Medyo matagal na ang paghihintay ng ilan nating mga kababayan, nasa isang taon at ilang buwan na. Sana nga ay matutuloy na yang iniisip ng iba na posible ang bullrun maganap na naman. Kasi sa experience ko sa bull run last 2017, ay talagang maganda ang idinudulot nito sa aking buhay. Nakapag patayo na ako ng sariling bahay para sa pamilya ko gamit ang pera na kinikita ko noon.
Grabe ung achievement mo bro kung nakapagpatayo ka ng sarili mong bahay galing sa pag ccrypto mo, sabagay hindi lang naman ikaw yung nakaranas nyan madami talaga tayong mga kababayan na gumanda ung buhay after maka experienced ng bull run, meron nakapagtayo ng negosyo ung iba nakabili ng sasakyan. Problema lang meron ding iba na galing sa maling paraan, gaya ng Ponzi at hyip at ung mga ginamit sa sugal ung mga perang nainvest sa kanila.
Madami ako kilala dito sa forum na umunlad ang buhay nung nag bull run nung half and last quarter ng 2017, Bitcoin users were blessed that time lalo na at pati altcoins noon ay sumasabay sa price ng bitcoin kaya if may hold ka that time surely na mag poprofit ka sa mga yun.
Problema lang meron ding iba na galing sa maling paraan, gaya ng Ponzi at hyip
Sino ang tinutukoy mo jan bro? yung invesotor or yung owner ng ponzi site?
For me di naman masama mag invest sa ponzi, It just has a great risk na posibleng hindi matupad ng owner ang terms at tumakbo. Madami din nag profit sa mga ponzi scheme dati eh, If babagal bagal ka talaga maiiwan ka at ma sscam. I'm not tolerating or encouraging to invest to a ponzi scheme ha? Just sharing my opinion.