Pages:
Author

Topic: 🔥🔥REGULATING BODY PARA SA MGA BOUNTY PANAHON NA BA?🔥🔥 - page 2. (Read 316 times)

hero member
Activity: 3066
Merit: 629
Vave.com - Crypto Casino
Nag comment na din ako sa thread na yan kaso malabo talaga at mahirap. Meron namang mga volunteer na nakikipaglaban para sa mga scam bounty kaso nga lang kahit na sabihin na scam yung bounty, yung ibang participants naman ay tuloy tuloy din sa pag promote nun kaya ang pagsali talaga sa mga bounty ay isang risk din. Aware naman lahat ng bounty hunters dyan at masakit talaga na yung effort ay nasasayang lang at napupunta sa wala pero ganyan talaga kasi ang kalakaran sa bounty.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
I don't think so. In the first place, ang Bitcointalk FORUM ay ginawa pang discussion tungkol sa Bitcoin at ibang cryptocurrencies. Tinatake advantage lang ng mga tao ang Bitcointalk para kumita through bounty campaigns. Wag tayo maging masyadong demanding sa founder. Do your own research nalang pag sumasali sa bounties.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
1. Forum Regulatory body - Hindi yan gagawin ng forum admin o kahit na sino mang staff. Tandaan natin na hindi ginawa ang forum na ito para pasikatin ang ibang projects thru airdrops/bounties. Creating a regulatory body means validating bounty campaigns here.

2. Boycott - Eto pwede pang gawin pero maliit tyansa na mangyayari ito. Kalat ang mga bounty hunters at walang sino man ang may control sa kanila. Bago magkaroon ng boycott eh magkakaroon muna siguro ng "Bounty Hunters Association" which is malabo din. Kahit nga may open scam accusation na ang isang campaign, sinasalihan pa din.

3. Payment using main cryptos like Btc/Eth - meron na gumawa dati nyan pero sobrang baba din ng rate. Mukhang hindi din sustainable on the part of the company.
hero member
Activity: 2100
Merit: 562
Nais ko lang suportahan itong thread ng isa nating kasama dito sa forum: https://bitcointalksearch.org/topic/bounty-regulations-5211562

Dapat talagang magkaroon ng Regulating Body dito sa forum dahil nga nagakalat ngayon ang mga bounty campaign na kung hindi nagbabayad ay wala din namang value ito pagkatapos, biktima din ako ng mga bounty project na nag-discontinue, madami din akong token na pampasikip lang kung baga, at ang malungkot itong mga bounty na ito ay pinaglaanan natin ng panahon minsan pa nga ang pinaka-maikli ay 3mos tapos maghihintay ka pa ng ilang linggo o buwan bago ito isend sa wallet mo at ang mahirap nito di mo rin naman siya mapapakinabangan dahil wala namang value o di nakapasok sa mga exchange, at kung pumasok man sa exchange wala din namang buyer. Karamihan dito ay mga ICO token na talaga nga namang nagreraise lang ng funds minsan kahit magkano lang ang pumasok kung baga katalo na at pagkatapos ay GOOD BYE na! Kawawa mga bounty hunter na nagpromote, nagpuyat, ipinaglaban ang mga project sa mga FUDDER dito sa forum tapos ang kakauwian ay wala din naman.

- Ang masaklap pa, ang bigayan ng reward ngayon ay pababa ng pababa siguro dahil marami na talaga ang nagbobounty kaya nagtatake advantage ang mga project na ito dahil alam nilang kailangan ito ng mga member dito. What if magkaisa tayo na i-boycott itong mga barat na bounty campaign, yung talaga walang papansin sa kanila? (Imposible ito pero tingin ko isa itong solusyon.)

- Naisip ko rin na What If ang sasalihan na lang nating campaign ay ang mga bounty na ang ibabayad ay mga mainstream Crypto like BTC, ETH, etc? Tingin ko mapilititan din ang mga bagong project na papasok na sumabay sa mga campaign na nagbabayad ng bitcoin o ibang crypto na circulated na sa market.

Kahit anong sabihin malaki ang contribution ng mga nagbobounty dahil sila (tayo) yung nagpopromote sa mga project nila, lalo kaming mga high rank ng forum na ito, nasa atin din naman yan, pero kung magkakaisa tayo kaya nating mabago ang systemang ito, ang dami na natin dito sa forum at sa totoo lang halos lahat ng bouty hunter ay mga Pinoy.


Sabi nga eh "United we Stand, Divided we Fall"



Pages:
Jump to: