Nangyayare na ang kinakatakutan naten, tataas na ang presyo ng Gasoline ng almost ₱5 per liter, imagine that price, makakaapekto talaga ito sa maraming produkto kaya asahan na naten, ang mga mahal na gastusin. Matagal pa bago ito bumaba panigurado, kaya hanggat maari bumili na ng stocks bago pa tumaas yung ibang bilihin. Sana magkaayos na ang Ukraine at Russia, at sana may other source tayo ng supply para naman hinde ganoon kamahal ang mga bilihin.
Habang nasa pandemic pa tayo, ito na nga tataas na ang presyo ng mga bilihin at panigurado magkakaroon naren ng taas pasahe. Sana magawan ito ng paraan ng ating gobyerno at sana wag naman samantalahin ng mga negosyante ang taas presyo, kawawa ang mga mahihirap.
With regards to Russia at Ukraine, mukang malabong umatras ang Russia hanggat hinde sumusuko ang Ukraine, they lose a lot of money and soldiers already kaya hinde sila aatras basta basta. They are ready for more wars, kaya be ready for the impact guys, nagsisimula palang ang negative impact nito para sa atin.
Actually, ito yung mga bagay na we take for granted especially na hindi tayo personally and directly naapektuhan sa war. But economically, we are starting to feel the impact of the war of Russia and Ukraine. Since tumataas na ang presyo ng gasolina, it is obvious din siguro na tataas din ang presyo ng bilihin since gasolina ang ginagamit as their main source of fuel sa kahit ano.
With regard to Russia and Ukraine, like you mentioned, I think it is more of a psychological warfare rather than invading yung buong Ukraine. If naging successful ang Russia dito, parang magiging message ito sa buong mundo na kaya nilang gawin ang gusto nilang gawin.