Mukhang another way to lure people para may ma scam, tapus sa random video pa, at mukhang translated pa yung tono sa pag sulat. I would probably ignore replying the user. Kay kunting ingat wt medjo gamitin ang common sense.
Gaya natin na alam na natin tong method na ginagawa for sure automatic ignore talaga to, pero dun sa baguhan palang tas pag nakakita nito baka isipin pa nila talaga na may makukuha sila lalo na kapag binuksan nila ito at may funds na nakita. Kaya dapat talaga maging aware yung mga tao na ang modus nato ay nag eexist para hindi sila ma bait at mapag halataang sobrang greedy na tao.
Wala naman pinipiling kind of video yung mga spammer mate. Tingin ko kung bakit hindi sila sa crypto topic nagcocomment eh alam na nila na knowledgeable na ang users na tumitingin sa topic or comment section na iyon.
Kaya pag sa non related topic sila nagspam maaari silang maka encounter ng mga potential users na possible mabiktima or yung curious sa comment nila na ganyan.
Hindi na sila yan titigil for sure forever na nila gagawin modus yan.
Kaya nga siguro wala na talaga silang nakukuhang biktima sa crypto pages na pinupuntahan nila kaya ngayon sinusubukan nilang mangisda dun sa mga education pages or di kaya sobrang layo na talaga sa cryptocurrency ang topic dahil dun sobrang dami talagang tao na either walang alam or liit lang ng knowledge nila sa industriyang ito.
Translated pa boy
hindi yan pinoy kung ano yung style nila sa telegram ganun din jan sa youtube naghahanap talaga ang mga yan nang bibiktimahin.
Kasagaran talaga tiga india ang mga scammer halos wala namang ibang lahi na scammer kundi sila lang nasa top list nga sila kung san nanggagaling mga scammer.
Magulat ka jan pag yan gumamit pa ng AI na translator hindi mo na malalaman kung tiga ibang bansa kasi fluent mag tagalog ang AI translator ngayun di tulad ng ginawa nya na trinanslate lang ata yan sa google translator.
Kaya pag may nakita tayung ganyan mag comment na agad tayo na scam attempt yan para maiwasan ng mga newbie.
Dali talagang mahalata pag transalated parang robot pag binasa muna yung word na sinulat nila. Yun lang di ako nakapag comment dyan matic ignore ginawa ko, pero next time pag nakakita ako ng ganyan ulit mag reply ako at mag warning sa mga makakabasa nun.