Pati sa totoo lang din po, wala din pong ganung mahihita sa mga Facebook bitcoin groups, liban nalang sa referrals. Pero sa karanasan ko po, ang karamihan sa nakuha kong referrals sa affiliate ko ay puro hindi rin ganung active kaya parang wala din pong saysay. Gayunman, hindi ko po nilalahat. May nasalihan din po kasi ako dati na group sa Facebook na manage nung mga kakilala ni Roger Ver at dun sa group na yun wala kang makikita na HYIP o Ponzi scheme na naka-post kundi puro news at discussion lamang tungkol sa advancement or development ng Bitcoin, Blockchain, FinTech, Decentralization, etc. Maganda po yung group na yun kaya lang naka-secret na ata po ito ngayon at hindi na public.
Sayang naman sir at nagsecret na yung group. Naghahanap ako ng bitcoin group sa facebook. Para mas easy access sa mga pagkakakitaan sa bitcoin at sa mga news. Ngayon ko lang nalaman na may mga group din pala sa facebook. Lagi ko lang din kasi nakikita tong bitcoin ay sa symbianize, since member din ako. Forum din siya gaya nito pero mas diverse yung community hindi lang pang bitcoin.