Yun lang talaga ang nakakatuwa sa kanila kumbaga sila ang marurunong at sila pa may gana mag sabi ng karamihan ay peanut which is tinutukoy nila na walang alam o kulang ang kaalaman sa crypto.
Mas mukha pa nga silang baguhan at di nila na secure ng wasto ang mga tokens nila at tingin ko lang talaga shiba inu yung nawala sa kanila na 1 billion tokens.
Narito ang update interview na yun https://fb.watch/hqGHYhUR7L/
Nakakatuwa lang nag speculate agad sya na mag $1 yun in future which is mahirap mangyari kung shiba inu nga talaga yun.
Mukang sinusulit nalang nila yung issue nila para sa media exposure, Tinetake advantage nalang nila yung bad thing na nangyari sakanila at pwede ding gawa gawa lang lahat to tungkol sa crypto. If planned story to, Big brain move sa nakaisip nito. Easy trending agad sila ehh at siyempre advantageous sakanila to at all terms.
Bakit di nila mapangalanan yung mga coins o tokens na yun para ma check natin kung magkakaroon ba ito ng 1 pesos value sa future media mileage lang talaga habol nila kasi kung naiintindihan nila kung ano ang mga sinasabi nila di sila magmumukhang tanga para sa kin nag mumukha silang tanga may 1 Billion ka na token tapos di mo alam i back up kung centralized exchange man ito nakalagay pwede pa rin nila ito i recover through KYC, di nila alam ang basic ng Cryptocurrency at nakakalungkot para sa mga tulad nila na nag dudunong dunungan.
Kasi nga ayaw nila na malaman ng mga tao na binili lang nila yun sa maliit na halaga. At sayang naman ang free exposure sa kanila kung pipigilan nila agad yung balitang yun.
Di ako kumbinsido na maalam yang artista na yan sa crypto dahil kung marunong sya talaga nito kaya niya e make sure na safe ang balance nya at ma retrieve nya ito kahit ano pa man ang mangyari. Exposure lang talaga ang dahilan ng balitang yun dahil mawiwindang talaga ang mga tao dahil sa laki ba naman ng halaga na ginamit oang click bait ng media.