Pages:
Author

Topic: Sarado na ang Chipmixer! - page 3. (Read 360 times)

legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 16, 2023, 07:17:47 PM
#9
Mabuti at wala namang damage sa market at pumalo na naman tayo sa $25k. Nakakapagtaka lang, ilang taon din ang inabot nila para matrack down kung sino man ang tao sa likod ng Chipmixer at isa palang tong Vietnamese, so isang Asian, hehehe. Pero nakita naman natin na marami paring bagong mixers, may mga campaign pa nga dito sa forum. So tuloy parin to, hanggang may mai-take down na naman in the future. So ganun din sa tingin ko ang proceso nito at baka magkaroon din ng bagong paraan para ma mix ang coins at hindi tayo masunduan.
hero member
Activity: 2660
Merit: 608
Vave.com - Crypto Casino
March 16, 2023, 03:57:24 PM
#8
Nagulat din ako nung nabalitaan yan at unang pumasok sa isip ko ay yung campaign nila. Sobrang kilala kasi ang chipmixer at malaking ambag yung campaign nila.
Siguro ganyan ang magiging kalakaran sa mga campaign kapag may mga bagong mixers na lalabas tapos may budget silang malaki para i-run ng sobrang tagal. At kapag naseize ulit ng government o interpol o europol, babalik lang sila ulit sa panibagong marketing sa pangalan na iba ulit na ila-launch nila para mas makilala ulit sila.
legendary
Activity: 2464
Merit: 1145
FOCUS
March 16, 2023, 11:49:55 AM
#7
Ika nga nila, Walang forever. Hehe. Pero expected na talaga yan dahil nagcra2ck down ang US at EU ng mga mixer dahil nga favorite itong gamitin pang money laundering. Kahit na sabihin natin na for privacy purposes ang pinaka goal ng mixer ay hindi natin maikakaila na mga money launderer ang mga big clients nila dahil sila lang naman talaga ang may pinaka kailangan sa ganitong services dahil normal amount lang naman ang need ng normal na tao kung gusto nila ng privacy.

Nakaka lungkot lang dahil isa ang Chipmixer sa bumuhay sa signature campaign industry ng forum kahit pa bear season at madami din silang na sponsor sa mga forum events. Sobrang yaman ng may ari ng Chipmixer kaya sureball na babalik din yan pagkalipas ng ilang taon. Palamig lang muna kung sakaling hindi sya mahuhuli.
Nabigla din ako sa pag kahuli ng chipmixer ehhhh. Isa ata sila sa pinaka malaki at pinaka matagal na bitcoin mixer, Di ko lang sure yung ibang bitcoin mixer since wala yung iba dito sa forum. Mukang mga mixing services yung target ng mga international agents given na inuna nila yung tornado cash na last year lang nahuli at ngayong taon naman chipmixer. Di din kasi natin maitatangi na may nangyayaring money laundering sa services nila at ang service nila yung best tool para gamitin sa money laundering. Pwede sila bumalik sa services nila pero baka mag rebrand sila at hindi na included yung mga nadakip nung nag seize sila. Let's see if may mga bagong mixing services na lumabas ngayon even na mainit sa mata ng autoridad ang serbisyo nila.
copper member
Activity: 2758
Merit: 1163
Leading Crypto Sports Betting & Casino Platform
March 16, 2023, 07:37:21 AM
#6
Nakakagulat ito sobrang tagal na ng signature campaign nila and siguro isa na sa pinakamatagal dito sa forum, marami siguro inaakala na forever na tong signature na to tapos ngayon isang news lang biglang sarado agad sila. Madalas din akong gumagamit netong chipmixer dati noong medjo active pa ako magtrade and useful din talaga ito, siguro isang lesson na rin ito na hindi talaga pwding gawing main source of income itong mga signature campaign dahil hindi naman din secured na magtatagal, maganda talaga na part-time lang ang turing sa signature para hindi ka din basta basta mawawalan incase need mo ng funds.


Ika nga nila, Walang forever. Hehe. Pero expected na talaga yan dahil nagcra2ck down ang US at EU ng mga mixer dahil nga favorite itong gamitin pang money laundering. Kahit na sabihin natin na for privacy purposes ang pinaka goal ng mixer ay hindi natin maikakaila na mga money launderer ang mga big clients nila dahil sila lang naman talaga ang may pinaka kailangan sa ganitong services dahil normal amount lang naman ang need ng normal na tao kung gusto nila ng privacy.

Nakaka lungkot lang dahil isa ang Chipmixer sa bumuhay sa signature campaign industry ng forum kahit pa bear season at madami din silang na sponsor sa mga forum events. Sobrang yaman ng may ari ng Chipmixer kaya sureball na babalik din yan pagkalipas ng ilang taon. Palamig lang muna kung sakaling hindi sya mahuhuli.


hindi naman siguro makakaapekto sa presyo so far naman steady pa rin sa 24k$ simula nung nagkaroon ng spike sa 26k$ kahit na lumabas na ang balita so i think steak na muna ito hanggang magkaroon ulet ng malaking movement.

Yeah, Halos 1900BTC lang ang na seize ng interpol at hindi naman ito agadan ibebenta sa market kaya halos wala itong epekto. Sa katunayan ay maituturing din itong hold coins dahil hindi ito magagalaw sa mahabang panahon habang active pa ang investigation.
sr. member
Activity: 1638
Merit: 425
Cashback 15%
March 16, 2023, 03:30:57 AM
#5
Nakakagulat ito sobrang tagal na ng signature campaign nila and siguro isa na sa pinakamatagal dito sa forum, marami siguro inaakala na forever na tong signature na to tapos ngayon isang news lang biglang sarado agad sila. Madalas din akong gumagamit netong chipmixer dati noong medjo active pa ako magtrade and useful din talaga ito, siguro isang lesson na rin ito na hindi talaga pwding gawing main source of income itong mga signature campaign dahil hindi naman din secured na magtatagal, maganda talaga na part-time lang ang turing sa signature para hindi ka din basta basta mawawalan incase need mo ng funds.


Sana lang din wag makaapekto sa presyo, pumalo na tayo sa $26k.

hindi naman siguro makakaapekto sa presyo so far naman steady pa rin sa 24k$ simula nung nagkaroon ng spike sa 26k$ kahit na lumabas na ang balita so i think steak na muna ito hanggang magkaroon ulet ng malaking movement.
hero member
Activity: 2744
Merit: 761
Burpaaa
March 16, 2023, 12:35:50 AM
#4
Update: Close na din ang signature campaign dahil hindi na din daw macontact ang Chipmixer owner dito sa forum. Doxxed na pa naman yung owner kaya sobrang laking loss nito sa kanya dahil booming yung mixer business nya sa crypto plus nasa most wanted list na sya ng FBI kaya hindi worth it yung naipon nya kung maseseize lng din once na makulong sya.

Pahirapan nnmn sa signature campaign nito dahil madami nnmn magagaling na ka competition sa spot. Sureball madaming campaign ang mag rereshuffle dahil sobrang quality ng mga participants ng Chipmixer.
 

Ito yung announcement ni DS sa Chipmixer campaign: https://bitcointalksearch.org/topic/m.61920144
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
March 15, 2023, 07:48:30 PM
#3
Gumagamit ako ng mixer kasama na ang Chipmixer sa tagal ko sa crypto.

Kaya kagulat gulat na naman tong balita na to, I mean not just sa Chipmixer, pero sa lahat ng tumblers na nandiyan pa. May mga bago pa ngang campaign nagsulputan kung hindi ako nagkakamali. Pero ang timing nagpapahuli sa kanila at marami ang nagdududa dito. Anyways, maraming lumabas na balita tungkol sa paggamit ng Chipmixer sa pag launder ng mga hacks at exploits sa crypto o yung mga illegal activities. Pero nakakapag taka na ilang taon din umabot bago nila nahuli ang operator ng Chipmixer at na identify at pati mga servers nito.

For sure maaapektuhan ang sig campaign nila, baka ubusin na lang ni Darkstar and escrow at yun na. Kasi ano naman i promote nila kung na seize ang CM mo at sino magbayad? May mga ibang campaigners na nga sila na nag apply sa iba at nagpalit narin ng signature.

At siguro ako na ang mga mixer na natitira pa, lalo na yung nasa clearnet at kakaba kaba na rin. Or kahit yung mga user na gumagamit naman dahil gustong nilang i tago at maging private dito.

Sana lang din wag makaapekto sa presyo, pumalo na tayo sa $26k.
legendary
Activity: 2800
Merit: 1243
Cashback 15%
March 15, 2023, 07:18:15 PM
#2
Nakakalungkot isipin na ang matagal ng subok na mixer ng Bitcoin ay tinarget nanaman ng mga awtoridad.  Mainit nga ang usapan nito sa isang thread dito sa forum.  About sa sig cam dito sa forum, wala pa namang update kung magsasara ba sila o hindi, sana lang magtuloy tuloy pa rin ang service ng chipmixer even though nabasa ko na in manhunt na ang founder nito, meron pa ring mirror site ang chipmixer na gumagana.  Ibig sabihin hindi pa naman totally shutdown ang service nito.

Sana rin ay hindi maapektuhan ang signature campaign nito sa forum.  Nakakapanghinayang din kasi na ang isa sa mga longgest running signature campaign ng forum ay magsara dahil sa pangyayaring ito.
hero member
Activity: 2744
Merit: 761
Burpaaa
March 15, 2023, 12:58:19 PM
#1
Meron ba dito na gumagamit ng Chipmixer na katulad ko para ipang mix sa Bitcoin galing sa gambling?

Kanina lang ay nilabas ang nakakalingkot na balita na sarado na ang isa sa pinaka malaking Bitcoin mixer sa crypto world. Nahuli sa issue na paglalaunder ng million na funds.

Sobrang bad news nito para sa mga signature campaign member at sa mga regular user ng mixer na katulad ko.

Ref:https://www.coindesk.com/policy/2023/03/15/germany-and-us-seize-over-46m-crypto-tied-to-chipmixer-investigation-europol/
Pages:
Jump to: