sir ilang taon kanabang trader? mukhang bihasa kana pagdating dito gusto ko kasi mag invest kapag nagka work nako kahit pa konti konti lang kahit maubos yung start up money ko basta may matutunan lang. Balita ko kasi pwede 5k lang muna tapos ako na bahala ilan yung ilalagay ko per month , nabasa ko lang sa book ni bo sanchez na "my maid invests in the stock market" , ewan ko lang kung totoo nga yan haha nadala lang sa hype bumili nung book na yun.
Hello vindicare, mag dadalawang taon pa lang. Nag-start ako nung Nov 2014. Hindi naman ako sobrang bihasa at nadadaplisan pa rin capital ko every now and then. Kung madaplisan man capital ko dahil bumibili ako ng stock na pababa ang presyo in short-term, may conviction naman ako na it is due for a price reversal soon.
Kung ako sa iyo, mag-simulate ka without using real money first kahit for two months para magka-experience ka on trading. Kahit nga gawin mo lang on paper and pencil lista mo mga stocks na binibili mo on what price and volume then at what price mo binenta. It's all in the mind. It's boring at first and may tendency ka na hindi seryosohin yung pag simulate mo on buying and selling stocks, though believe me, you'd thank me in the future kung gagawin mo iyon kaysa sasabak ka with real cash and the next thing you know, 20-30% na ang losses mo dahil sablay sablay ang pagbili at benta mo.
If there's one thing na maibibigay kong advice sa iyo when you start trading the stock market, never ever base your decisions on news and pinag-uusapan o dinudumog na stock, mahahype ka lang no doubt about it. For sure the moment you buy a stock on those factors, huli ka na and prepare for losses.
Pwede ka mag start ng 5K but I prefer entering positions in chunks of 8K or above para masulit mo at hindi ka lugi sa transaction fees na kukunin sayo every trade. Yung style ni Bo Sanchez pang blue chip stocks iyon. Para sa akin mabagal ang blue chips, pang mayaman lang iyon na pa 5% to 10% lang ang range ng probable profit mo. Hanapin mo mga second liners at basura stocks, andun ang pera. Easy 15% to 50% profit KUNG alam mo na ang diskartihan. KUNG alam mo na ha. Kasi kung hindi, ganun din magiging losses mo kung sablay ang pasok mo.