Kung RPG sir ang hanap mo sa android ay mas maganda po kung mag-download ka nalang po ng emulator. Marami pong emulator na pwede mong i-download kung saan pwede mong malaro kahit yung games sa SEGA Genesis, SNES, PSP, PSX, Nintendo DS, etc.
Sa SNES, download mo po yung SNESoid 2.2.4. Marami pong magandang rpg silang laro tulad ng Chrono Trigger, Secret of Mana, Terranigma, Tales of Phantasia, Illusion of Gaia, Secret of Evermore, Breath of Fire, Lufia II: Rise of the Sinistrals at Lufia & the Fortress of Doom, Seiken Densetsu 3, Bahamut Lagoon, Treasure Hunter G, Ys IV: Mask of the Sun, Dragon Quest series, Final Fantasy series, at Tactics Ogre.
Sa SEGA Genesis, iyong Crusader of Centy, Shining Force, at Dragon Slayer. Download mo lang po sa PlayStore yung GENPlusDroid o kaya Gensoid 2.4.3.
Sa PSP ang emulator po nyan ay yung PPSSPP. May libre po nyan mada-download. Dami pong magandang laro sa PSP pero ang pinaka-marerekomenda ko po ay The Legend of Heroes: Trails in the Sky, Crisis Core: Final Fantasy, Tales of Phantasia, Ys Seven, Lunar: Silver Star Harmony, Crimson Gem saga, Tales of the World: Radiant Mythology, Tales of Eternia, Ys: The Ark of Napishtim, The Legend of Heroes: A Tear of Vermillion, Dragoneer's Aria, Monster Hunter Freedom 2, at Ys: The Oath in Felghana.
Sa Nintedo DS, try mo po hanapin yung emulator na Drastic. May bayad po yan pero may available din po online na libre ang download. Sa DS marami din pong magandang role-playing games pero ang gusto ko po dyan yung Pokemon HeartGold and SoulSiver, Pokemon Diamond and Pearl, Pokemon Platinum, at syempre, Pokemon Black & White.
Sa PSX, ePSXe emulator po ang pwede sa android. The Legend of Dragoon, Chrono Cross, Final Fantasy VII at VIII, Suikoden II, Grandia, Legend of Legaia, at Legend of Mana ang mga recommended ko po dyan.
Pwede rin po ang Gameboy Advance/Color sa android. Hanap ka lang po ng emulator. Check mo lang po sa PlayStore ang emulator at sa doperoms, emuparadise, coolrom, at romhustler yung mga ROMS po. Sana nakatulong sa'yo sir.