Pwede pala yung ganito, may kamag anak din ako na mahusay sa hand drawing at talented pero hindi pa exposed sa mga ganito. Ang tanging outlet lang niya para ishare mga artworks niya ay yung sa guhit pinas saka sa mismong FB account at myday niya. Wala naman kasing masyadong alam yun sa mga ganitong forum pero masasabi kong pwede ding ipang laban mga art works niya at yun ay kung pwede yung ganito.
Oo, lalaki yung pinsan ko na yun. Yang yung na talent na sana meron din ako hehe, hanga ako sa mga hand drawings nya at ibang mahuhusay din. Ang alam ko sumasali din siya sa mga FB contest lalo na related sa mobile games. I remember nanalo sya dati sa pa drawing contest ng COD. Di ko alam kung pwede pa yung ganito ngayon kasi ako kapag isasali ko yung gawa ng pinsan ko, tinatanong ko muna si Hhampuz kung allowed pa ba. Ask mo sya ngayon, pwede mo sya i-DM kung pwede mo i-entry gawa ng iba basta kilala mo.
Sige salamat kabayan. Mukhang okay din kasi ito kung manalo man, malaking part mapunta sa mismong gumawa at parang naging middleman lang naman tayo.
Naalala ko 2 times kong sinali yung entry ng pinsan ko dito dati. Di ko sure kung allowed pa rin ni manager Hhampuz yung ganun setup.
Walang namang sinabi na bawal yan kabayan, so okay lang yan. For sure, lahat ng kasali, karamihan diyan hindi nila siguro gawa yan, parang team effort lang siguro.. basta ba hindi nakaw ang ubra mo, okay lang yan, malay mo manalo yang entry mo.
May point ka kabayan basta hindi nakaw at may consent naman sa mismong may ari dahil malalaman at malalaman naman kung ninakaw at pinost lang kumpara sa may consent at nagpaalam.