noong nag cash out ako ng millions sa coins.ph (early 2018), tinawagan ako ng BPI sa local branch namin kasi "substantial" amount daw ang pumapasok, iupdate ko daw ang customer information ko doon sa bangko....tapos tanong tanong sila tungkol sa crypto at kung saan galing yung pera...kinuwento ko naman na early adopter ako....kung iisipin nga dapat coins.ph ang tanungin nila kasi sila ang nagpasok ng pera sa BPI, hindi ako..
in the end.."crypto currency trader" na ang customer information ko sa BPI
masmaganda sana na hindi nagtatago ang mga tao para maging ordinary na lang ito, hindi yung very rare at madaling idiscriminate ng mga taong may diperensya ang ulo...
tanda ninyo yung panahon na madalas nabubully at naapi kung bakla ang tao? tapos ngayon ordinaryo na sila sa....
dapat maging "openly crypto" tayo..
Brad, total ikaw lang naman dito ang may talagang actual na karanasan sa pag-cash out ng millions galing sa coins.ph papunta sa iyong BPI account, itatanong ko lang sana kung paano yung proof. Malamang sa malamang hindi lang kaagad na tatango ang BPI kapag sinabi mong crypto trader ka at early adopter ng Bitcoin o crypto. Ano ano yung mga hiningi nilang proofs na talagang nanggaling sa legit at malinis na paraan ang iyong pera?
thru interview tinatanong nila kung ilan ang pinasok ko in the first place...sabi ko nag mina ako at bumili ako ng alts, pagtumaas yung alts convert to BTC tapos hanap nanaman ng alts na iinvestan.... sinabi ko na medyo mahabang panahon din kasi 2013 pa ako..tinanong din ako kung ano anong exchanges galing yung BTC(pera).....overall parang yung interview din ng coins.ph halos similar talaga ang nature ng pagtatanong...
sa tingin ko nakatulong din yung factor na may knowledge yung bank manager sa crypto kasi nasabi niya sa akin na yung kapatid nya nagmimina din at may kilala siyang relative ko.
regarding sa proof...
noong una tinawagan ako sa cellphone ko at natanong ako kung may "paper trail" ako ng pera, sabi ko meron...hindi naman nila hiningi at alam naman namin na hindi ko naman kailangan ibigay sa kanila..kung under anti money laundering investigation na ako syempre kailangan ipakita at syempre uunahin muna nila yung records kay coins.ph kasi sila ang nagdeposit ng fiat sa account ko.
sinabi ko rin na may records sila ng transaction sa accounts ko, makikita na ang mga binayadan ko puro tindahan ng computer(ATM account yun)....nilipat ko naman sa passbook account yung mga millions para mas safe, at iyon din ang pinangbili ko ng lupa...sa pagpa issue ng managers check, humingi lang ng deed of sale yung bank, for record purposes, namention din ang "money laundering" kaya nila kailangan yung deed of sale..