Oops, tabla na pala ang series, 2-2... ang ganda ng laban! Akala ko tapos na ang Ginebra pero simula nung bumalik si De Vance, parang nabuhayan sila ulit. Pero kung tutuusin, lamang pa rin ang TNT kasi tatlo ang injured sa Ginebra - sina Go, Malonzo, at Gray. Kung hindi pa mananalo ang TNT ngayon, paano pa kaya kung kompleto ang lineup ng Ginebra?
Wednesday pa ang Game 1, kaya mahaba-haba ang pahinga ng mga teams. Pagbalik, siguradong fresh na naman sila, kaya posibleng low scoring na naman ang laro. Buti na lang sa Game 4, bumagal ang scoring sa 4th quarter, 36 points lang yata in total. Panalo ako sa under ko sa live, hehe.
Naging exciting uli yong series, akala ko noong una ay ma-sweep na ng TNT ang Ginebra kasi nga daming injured sa kanila, tatlo. Mabuti nalang at nakapag-adjust si coach Tim Cone pero gaya ng sabi mo kabayan, lamang pa rin ata rito yong TNT at baka babawi sila sa game 5 sa Wednesday. Kung hindi aabot sa 15k yong manood ng live ay baka matalo na naman Ginebra kasi kulang sa crowd support hehe. Buti nalang at nanood sina Daniel Padilla at Zanjo Marudo, ginanahan tuloy ang Ginebra maglaro haha.