Nung nakaraang bullrun ang pinakamalungkot kong karanasan, yung iba nagsasaya ako eh hinayang na hinayang, paano ba naman, yung ethereum na namina ko ng ilang buwan eh naibenta ko lang ng mura sa pagaakala kong ito na yung mataas na price $30 that was March 2017, Dati kasi early 2016 nagrarange lang ang eth ng $5-7 kaya nasanay ako na dyan lang ako nagbebenta ng namina ko. di ko inasahan na may bullrun na umabot ng 1500usd ang ethereum, naibenta ko lang ng $30 usd ang isa. Nakaipon ako ng mahigit 300ETH naipon ko sa kulang isang taon na mining, Labas na yung bill ko sa kuryente at panggastos so net na yang naipon kong yan. After ko masell lessthan 2 months lang nagtake off na ang price. March 2017 pa lang after ko magsell pumalo na ng 40$ tapos dirediretso na! May pa lang angdurugo an puso ko eh hehehe mid month ng May 140$ na naging 200 hanggang ayun lumipad na ng tuluyan, lumipad din yung pangarap ko hehehe! Kung nakahintay sana ako hanggang December 2017 pumalo na ng $700 plus, 300eth X 700$ na lang = $210,000 na sana yun. Ganito ang buhay ng crypto kahit kumita ka, may malaking panghihinayang pa rin.
Isa sa mga natutunan ko sa crypto ay, pag kelangan mo at tingin mo tama na ibenta, ibenta mo.
Kung tumaas pa man or bumaba, tanggapin mo na lang. Wag ka manghinayang.
Sa ating mga nangdito na ng 2017 at nakaranas ng 90-95% drop ng crypto portfolio nila. Acceptance lang talaga.
Ang isa pa sa pinaka mahirap gawin ay yung bumili ka ng pababa ng pababa - or buy the f@ckin' dip.
Isa sa strategy na nag paid off sa akin is consolidation ng portfolio ng 2018-2019.
Sold all my $hitcoins and focused on 2 ICO projects that has the most potential in 3-4 years time na nag down ng 95%. As in lahat ng pwede ibenta, ibenta then buy the dip.
Di ko na i-shill ang mga projects na ito.
So far nag payoff naman at kung di ko ginawa yun, malamang red pa rin ako. Pero long way pa sa ATH ng portfolio ko.
Forecast: Baka Jan 2020 ma-break na ang 20K ATH ni BTC, End ng 2021 ang massive bull ulit.
Kung maka-accumulate pa, mag accumulate.
Nung 2017 talaga, "magical internet money" ang crypto as in pwede ka kumita ng 7 figures sa airdrop, bounties ng WALANG fiat convertion.
Ngayon parang mas ok na mag convert na ng fiat kasi sobrang dami currency ang ginawa ng lahat ng central banks across the globe. Convert some to crypto para di ma-devaluate ang pera mo. Pero yung kaya mo lang sikmurain na bumagsak ng 95% at i-HODL.