Para rin pala syang Paymaya kabayan na araw araw mo makuha ang interest yield. Bumaba na interest rate ng Paymaya ngayon unlike noong dati pero at 3.5% ay mas malaki pa din kumpara sa mga around 0.25% per annum na interest ng mga traditional banks.
Nakita ko ang Seabank noon sa Binance p2p. Ang daming mga unfamiliar banks doon na matataas ang rates tulad nung Alipay, CIMB, Seabank, etc. Kaya nais ko rin sana mag open noon ng account sa mga yun para makakuha ng mataas na rate.
Sa ngayon karamihang Pinoy nasa OKX at Bybit na ata ang cashout. I wonder kung meron pa rin yang Seabank doon sa mga options ng mataas na rates.
- Sa ngayon, nakikita ko yang seabank sa okx, bitget at bybit sa p2p features nya pero hindi ko rin pa ito nasusubukan, ngunit nung inalam ko siya kung ano ba talaga ang mapapala natin sa kanya ay so far maganda pa yung offered interest so far.
Siguro subukan ko maglagay kahit 1000 para maexplore ko kung ano ba ang pwede nyang maitulong sa akin, in short,mageexplore muna ako kung ano ba maganda sa seabank na ito.