In terms of cashflow naman is medyo lamang din ang ibang investor kasi every day, months and years tumataas yung kanilang annual gross unlike kay satoshi is naka hold lang ang asset nito and depends sa market demand, so i guess theres a flaws pa din sa both sides, it depends paano nila gagamitin yung mga assets nila para mas lumago. Even in the movement of their business malaking impact every decision, in terms naman kay satoshi is pag gumalaw ang wallet nila sure theres a changes din mangyayare sa space.
Oo sa total value of funds lang naman ata naka base yung mga tumitingin sa sitwasyon na yan at di nila binigyang halaga yung cashflow na binibigay sa kompanya. Kung iisipin mas consistent yung kay Bill Gates kompara kay Satoshi dahil kung babagsak ang presyo ng Bitcoin ay malamang laglag din value ng kayamanan nya.
Sa ngayon nalampasan na nya ang yaman ni Michael Bloomberg and kung tuloy tuloy pa ang pump na yan ay baka abutan na nya si Bill gates.
It's worth mentioning na prior to the creation of this thread, nilampasan na niya ang yaman ni Bill Gates on two occasions
[technically three] pero dahil sa mga nangyaring mini-crashes in the past two days, nawala yung pwesto niya sa top 15:
Great, Salamat kabayan sa pag point out nito at nakita natin na nangyari na pala ito. Pero napaka volatile talaga ng yaman ni Satoshi since Bitcoin lang din naman lahat nanggaling ito.
Kaso tingin nila na wala na sa mundong ito si Satoshi sang ayon ba kayo dito?
Ano ang masasabi nyo sa mga kaganapang ito.
Parang lumalabas na loss portion na ito ng Bitcoin kasi wala sa ating nakakaalam kung buhay pa si Satoshi Nakamoto, at kung gagalaw pa ang mga Bitcoin na nasa kanyang wallet, pag dumating ang panahon na maging $1 million na ang Bitcoin sya na ang magiging pinakamayamang tao sa bagong generation at kung tataas pa maaring a buong history ng sangkatauhan.
Magiging history na lang ang laman ng wallet ni Satoshi, nakakalungkot di nya na reap ang fruit ng kanyan glabor sa material na aspect di katulad ng ibang developer.
Yun nga eh at hanggang ngayon di parin sya lumilitaw or di kay nag move man lang yung mga alleged funds na hawak nya. Sa haba ng panahon na di parin sya mahagilap parang totoo nga talaga yung sinasabi ng ibang speculator na baka wala na talaga si Satoshi. History nalang talaga ito na paulit ulit na babalikang tingnan ng mga tao.
Hindi pa rin macoconsidered si Satoshi sa mga ganito kasi ang alam ng karamihan eh naglaho or namatay na siya. Pero in terms of assets makikita natin na talagang malaki na din yung network ni Satoshi dahil grabe inangat ni Bitcoin.
Kung meron lang sana iniwanan si Satoshi na anak or family member ng assets nya for sure kahit papano di masasayng ung loss bitcoin. Pero mas mabuti na rin yan once kasi na magalaw yan eh magkakagulo for sure.
Kaya nga e since missing or di parin sya mahagilap so di parin sya counted or mailagay sa list of richest man/women in the world.