning iyong mga hindi aware na may market sa area ay magkakaroon sila ng idea na may merkado pala at  pwedeng gumamit ng Bitcoin to pay for those merchandise.

After all, it is all about the marketing though, I agree that they should have contacted ang local government about labeling Boracay as Bitcoin Island since the LGU can help maximize the potential of the project.
legendary
Activity: 2436
Merit: 1008
Sa akin lang ah, parang ang pangit na ginagamit ng Pouch ang kasikatan ng Boracay at tinawag pang Bitcoin Island. Kasi dapat may cooperation dito ang LGU na nakakasakop sa Boracay kung tatawagin nilang Bitcoin Island ang Boracay. Kumbaga di naman kanila ang Boracay e.

Although ang claim nila is marami na silang natulungang merchants sa Boracay na mag-accept ng crypto, maganda initiative na iyon. Wala lang, medyo di lang maganda sa tingin ko na para ipromote ang Pouch sa publiko, need pang ilagay at isali sa website nila na bitcoin island ang Boracay dahil sa kanila.

No offense. Cheesy
legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
If mangyayari man ito is parang magandang adoptation ito ng boracay kasi nga maraming tao ang gusto talaga gumala sa top tier na lugar na ito at syempre gusto din ng iba na masubukan yung mga card nila or this kind of payment method and for sure tamang flex dito sa mga social media nila at the same time is marketing strategy na din nila para mag promote lalo ngayon is nag karoon ng pandemic at medyo humina ang mga ganap sa boracay at kailangan nila mag hype ulit.

Para bang for bragging right, using cryptocurrency while having a good time sa Boracay.  And I agree, ang project na ito ng Pouch ay malaking tulong for promiting Boracay as a destination sa mga tourist na gustong mag-enjoy ng kanilang libreng oras.  Although Boracay is already famous as tourist destination, it doesn't hurt to have another promotion since this time ang target audience naman is mga crypto enthusiast who take joy of spending their crypto para sa kanilang leisure para ma flex na rin sa kanilang social media  Grin


Kung ang main point ng pag gamit nito ay para maging aware ang mga tao na pwede itong gamitin for their transaction or di kaya as alternative currency for sure tiyak may patutungohan tong plano nila. Pero if later on e endorse nila ito as invest then malamang mag floop ito dahil for sure once bumagsak bitcoin ay magkakaroon ng bad impression ang mga tao sa bagong kaalaman na isinubo sa kanila. Kaya aside for planning to implement nito talaga kailangan ng malalimang pag aaral para maging crypto educated ang mga tao.

Kung in the future ang aim nila is to introduce their platform token, I think isang magandang strategy ang ginagawa nila ngayon.  Since and plan nila is to get lots of users by taking advantage of Bitcoin and tourist destinations.  Reputation building ika nga.  Then kapag marami na ang nagtitiwala sa platform nila ay magintroduce sila ng platform token as a point system sa paggamit ng apps nila.  Tapos having the token can give the user ng mga perks, sa tingin ko di magflops yan  Grin
sr. member
Activity: 2618
Merit: 439

and  sana din malinaw kung may mga other altcoins na tatangapin sila aside from Bitcoin.
I think we can now safely rule out the possibility of seeing altcoins in Boracay:

Oops ,  Ok kabayan now at least malinaw na though i am disappointed because as crypto holders there will be always a possibility of choosing what coin to spend specially in Island hopping like what Bora and other Island can bring.

Salamat sa quote and I will put this in mind that never to expect(at least this soon) na magkaron ng altcoin spending in Boracay.
legendary
Activity: 2996
Merit: 1054
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
I think we can now safely rule out the possibility of seeing altcoins in Boracay:


So from this statement eh marurule out na rin natin na aside from currently circulating altcoin ay hindi rin sila gagawa ng sarili nilang token or coins para ibenta sa mga business owner  Grin.  Hopefully mamaintain nila itong sinabi nila at hindi iyong magugulat na lang tayo na may sariling coins/token na pla silang binebenta sa mga client nila.

Sana ganun nga ang maging outcome magfocus lang sila sa pag gamit ng Bitcoin sa ngayon yung future naman eh hindi rin natin masasabi kung saan sila papunta, ang maganda lang eh gaya ng sinabi nila gusto lang nila makatulong at para magamit sa bansa ang Bitcoin at hindi shitcoin hindi natin saklaw ang lawak ng kaalaman nung nagpa implement nito patungkol sa crypto industry, more on Bitcoin ang focus nila at ung mga transactions or possible transactions sa mga magiging guest nila.

Kung ang main point ng pag gamit nito ay para maging aware ang mga tao na pwede itong gamitin for their transaction or di kaya as alternative currency for sure tiyak may patutungohan tong plano nila. Pero if later on e endorse nila ito as invest then malamang mag floop ito dahil for sure once bumagsak bitcoin ay magkakaroon ng bad impression ang mga tao sa bagong kaalaman na isinubo sa kanila. Kaya aside for planning to implement nito talaga kailangan ng malalimang pag aaral para maging crypto educated ang mga tao.

Yan ang madalas na nangyayari sa mga taong hindi naglalaan ng panahon para aralin ang industriya ng crypto, akala kasi nila ganun lang kadali kasi nga yung mga nanghihikayat eh talagang ang pinapakita eh yung magandang naging epekto sa buhay nila, pero sana nga wag maging daan sa panloloko or sa pagkatalo ng mga walang kamuwang muwang na mabibiktima sana more on sa pag gamit lang at para sa mga transactions nung mga locals at foreign na nakakaintindi ng crypto.

Mas maraming makakaalam sa bansa natin mas mainam para sa matutulungang industriya, malay natin maging centro ang bora tapos lahat ng nasa paligid ng isla eh matutunan talaga ang pag gamit ayos yun db digitalized by means of crypto,syempre yung mga kilalang coins.
Pages:
Jump to: