Pages:
Author

Topic: Report: PH ranks 2nd in ‘ownership of cryptocurrency’ - page 3. (Read 613 times)

member
Activity: 70
Merit: 18
Kamangha mangha ng tayo ay rank 2nd in terms of owning of crypto currency. Pero bakit marami parin sa ating ang hirap magpayaman o sabihin gamitin sa tama gamit ang crypto currency na hawak ng isang Pilipino? Marahil ang isa sa pinakamalaking suliranin nito ay ang Pilipino ay di gaano educated pagdating sa word na "crypto" kumbaga ung mindset is not for long term probably dahil narin sa economy natin kaya mahirap ang buhay dito sa Pilipinas ay nabebenta ng maaga ung token kahit ito ay may potential na maging mataas ang value in the next few years. Mas maganda siguro na magkaroon ang Pilipinas ng tutorial or refresher mula sa kilalang crypto analyst sa bansa ito ay opinion ko lamang.
mk4
legendary
Activity: 2870
Merit: 3873
Paldo.io 🤖
Fun fact: isa ang Pilipinas sa pinaka maraming users ng MetaMask dahil sa Axie Infinity.

So mostly, ang karamihan e hindi talaga nila alam kung ano ang "crypto" dahil ang alam lang nila mostly is SLP, AXS, at Axies (baka nga hindi nila alam na NFTs ang Axies).
hero member
Activity: 3010
Merit: 629
And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Sa tingin ko tama ka yung axie ang naging isa sa nagpasikat ng crypto dito satin. Maraming na engganyo maglaro dahil malaki ang kitaan lalo na noon na kasagsagan talaga. Kahit nga dito samin na hindi alam ang tungkol sa crypto eh natuto dahil sa axie, yun ang naging umpisa para sa kanila na maging investors na rin.

Pero accurate kaya yung survey na ito? Iba kasi yung mga nababasa ko at malayo sa top 2 rank ang bansa natin.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
~ And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Dati pa naman may mga scams/pyramiding schemes na ginagamit pangalan ng BTC pero sa tingin ko eto talaga nagpadami ng crypto users dito sa Pinas. Alam naman natin na marami-rami tayong mobile gamers dito bago pa pumutok ang P2E kaya mabilis kumalat ang Axie at iba pang NFT games.

Sayang lang at hindi natin makita ibang detalye ng survey/research nila. Buti nabanggit na crypto-savvy tayo pero maari din kasi na marami lang din talaga sa atin ang walang pakialam sa privacy kaya willing mag-participate o disclose info sa mga surveys na yan. Tapos sa ibang bansa ayaw nila sumali dahil baka bawal o kaya naman ay ayaw nilang malaman ng kanilang Gobyerno at biglaan maging strikto.

Maganda din sana malaman kung anong klaseng crypto ang hawak. Baka kasi yung iba eh mga walang kwenta tapos sasagot sila ng 'yes' sa survey form.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
Nabasa ko lang to

Quote
Well, if you’re based in the Philippines, that probability is almost certain: You own Bitcoin or some form of cryptocurrency.

According to a Q4 2021 broad global survey by GWI—an audience targeting company known for its market research data—the Philippines ranks second when it comes to “ownership of cryptocurrency.”

The Southeast Asian country reported 22.7 percent crypto owners among internet users aged 16 to 64. Only Turkey is ahead of the Philippines, registering 23.8 percent crypto users.

https://www.sunstar.com.ph/article/1929944/cebu/lifestyle/report-ph-ranks-2nd-in-ownership-of-cryptocurrency

So pangalawa daw tayo as far as owning bitcoin, siguro nga lumalaki na talaga ang nakakaalam sa tin sa Pilipinas ng bitcoin kaya hindi rin ako nagtataka. Kungsabay, ang dami ng scammers dito sa tin, marami na rin na report tungkol sa mga pyramiding involving crypto and bitcoin. And siguro yung pagsikat din ng Axie dito sa tin ay nagmulat sa iba tungkol sa crypto market at sugod agad sa coins.ph para gumawa ng account hehehe.
Pages:
Jump to: