Nangyaring andun ako sa telegram group ng Latoken upang magpatulong sa akong deposit meron nag message sakin na di umano admin pagkatingin ko pareho naman sila ng username ng admin kaya di ako nagduda. Tinulongan nya ako, pinakausap niya sa akin yung technical support di umano ayun maayos naman ang daloy ng usapan hanggang sa hiningan ako ng 0.075 btc para di umano mapadali ang transaction ng aking deposito. Buti na lang di ko na pinansin pinabayaan ko na lang at isang araw ang lumipas dumating na yung token sa wallet ko.
Mag ingat tayo mga kapamilya sa modus ng mga scammer na ito.
talagang nakakabahala na ang scammer na yan sa telegram dahil marami na ang nabibiktima nito paano ba natin ito maiiwasan ? siguro dapat lang na wag tayo basta basta maniniwala sa mga lumalabas sa ating telegram account dahil dito nanggagaling ang karamihan sa mga scam dapata laging mapanuri ang bawat isa sa atin ng sa ganon maging ligtas tayo at maka iwas sa mga scammer
oo nakakabahala kung wala ka talagang alam kaya bago kayo magsisali sa mga iyan dapat may sapat kayong pagsasaliksik sa mga ito para hindi masayang ang mga pinaghirapan nyo at mauwi sa wala. pwede naman rin kayong magtanong dito kung yung sasalihan nyo ay legit o scam lang. maraming matatagal na dito na bihasa sa pagtukoy sa mga legit at hindi