Not sure kung may ginagawa talaga sila para mapasara tong mga scams na to, pero hindi talaga feasible na iexpect natin na mapasara nila lahat ng scams lalo na't pag may nagsara, may bagong magbubukas. Gaya rin lang naman sa lahat ng scams na nakikita natin dito sa crypto, na tipong kahit araw araw pa tayo mag report ng scam links dito sa bitcointalk e meron at merong lalabas na bago. At some point ung mga tao dapat talaga ung kelangang mag adjust para matuto.
Sa totoo lang nanghahanap din ako kung meron pang record na napasara ang SEC sa mga kompanyang sinasabi nilang scam, and so far wala pa akong makita. Kaya parang hugas kamay lang ang lumalabas, mag issue sila ng babala, tapos pag may nabiktima at pumutok sa media, sasabihin nila na "meron kaming advisory tungkol sa X company na yan, ang problema eh ang tigas ng mga ulo at hindi nakinig sa amin", hehehe.