Nag check ako sa Shopee marami dito pero sobrang mahal at karamihan ay gawang labas tulad ng China at Thailand.
Ang target market nya ay Divisoria, Baclaran at Taytay nag check ako at wala pa yung ganito sa mga pangunahing palengke natin at plano nya rin sa Shopee at Lazada pero mas mumurahan daw nya kasi kaya naman sa costing.
Puputok kaya ito kasi ang market naman nya ay mga pang karaniwang tao gagawa rin sya ng website at itatak ito sa likod ng T-shirt, nasa planning stage pa lang naman kung iinclude nya ang Bitcoin design series.
Di rin mamoblema sa design kasi free trademark naman ang Bitcoin walang maghahabol.
Ano sa palagay nyo?
Sa tingin ko dapat magdagdag ng focus ang iyong kaibigan sa mga desgins ng damit na ilalagay nya. Hindi ganun ka-indemand ang Bitcoin T-shirt unless may contact siya sa mga event organizer na pwedeng bumili sa kanya ng maramihan. So ang masasabi ko lang ay wag magfocus sa isang design ang kaibigan mo, dapat layuan niya ang aknyang pananaw at isama ang mga ibang sektor para sa karagdagang audience.