Bukod sa Gcash/Gcrypto na sinasuggest ng lahat. Ang isa pang hindi pa kilala masyado ng marami ay ang...
moneybees
Ito na ngayon yung alternative na ginagamit ko at sobrang dali lang pagbebenta at pagbili sa kanila. Siyempre iba yung patong nila at baka medyo mataas para sa iba pero para sa akin, goods sila na gamitin at mataas ang limit nila para sa level 1 lang na account kung madalas ka mag withdraw. Meron din silang mataas na limit para sa mas mataas na level at yung limits na yan ay daily hindi monthly. Check niyo lang website nila, need nga lang i-verify identity niyo pero after nun, goods na.
Sa mga nagsa-suggest ng Abra, nakapag kyc na ako diyan kaso nga lang hindi ko tinuloy yung pag-deposit. Parang ang ganda ng rate nila sa interest nila kung may stable coins ka lalo na ang USDT. 10% APY ang interest nila kaya kapag nagkabull run, ang plano ko ideposit ko doon yung profit ko sa pagbenta ng btc.
Outlet lang ba talaga sila ? kase may mga locations and nagsearch ako parang mga outlets sila. Medjo risky lang siguro itong Buy and sell feature nila dahil thrue chat laang lamang ang gamit isesend mo lang sa bank account then saka naman nila isesend ung sa iyo or vice versa kung buy or sell ang gagawin mo.
Mukang okey siya pero parang hussle naman if pupunta ka pa sa mga outlet nila, need lang makasiguro if legit para okey na via chat. Seems like mukang legitimate naman sila as per cheking ang mga social media account ng Moneybees.
Sinusubukan ko muna ang PDAX nagtatry ako magverify, if parang Binance lang din naman ang kalakaran doon siguro dun na lang muna ko medjo mahirap kase kapag sobrang dami ng KYC baka madali pa tayo ng mga nagbebenta ng personal information.
Nope, hindi lang sila outlet at no need mo na pumunta sa outlet nila. Siguro kung pupunta lang ako sa outlet kapag medyo sobrang laki na talaga ng need ko na cash. Online transactions lang ginagawa ko sa kanila, pure online at pipili lang ako kung anong channel ako makipag transact sa kanila either any messaging app na available sa kanila. Partners lang yung mga outlets na yan nila. Ganyan din iniisip ko dati na risky lang kasi nga online pero registered siya sa BSP at legitimate business naman siya. Kaya nung nag KYC ako, nag try lang muna ako ng maliit na halaga para ma test sila hanggang sa ngayon, nag eenjoy at ease ang pag benta/bili ko sa kanila ng btc at iba pang mga cryptos na available sila. No need to worry, puwede mo siya itry kung gusto mo naman. Ako nag try lang at satisfied ako sa service nila, yun nga lang pure buy and sell lang hindi tulad ng ibang apps na pwede ka mag load sa phone. Ang withdrawal ko sa kanila, sa gcash ko na pinapadala pero supported din nila ibang banks na withdrawal.
Sa Pdax, nagamit ko na yan bago ako mag moneybees at simula nung nag stop ako sa coins.ph. Okay na okay yan lalo ngayon sila ang partner ni gcash.
Balitang coins.ph naman, mukhang binalik nila yung limit ko sa level 3 na 400k per day parehas sa coins.pro at coins.ph.