Pages:
Author

Topic: Simpleng Paraan Para Makakalap ng Merit - page 2. (Read 361 times)

member
Activity: 406
Merit: 10
June 04, 2018, 08:42:59 AM
#8
Wow maraming salamat sa ginawa mong impormasyon sir/mam malaking tulong po ito saming mga baguhan na wala pang alam sa bitcointalk. Hindi po sana kayo magsawang mag share ng kaalaman sa mga kapwa nating pinoy na baguhan pa lang dito sa bitcointalk
 

Ikinalulugod ko ang makatulong lalong lalo na sa ating mga kababayan na kumakayod sa pagiging Bounty Hunter. Iilan lang sa atin ang nakakaalam ng trabaho na to kaya pag ingatan at pagsaluhan natin ito.
jr. member
Activity: 56
Merit: 4
June 04, 2018, 08:31:37 AM
#7
Maraming salamat sa impormasyon. Pero saan ba nagagamit ang Merit?
ang merit ay maaaring mong gamitin upang tumaas ang iyong rank. ito ang listahan https://bitcointalksearch.org/topic/merit-new-rank-requirements-2818350 . Dapat sobrang paghirapan ang pagkuha ng merit, hindi ito basta basta nakukuha.
sr. member
Activity: 788
Merit: 273
June 04, 2018, 07:06:17 AM
#6
Maraming salamat sa impormasyon. Pero saan ba nagagamit ang Merit?
Ang merit ay kailangan upang ikaw ay rumank up dito sa bitcoin forum mabibigayan ka lamang ng merit kung susundin mo ang mga nakalagay sa thread na ito, kaya naman mahalaga ang mataas na ranggo dito sa bitcoin para malaki ang iyong sasahodin kung sakalinh ikaw ay sasali sa bounty campaign.
newbie
Activity: 140
Merit: 0
June 04, 2018, 06:00:48 AM
#5
bakit may mga magagandang post pero di naman nabibigyan ng merit? madami akong nababasa patungkol sa merit kung saan ang kanilang mga kaibigan o ang iba nilang account dito sa forum ang kanila lang binibigyan... the rest ay deadma lang sila lalo na nayun mga hero member hanggang full member ilan lang siguro ang may magandang loob na magbibigay sayo...
jr. member
Activity: 110
Merit: 1
June 04, 2018, 05:36:33 AM
#4
Isa rin yan sa pinaka epektibong  paraan para makakakuha ka nang merit, dapat post mo informative post na makikinabang ang lahat sa group.
jr. member
Activity: 84
Merit: 1
June 04, 2018, 05:04:52 AM
#3
Maraming salamat sa impormasyon. Pero saan ba nagagamit ang Merit?
member
Activity: 406
Merit: 10
June 04, 2018, 03:56:27 AM
#2
Ito'y akin pang dudugtungan pag may makakalap pa akong mga impormasyon tungkol sa kung paano magkakaroon ng Merit.
member
Activity: 406
Merit: 10
June 03, 2018, 04:13:58 PM
#1
Nais ko lamang pong tumulong sa ating mga kababayan na nahihirapan sa pagkalap ng Merit dito sa porum na to. Bagamat ako'y isa ding baguhan, subalit ako'y nagkaroon ng konting karanasan para makakalap ng mga Merit. Ibabahagi ko po sa inyo ang mga karanasan at mga bagong tuklas sa pangangalap ng Merit.

Una, gumawa ng isang topic na makabuluhan at may katuturan tungkol sa mga pamamalakad dito sa porum o sa mga  Altcoins or sa mismong bitcoin. Mahalaga ang may maibahagi kang kaalaman sa porum na to at maipapangako ko na mayroong magbibigay sayo ng gantimpala mula sa mga sumusubaybay dito sa porum na to.

Pangalawa, tuklasin mo ang pasikot-sikot ng porum na to, ang bawat topic ay dapat mo ring bigyang pansin sapagkat, kung may mga katanungan ang ating mga kasamahan sa porum na ito at ito'y nabigyan mo ng kasagutan, maipapangako kong ulit na mabibigyan ka ng gantimpala mula sa mga sumusubaybay sa porum na to

Pangatlo, maraming serbisyo ang pwede mong ipamahagi o ipamigay, katulad ng, libreng pag reaudit ng mga kasalukuyang sumusunod sayo sa sa iyong twitter, at maraming pang serbisyo ang maaring mong itugon dito sa porum at uulitin ko, may nagbabantay sa lahat ng ating mga ginagawa at ginagantimpalaan ito ng nararapat.


Naway ako'y nakatulong ng konti sa inyo mga aking kababayaan. Ito po ay dadagdagan ko pa pag may natuklasan pa akong ibang paraan para makakalap ng Merit sa porum na to. Maraming Salamat. Mabuhay tayong lahat mga Pilipino.

Isang pasasalamat lang sa inyo ay masaya na ako o pwede rin sa pamamagitan ng pagbahagi niyo ng iilang merit na meron kayo. Salamat ulit.
Pages:
Jump to: