Magandang araw sa lahat,
Gusto kong ibahagi itong aking simpleng tips para sa mga baguhan, kung papaano maiiwasan o maakusahan na isang plagiarist.
Una sa lahat, alam naman natin na ang plagiarism o ang pag ka copy paste ng isang post na walang source code na naka attached sa ating post ay matatawag na plagiarism?
Ito ay labag sa rules ng bitcointalk at maari kang ma ban kung mapatunayan na ikaw ay gumawa ng ganitong aktibidad.
33. Posting plagiarized content is not allowed.[e]
Alam ko, halos ng lahat ng andito sa forum na bago ay karamihan sakanila galing sa ban account at gumawa ng bagong account para maitama ang una nilang pag kakamali at yun yung plagiarism.
(sa isang group sa social media)
Kadalasan sila yung taong hindi nag babasa ng mga rules and regulations ng forum at dali dali nalang nag popost at kung anu anu ang ginagawa. Kaya ang kinakalabasan ay maling paggawa o rule breaker.
Lingid sa kaalaman ng iba ito ay labag din sa rules ng forum.
25. Ban evasion (using or creating accounts while one of your accounts is banned) is not allowed.[e]
Pwede naman natin itong maiwasan, pero depende nalang kung talagang wala kang pakialam kung anu mang mangyari sa account mo at ito ay talagang kagustuhan mo.(its your problem and its your choice) "wala rin kaming pakealam"!
Hindi naman natin kailangang maging magaling o maging dyos para hindi mag kamali sa una pero, kaya nating hindi mag kamali kung susundin lang natin at babasahin natin lahat ang mga mahahagang bagay na labag sa forum na ito.
Ok, lets moved on. Balik tayo sa plagiarism.
Bago kayo mag post, comments, tutorials, at sumagot ng mga tanong pwede nyong i check muna ang sentence nyo sa engine na ginamit ko marami rin ang may alam nito, at ito rin ang ginagamit ng ibang reporter sa group.
I check nyo kung may kapareha ang sentence nyo bago nyo i post baka hindi nyo naman kagustuhan o hindi nyo alam ay mayroon pala itong kapareha. At yun yung magiging dahilan ng pag ka ban mo kung ikaw ay mareport ng mga ibang myembro.
https://searchenginereports.net/plagiarism-checker/Kaya doble ingat tayo mga kababayan kong pilipino. Wag tayong papalamang sa mga ibang lahi kung kaya nila. Mas makakaya natin.
Napakagandang topic nito kabayan dahil marami sa ating mga Pilipino ang wala ng pakialam sa plagiarism. Basta basta nalang sila nakuha ng mga topic na walang pasintabi sa author. Kung tutuusin madali lang naman maiwasan ang plagiarism, basta wag ka lang magcocopy paste ng mga post ng iba, palagi ka lang magisip ng sarili mong idea para maiwasan ang plagiarism.