Pages:
Author

Topic: [SHARE] Toybitz: The Bitcoin Explorer - page 2. (Read 475 times)

legendary
Activity: 2492
Merit: 1232
March 10, 2019, 01:17:04 AM
#2
snip-
Bitcoin ATM by UnionBank

Petsa ng pagbisita: 10 Mar 2019
Serbisyo: Buy/Sell Bitcoin
Lokasyon: The ARK, G/F, Insular Life Building, 6781 Ayala Avenue, Makati City (sa ATM area)
Komento: Sa pagpunta ko, medyo nadismaya ako kasi naka-off yung unit.
               Pero may mga marka ng daliri sa screen nito, kaya may nakagamit na.
               Sabi nung security ng area, sa lunes pa raw magiging fully operational (kahit naka post sa social media page nila na operational na ito).
               At ang medyo kinabahala ko yung sinabi ng security na tanging may mga account sa UnionBank ang makakagamit ng serbisyong iyon.
               Kaya pinaplano kong balikan ito upang makumpirma.
               100,000php ang minimum deposit upang makapag-open ng account sa kanila.
As what I have read in the article about to them March 8 in this year operational na yung ATM machine, yun pala ay hindi pa. Well, thanks for bringing up here a piece of information regarding the UnionBank ATM system.

At tsaka bakit may depossit na kailangan? Maybe let's wait for the official announcement from them and also please do update your thread if gathered information. Delay kasi kami dito sa probinsya wala pa nga kami ATM machine for crypto.

Nakabisikleta lang kasi ako kaya limitado lang sa loob ng Manila o kaya sa mga katabing probinsya lang ang kaya kong mapuntahan.
Kawawa ka naman tiyak matinding pawis aabutin mo niyan kuya. Well, waiting to have some update on your thread. Wink
copper member
Activity: 882
Merit: 110
March 10, 2019, 01:00:21 AM
#1
Update/Edit as of 30 Mar 2019
Nakumpleto ko rin yung adventure ko sa UB BTC ATM. Sa ngayon research pa ulit ako. Sana may makita ako na magagamit talaga sa araw araw.  Smiley
Nagdagdag na rin ako ng Google Map para sa Lokasyon.

Kamusta kabayan, para panimula;
Ako si zenrol28, mas kilala ako sa palayaw na Bitoy / Toybitz.
Oo, parang si Michael V.
Ako'y magbabahagi ng aking naging at magiging karanasan sa pag gamit ng bitcoin o altcoin dito sa ating bansa.
Partikular na sa mga sinasabing "actual use case", kung saan gagamitin ko ang crypto kapalit ng isang serbisyo.
Tulad ng ATM, transportation, fast food, grocery, dept store, drugstore at iba pa.
Yung tipong madalas gamitin araw-araw.
At heto na nga, ang mga napuntahan ko na:

Bitcoin ATM by UnionBank [How to Use Guide]

Petsa ng pagbisita: 10 Mar 2019, 18 Mar 2019, 25 Mar 2019 (Sa wakas nagamit ko na rin!  Cool)
Serbisyo: Buy/Sell Bitcoin
Lokasyon: The ARK, G/F, Insular Life Building, 6781 Ayala Avenue, Makati City (sa ATM area)

Komento: Eto na talaga, dahil nakumpleto ko na. Ang masasabi ko lang kung sa experience, syempre masaya saka nakakapagod (pabalik balik ba
               naman eh)  Cheesy. Pero sulit naman kasi mas madali syang gamitin kesa doon sa Sunnette Towers. Saka sigurado ka na may ilalabas na pera
               dahil hawak sya ng bangko. Yun nga lang kailangan pa na mag open ng account sa UB. Maganda gamitin pang receive ng remittance.
               (Ise-send mo lang yung QR code na ilalabas ng ATM dun sa magpapadala sayo ng bitcoin. Hindi mo na kailangan na mareceive sa bitcoin
               wallet mo, direkta na agad sa ATM para ma-cashout)


Bitcoin ATM by bitcoiniacs

Petsa ng pagbisita: 23 Feb 2019 (next visit: bandang 23 May 2019 para saktong 3 months iche-check kung gumagana pa)
Serbisyo: Buy Bitcoin / Litecoin (naka disable ang withdrawal service nung nagpunta ako)
Lokasyon: G/F, Sunette Tower, Durban St. Makati Ave, Makati City (sa gilid ng elevator)

Komento: Eto ang aking kaunaunahang pinuntahan kaya may halong pagkasabik habang nasa byahe.  Smiley
               Halatang may kalumaan na rin yung ATM sa itsura pa lang, wala ring technician na available kung sakaling magkaaberya.
               (Kung saan nakaranas ako na biglang nagclose yung UI, buti na lang windows yung OS kaya sinubukan kong i-restart at yun nga umayos na.)  Cheesy
               Ang minimum deposit ay 500php at mayroon itong fixed transaction fee na 50php.
               May halos kaunting kamahalan ang ratio ng ATM (mas mataas ng 2% kumpara sa coinsph nung oras na iyon).
               Pero hindi mo na kinakailangang magdownload pa ng app, magregister at mag submit ng identity upang makabili ng BTC / LTC.
               Wallet address lang at cellphone # (para sa isesend na code ng ATM) magagamit mo na serbisyo nila.


Sa ngayon eto muna.
Maghahanap pa ako ng iba pang establishments na tumatanggap ng crypto dito sa Metro Manila at ibabahagi ko rito.
Nakabisikleta lang kasi ako kaya limitado lang sa loob ng Manila o kaya sa mga katabing probinsya lang ang kaya kong mapuntahan.
Salamat sa iyong oras, nawa'y lumaganap ng lubusan ang paggamit ng Crypto sa ating bansa.

Previous Update/Edit

15 Mar 2019 - Sa wakas nakita ko nang operational yung Bitcoin ATM ng UnionBank. Na-confirm ko na rin na kailangan may account ka muna sa kanila. May nalaman akong 2 options para makagawa ng account nang walang initial deposit. Either GetGo Debit Card (500php) or EON Debit Card (350php). Bali nag-avail ako ng card, after 3 days pa bago pa magamit kaya balik na naman ako next week.  Cheesy

15 Mar 2019 - May nabasa akong article tungkol sa pag gamiit ng Bitcoin ATM ng UnionBank. Ang nakakalungkot sa article na yun ay nun nabasa ko na naman na kailangan may account ka sa bank na iyon. Pero, pwede naman pala mag apply ng account gamit ang GetGo Visa Debit Card nang walang initial deposit.
SOURCE: https://bitpinas.com/feature/unionbank-crypto-atm-how-it-works/

13 Mar 2019 - Nakatanggap ako ng reply mula sa fb page ng UnionBank na nagsasabing bukas lamang ang Crypto ATM kasabay ng oras ng pagbabangko lamang.
Kaya mag rereschedule pa ako nito at gagawin kong sa lunes dahil pang gabi na ako sa work next week, kaya mapupuntahan ko na ng weekdays.

12 Mar 2019 - Naglagay ako ng parang note kung kailan yung petsa ng susunod kong pagbisita para sa follow-up o kaya pag check kung gumagana pa.
Pages:
Jump to: