Sa tingin nyo kung may isang kumpanya na mag popromote ng Bitcoin sa kanilang mga billboard ay tataas ang curiosity ng mga tao sa Bitcoin, yung mga logo at sign ng Bitcoin ay nakikita lang natin sa mga Payment store tulad ng Tambunting para sa Abra at online lang tulad ng Youtube.
Kung susumahin generally, tumaas ang awareness ng mga tao dito sa Pinas about Bitcoin ng walang masyadong billboards kaya I think it's not that having an impact. Sa lawak ng social media nowadays, ang pinaka effective na promotions ay thru social media talaga. Puwede naman iconsider ng ibang companies pero kasi maraming services ang inooffer ng isang crypto-company at di nahihighlight iyong Bitcoin mismo.
Pricey din ang Billboard especially sa mga hot spot gaya ng C5, EDSA, Expressways. Depende rin sa laki.
Billboard Advertising Costs in the Philippines in 2023Basta mag-bull run lang, sapat ng key to awareness iyon. Remember iyong road from $900 to $20,000 nung 2017? Napansin ko that time na ang daming naging aware kay Bitcoin dito sa paligid ko and if nung una wala sila paki, nung nag bull run, panay na tanong sa akin kung ano ba talaga ang Bitcoin in general.
Sa paglawak ng digital marketing, medjo hindi na talaga effective way of advertising yung billboards, mostly for awareness na lang sya. Unlike before kasi na para lang mapalaganap ang isang product ay kaylangan maflash sa TV o Billboard para ma-promote sa mga tao yung iyong product or service.
Pero still, yung pricelist sa sinend mo reference link ay hindi naman ganun kataas kung iisipin lalo na sa mga malalaking companies. Kung iisipin, affordable pa ito para sa mga tao na gusto talagang magpabillboard pero mostly kasi may mga requirements din para maupahan ang isang billboard location.
When it comes sa bull run naman, thru digital or online parin ito na kumalat at pati narin yung mga balita sa biglaang pagtaas ng presyo ng bitcoin nung time na 2017. Maraming news agency rin yung nagbalita nung unang beses na umabot yung bitcoin sa 1m pesos price nito kaya dumami bigla yung interesado sa bitcoin at cryptocurrency.