Pages:
Author

Topic: Role of crypto (enthusiasts) in the increasing PH cashless transactions - page 2. (Read 177 times)

legendary
Activity: 2982
Merit: 1153
Ngayon ko lang narinig to, maganda dito suportado pala tayo ng banko central ng pilipinas. hindi imposible maabot yung target nilang maging 20% ang mga gumagamit ng digital payments sa ating bansa. yung kulang nalang talaga is yung commercial sa mga television. ang pagkakaalam ko wala pang TV commercial ang coins.ph diba? malaking tulong yung pagnagkataon talagang malaki ang magiging papel nito sa ating mga crypto enthusiast.

Tingin ko hindi na need gumastos ng coins.ph para sa tv commercial, ok na yung ads nila sa FB at malawak na ang sakop nito dahil ginagamit din siya ng mga network marketing company para tumanggap ng payment at magrelease ng mga cash out ng mga member nito. 



Tama nga na maganda ang tandem ng crypto at cahsless transaction, karamihan sa mga nagcoconvert ng crypto to cash ay gumagamit ng mga cashless transactions.  Kahit na kung titingnan natin ay magkaribal ang dalawang ito (cryptocurency at cashless system) dahil sa kakaunti lamang ang establishement na pwedeng paggamitan ng cryptocurrency,napagsasama tuloy ang dalawang ito para sa ikagiginhawa ng mga tao lalo na sa pagtransfer ng pera.
hero member
Activity: 2758
Merit: 675
I don't request loans~
First step I guess? Considering na ang crypto is also a type of digital transactions, I guess BSP can start from there and dahan dahang ipakilala yung crypto sa buong mundo. May bitcoin and altcoin na sa coins so sumunod na lang ung iba katulad ng Gcash para mas maspread ung word about what bitcoin is. Dapat din maglabas ung either BSP or ung mga apps like coins ng introduction about what crypto is para hindi naman ignorante yung karamihan sa ating mga Pilipino. Dapat sumasama tayo sa agos ng pagunlad and sana makapagfirst step sila BSP dito.
hero member
Activity: 2268
Merit: 588
You own the pen
Ngayon ko lang narinig to, maganda dito suportado pala tayo ng banko central ng pilipinas. hindi imposible maabot yung target nilang maging 20% ang mga gumagamit ng digital payments sa ating bansa. yung kulang nalang talaga is yung commercial sa mga television. ang pagkakaalam ko wala pang TV commercial ang coins.ph diba? malaking tulong yung pagnagkataon talagang malaki ang magiging papel nito sa ating mga crypto enthusiast.
legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
There is this group, na ngayon ko lang nalaman, called the Better Than Cash Alliance (BTCA) conducting surveys sa mga digital transactions. They submit their report to the Bangko Sentral (BSP) and according to BSP, encouraging daw yung preliminary result. The full report is expected to be submitted by the end of the month or by next month.

Unknown to many, meron na din pa lang earlier efforts to increase the use of digital payments sa ating bansa. Dati kasi, nasa 1% lang daw (2013) at ang target ngayon ng BSP ay maging 20% by 2020. Through the launching of the National Retail Payment System (NRPS), nagkaroon ngayon ng PESONet (Philippine EFT System and Operations Network) at InstaPay

Pamilyar naman tayo na available ang InstaPay sa app na madalas natin gamitin (CoinsPh) at sa Gcash na din. Sa huling datos ng BSP, umabot na sa P20.92 billion ang InstaPay transactions with 2.47 million transactions. Sa palagay ko malaki-laki ang naiambag nating mga Pinoy crypto enthusiast sa bilang na yan.

Sa bansa na nagsusulong ng cashless payments at bukas sa blockchain & cryptocurrency, mukhang maganda ang hinaharap nating mga sumusuporta sa crypto.



References:
Code:
https://www.philstar.com/business/2019/10/07/1957947/bsp-sees-encouraging-rise-cashless-transactions/amp/
https://bitpinas.com/news/cashless-transaction-rising-philippines/
Pages:
Jump to: