Recently naka experience ako nito nung nagexpire ang credit card ko tapos ay may scammer alam na may newly received ako na credi card while inoofferan nya ako na iclaim yung bonuses nung previous card.
At first hindi ako nagduda since alam nya ang full details ko including address kung saan pinadala ang credit card. Nagduda lang ako nung nanghihingi na sya ng OTP which is from grab pay dahil sa grab wallet daw nya ilalagay yung reward points.
Sa experience ko na ito ay naisip ko lng na maaari din iton mangyari sa mga P2P users since exposed ang complete details natin including mobile number at bank account kaya pwede tayong maging biktima ng mga ganitong scammer. May naka experience na dn ba ng ganitong scam attempt dito?
Ohhh! Never ever give away your OTP to anyone since yan na ang last layer of security mo against illegal transactions.
Let's face it- every time we pay using our card whether online transaction or even kahit sa mga restaurants, there is always that tendency na makuha nila yung personal details, number, and yung number sa likod ng ating respective cards. That is the reason on why OTP was created; to at least provide one last step of security just to confirm yung transaction.
Good thing OP na naisip mo agad regarding sa scheme nila. Even if there is an institution claiming to know your details and saying na may rewards/bonuses sila, they will never ever ask for your OTP.
Let this be a reminder to anyone na ang mga scammers ngayon ay nag eevolve na. They can definitely create schemes like this one to induce us into believing na isa silang legitimate na institution but in reality mga scammer talaga.
Medyo cautious kasi talaga ako pagdating sa mga bank account ko including credit cards since mataas ang limit ko. Ang nakakapagtaka lang tlaga sa scammer na ito kaya ko napagtanto na baka may inside job dito since alam mismo ng scammer yung exact date at address kung saan pinadal yung bagong credit card.
At first tinulungan nya pa ako na mag activate ng card ko then saka nya pinasok yung bonus rewards daw sa previous card ko na itra2nsfer dw nya through voucher or cash. Everything is smooth since normal bank protocol ang ginagamit nya until nanghingi na sya ng OTP which is red flag.
Nabasa ko sa social media na madami ng nabiktima yung mga ganitong scammer kaya doble ingat tayo mga kabayan.
- Ibig sabihin talaga nung simula nasa under control kana ng scammer o hacker sa kanyang mga patibong, dahil nga kopyang-kopya nya yung istilo ng bank mo, aside from the details about you ay tama naman lahat.
Then all of a sudden ay bigla kang natauhan nung tinatanung kana sa OTP mo, buti nalang at alerto ka talaga, sa bagay na yan binabati parin kita nawala yung muntink ka ng maisahan.
Buti natauhan at naalala ung security nung narinig or napansin na nya yung about sa OTP kung nagkataon dahil sa marami na ngang alam ung scammer about sa info nya baka natuluyan ng nadale sya ng pang sscam na yun, bigat pa naman kasi bank info yung pinapasok baka hindi lang malimas yung laman baka magulat ka eh andami mo na ring utang dahil dun, yan yung mahirap pag hindi ka well-aware sa mga actibidad ng mga scammer, ang gagaling na kasi talagang manggaya at mangalap ng mga sensitibong impormasyon patungkol sa taong bibiktimahin nila tapos ikaw naman na matyetyempuyan aakalain mo na legit dahil nga maraming alam tungkol sa importanteng detalye na patungkol sa account mo., doble ingat talaga at palaging maging alerto.
Naalala ko tuloy before nung nagtatrabaho ako sa office ng isang tinuturing kung nanay-nanayan ko na isang international trader, na dating naging presidente ng Lionsclub pasay branch, at member din yung kumpanya nya ng group of companies, na one time meron siyang kakilala na kung saan galing sa MLM business ay laging napunta dun sa kanyang opisina, at nung nakukuha na nya yung tiwala ng Amo ko, yung mga nakadisplay sa office nya na mga SEC certificate, DTI, yung mga certificate ng pagiging Presidente nya sa Lionsclub pasay, at iba pa ay ang ginawa nung tao kinuha nya tapos pinagpaalam nya sa Amo ko.
Natawa nga akong bigla nung pagpasok nya sa mismong office nung nagpapaalam na yung lalaki pwede daw bang mahiram yung mga certificate nya para ipakita daw sa isang prospect business capitalist ay biglang sinabi ng nanay-nanayan ko na hindi nya pwedeng dalhin yun. Wala naman siyang nagawa, kaya lang yung istilo nya galawang scammer, hahaha, kaya nung umalis sinabi sa akin ng nanay-nanayan ko na scammer daw yun hehehe, kung pinagbigyan nya daw yung malamang iaaply daw yun ng utang sa banko at palalabasin na representative nya ito at magugulat nalang siya isang araw na may utang na siya. Yung ang legit at literal na scammer talaga hahaha. Matalino din yung nanay-nanayan ko na yun hahaha. Ingats nalang talaga tayo.