Nako, ang dami palang nagreply dun sa comment ko. Akala ko ako lang talaga walang pambakasyon. Yung mama ko lang at ibang relatives yung nakapagbakasyon kasi yung ibang gastos may nanglibre naman. Eh ako wala talaga so pass na lang.
Sigh, mukhang tiis lang sa init kasi walang pera ang merchant.
Hindi nga ako makasama sa outing kasi walang panggastos. Eh ang malapit lang naman na pasyalan sa amin eh yung ecopark at yung mga resort sa Rizal. Baka sakali kung maka-ipon baka makapasyal pa bago matapos ang summer.
Uy malapit lang ako sa ecopark pero never pa ako nakapunta dyan haha ewan ko ba bakit di matuloy tuloy.
Pero ako naman kahit wala akong pera ngayon eh punta kami sa Sariaya sa mayo uno sakto kasi walang pasok.
Kaya yung mga kakilala ko manlilibre hehe.
Parang 40 something yung entrance, nakalimutan ko na kung magkano yung sa pool, kasi ibang bayad pa yun. Pero may discount naman kapag QC resident. Maganda pumunta ng early summer kasi mabango yung buong park dahil dun sa mahogany.
Ewan ko lang ngayon, kasi years na rin simula nung huli akong nakapunta. Nadevelop na rin kasi yung area dun sa labas, di nawawalan ng mga groups dun sa Pearl Drive na nagaabang ng sasakyan pauwi after ng trip.
Try mo na lang at least once.
Good luck sa vacation sa Quezon province.