Pages:
Author

Topic: Re: Pre-pandemic Unfinished NBA Prediction Tournament - page 2. (Read 335 times)

hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Dito natin ilalagay mga napagkasunduan at possible changes.

1. Adjusted Rankings

a. Ngayon ko lang napansin meron na pala red-tag si cabalism13. Pero mas marami pa din ang green trust. Sa totoo lang naging general pala masyado yung nakasulat sa ruling natin noon. Ang expectation ko kasi sa red-tag ruling is literal na scammers or any illegal na activities tulad ng mga case nina asu at EastSound. So para sa akin ay kasali pa din si cabalism13 sa finals. Pero if majority sa inyo ay hindi agree then susunod lang ako sa majority.
b. asu at EastSound - red-tagged
c. Inactives na at no response din sina gunhell16, jakelyson at bamboylee kaya nag-message na tayo kay chaser15 para sa  ika-10th slot. Pero if ever biglang maging active ulit at magparticipate ang tatlong inactives ay pwede pa din at the same time kasali pa din si chaser15.
d. Lahat ng nasa top 10 na active naman ay considered kasali sa final stage unless mag-voluntary exit or hindi na sasali. Hindi na rin pwde palitan ang slot/s once start na ang playoffs.

2. Prize Pool
 Champion:        50% of pool  
 1st Runner Up:  25% of the pool
 2nd Runner Up: 15% of the pool
 3rd Runner Up:  10% of the pool
 4th Runner Up: sponsored by Darker45 (for clarification)

a. Original thread posted November 1, 2019 kung saan ang bitcoin price as per google ay Php469,986.67 or round off natin sa Php 470k. Ibig sabihin shoulder ng host ang Php 9,400 worth of bitcoins.
b. As per Darker45, willing pa din siya mag-donate pero gusto muna natin klarohin kung sa 4th runner-up pa din ba.
c. As per sponsors na napadala na yung btc ay hintayin natin mismong statement ni bL4nkcode.

3. Final Stage Gameplay
a. Meron nag suggest na hindi lang limitahan sa 12 points ang ating final stage. Payag din ako dito para mas masaya. Any objections?  
b. Meron din nag suggest na baguhin ang gameplay. Kailangan natin ng suggestions at opinions.

Meron pa ba nakalimutan? Kasi limited na lang time natin. Sa mismong day 1 ng playoffs ang start natin. Siguro by Wednesday or Thursday gagawa na tayo ng new thread para sa finals.  


Finals Thread: https://bitcointalksearch.org/topic/the-finals-nba-prediction-tournament-5394519
hero member
Activity: 1694
Merit: 592
The Martian Child
Game link: ♛♛♛NBA Prediction Tournament [0.027BTC Prize Pool]♛♛♛

Hindi ko alam kung saan ako magsimula. Angry Sad Undecided Siguro from the beginning. Early March 2020 nakabakasyon ako sa probinsiya. Start na sana sa finals pagkauwi ko kaso biglang nagkaroon ng lockdowns at pati NBA games suspended din lahat. Sobrang hina ng signal ng lugar ni erpat kaya halos wala chance makapag online using mobile data at pansamantalang naging inactive. So ayon halos isang taon ako sa province dahil di ko na rin pinilit makauwi lalo na mas mataas infections sa mga crowded at big cities.

Nakauwi ako February 2021, then nakalabas sa quarantine March na. Actually pilit rin pagkauwi since yung bahay ko nagkaroon ng napakalaking issue. By April nalaman ko na wala na pala si asu. Naka-red tagged na pala at naging inactive. Lahat ng convo namin sa telegram burado rin lahat. Baka meron dito may personal information sa kanya pwede niyo ko ma-pm or sa tg @YearsRunning. Nag-message na rin ako kay bL4nkcode para dun sa mga nag donate.

Kabalik ko lang dahil ngayon lang ulit naging available. At bago maging busy ulit dahil sa mga possible new ventures irl ay kailangan ko talagang tapusin ang palarong to. Passion ko rin talaga kasi NBA. At perfect ngayon dahil halos back to normal na NBA with 82 regular games at pa-start na playoffs. Tsaka ayoko rin talaga masayang mga efforts noong nakaraan. Nagka usap rin kami ni bisdak40 last year at gusto rin niya na tapusin ang palaro. Ang issue lang talaga is yung premyo. Last year nasa P75k yung prizepool. At wala akong available na ganung pondo.

Meron akong proposal para hindi bitin at matapos nato. Willing ako mag-donate ulit noong original prizepool ko pero yung Philippine peso value at the time na napost ang tournament thread which was November 1, 2019. Around 9,400 pesos then convert na lang natin into btc later on. Gusto ko kasi start ng final stage sa day 1 ng playoffs kaagad.  

Another thing is yung mga sponsors. Meron kasi iba dun na nagpadala na talaga ng pondo. Antayin ko feedback ni bL4nkcode sa mga nakapagpadala. Tsaka yung mga nag-commit. Pero since pandemic tayo, hindi talaga natin pwede e-enforce yun unless willing pa sila.

Gusto ko makuha feedback, reactions at mga suggestions niyo guys. PM ko na rin yung mga nasa top 10 baka inactive na yung iba. PM ko rin yung mga sponsors. Thanks.

Finals Thread: https://bitcointalksearch.org/topic/the-finals-nba-prediction-tournament-5394519
Pages:
Jump to: