Author

Topic: The Lightning Network FAQ (Read 202 times)

hero member
Activity: 2492
Merit: 542
January 16, 2021, 09:14:29 AM
#8
Thanks OP sa pag translate nabasa ko na rin to ng maraming beses sa original thread pero sadyang mahirap ma absorb medyo malalim talaga itong LN at mahirap intindihin siguro yung iba diyan magtitiis nalang sa makupad na bitcoin network at mataas ang fees kesa gumamit nito mukhang matrabaho pero maganda tlaga to kapag full mainnet na pero but since beta palang ito maraming nag-aalinlangan for possible hacking, ano naba ang update sa LN meron bang bago ngayong taon? Secured na kayang gamitin ito?
full member
Activity: 2520
Merit: 214
Eloncoin.org - Mars, here we come!
January 16, 2021, 01:23:10 AM
#7
Sa wakas , for Long naghahanap ako ng thread na Malinaw at detalyadong magpapaliwanag tungkol sa LN(Lightning Network)
Indeed, ako din, although matagal ko ng nakita yung thread ni LoyceV ukol dito eh mas ok pa rin sakin kung may paliwanag sa Tagalog, medyo may ilang keypoints kasi akonv hindi magets dito sa LN.
Tama idol iba pa din pag ang salin ay sa lenguahe natin at mas detalyado.

Pero magaling ang pagkaka bigay ng scenario ni idol bttzed dito.

~
According dito naghahanap ng Pinakamura at Madaling ruta , kahulugan ba Non boss eh mamimili sya either of the 2? or priority nya ang Murang ruta ? kasi parang mahirap makahanap ng pinaka Maikling ruta at kasabay din ng Pinaka mura.
Magandang tanong. Gawan natin to ng illustration: Magbabayad si Juan kay Pedro

Scenario A
Route 1: Apat na payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipiliin ang route 2 kasi mas mabilis at pareho lang naman ang fee.

Scenario B
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 2 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipillin ang route 2 kasi mas mura at parehas ang bilis.

Scenario C:
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Dalawang payment channel (tx fee - 2 satoshi)
^ Sa pagkakataong ito, tingin ko pipiliin pa ang route 1.

Ang LN ay parang kabaligtaran ng on-chain transaction.
- On-chain: Tayo (users) ang mag-set ng tx fee at pipili ang mga miners kung sino ang uunahin nila at madalas ay yung mga matataas ang binayad.
- LN (off-chain): Node operators ang mag set ng fee tapos users ang pipili kung saan ang mas mura.

and ayon sa pagkakaunawa ko (please correct me if i'm wrong Bossing) mas applicable ang LN sa mga maliliit na transactions ?
Intended talaga ang lightning network para sa mga micro payments. Pagkakaalam ko hanggang 0.16 BTC lang ang maximum na laman ng isang channel. Kung magpapadala ng malalaking halaga ay sa on-chain na lang o kaya naman ay hati-hatiin sa malilit na halaga yung ibabayad kung gusto pa din gamitin ang LN.

Mukhang mas madaling malilinawan ng mga makikilahok sa usapan ang kagandahan ng LN.

edit : sa Sobrang haba wala pakos a Kalahati hehehe, pero Bukas Sunday Tapos sakin to hehehe
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
January 15, 2021, 05:35:12 PM
#6
Meron din test app ang Eclair, kung gusto nyo muna paglaruan ang Lightning Network. Ginamit ko na to dati pa parang mag test, heto ang original na thread ni @RapTarX [Tutorial] How to create Lightning Network Channel (Testnet BTC). Naisalin na rin ito sa ating lokal ni @Spontebob - [Tutorial] Paano gumawa ng Lightning Network Channel (Testnet BTC).

At sa mga hindi pa nakaka alam, suportado na rin ng Electrum and Lightning Network:

legendary
Activity: 2114
Merit: 1150
https://bitcoincleanup.com/
January 15, 2021, 04:15:36 AM
#5
~
According dito naghahanap ng Pinakamura at Madaling ruta , kahulugan ba Non boss eh mamimili sya either of the 2? or priority nya ang Murang ruta ? kasi parang mahirap makahanap ng pinaka Maikling ruta at kasabay din ng Pinaka mura.
Magandang tanong. Gawan natin to ng illustration: Magbabayad si Juan kay Pedro

Scenario A
Route 1: Apat na payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipiliin ang route 2 kasi mas mabilis at pareho lang naman ang fee.

Scenario B
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 2 satoshi)
Route 2: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
^ Pipillin ang route 2 kasi mas mura at parehas ang bilis.

Scenario C:
Route 1: Tatlong payment channel (tx fee - 1 satoshi)
Route 2: Dalawang payment channel (tx fee - 2 satoshi)
^ Sa pagkakataong ito, tingin ko pipiliin pa ang route 1.

Ang LN ay parang kabaligtaran ng on-chain transaction.
- On-chain: Tayo (users) ang mag-set ng tx fee at pipili ang mga miners kung sino ang uunahin nila at madalas ay yung mga matataas ang binayad.
- LN (off-chain): Node operators ang mag set ng fee tapos users ang pipili kung saan ang mas mura.

and ayon sa pagkakaunawa ko (please correct me if i'm wrong Bossing) mas applicable ang LN sa mga maliliit na transactions ?
Intended talaga ang lightning network para sa mga micro payments. Pagkakaalam ko hanggang 0.16 BTC lang ang maximum na laman ng isang channel. Kung magpapadala ng malalaking halaga ay sa on-chain na lang o kaya naman ay hati-hatiin sa malilit na halaga yung ibabayad kung gusto pa din gamitin ang LN.
legendary
Activity: 1428
Merit: 1166
🤩Finally Married🤩
January 15, 2021, 02:33:07 AM
#4
Sa wakas , for Long naghahanap ako ng thread na Malinaw at detalyadong magpapaliwanag tungkol sa LN(Lightning Network)
Indeed, ako din, although matagal ko ng nakita yung thread ni LoyceV ukol dito eh mas ok pa rin sakin kung may paliwanag sa Tagalog, medyo may ilang keypoints kasi akonv hindi magets dito sa LN.
hero member
Activity: 2744
Merit: 541
Campaign Management?"Hhampuz" is the Man
January 15, 2021, 01:03:39 AM
#3
.

Gaano ba kabilis at maaasahan ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network?

Depende sa ruta, ang mga pagbabayad sa Lightning Network ay maaaring instant. Ang bawat wallet ay naghahanap ng pinakamura at pinakamaikling ruta kapag sinubukan mong magpadala ng isang transaksyon. Maaari mong buksan ang isang channel nang direkta sa isang tao na madalas mong kapalitan o umasa sa iba pang mga channel na pwedeng iruta ng iyong bayad para sa isang maliit na fee. (karaniwang nasa ilalim ng 1 satoshi). Nabibigo ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network paminsan-minsan dahil sa walang ruta sa patutunguhang node o masyadong mataas na halaga ng pagbabayad (walang sapat na liquidity). Ang problema na ito ay nabawasan sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga transaksyon sa maraming mas maliit na mga pagbabayad na na-redirect sa pamamagitan ng iba't ibang mga channel.
According dito naghahanap ng Pinakamura at Madaling ruta , kahulugan ba Non boss eh mamimili sya either of the 2? or priority nya ang Murang ruta ? kasi parang mahirap makahanap ng pinaka Maikling ruta at kasabay din ng Pinaka mura. and ayon sa pagkakaunawa ko (please correct me if i'm wrong Bossing) mas applicable ang LN sa mga maliliit na transactions ?

Nga pala salamat dito Boss, sana Sumilip din ang mga Lightning Network experts dito para sa karagdagang Paliwanagan dahil panahon na para matutunan nating gamitin to lalo na sa mga panahong katulad nito kung saan grabe ang taas ng fees .
full member
Activity: 2520
Merit: 214
Eloncoin.org - Mars, here we come!
January 14, 2021, 03:55:30 AM
#2
Kung wala kang alam tungkol sa Lightning Network, mabuting basahin ang Basics of The Lightning Network"muna.

Talaan ng nilalaman

      1. Pangkalahatang Impormasyon
      2. Pagpapatakbo ng isang node
      3. Alalahanin

Sa wakas , for Long naghahanap ako ng thread na Malinaw at detalyadong magpapaliwanag tungkol sa LN(Lightning Network) andami ko ng nakikitang thread sa ibang section pero medyo nahihirapan akong intindihin siguro dahil medyo malalim ang Laman ng topic tungkol sa LN , but now Salamat ng marami tungkol dito @Baofeng  Minsan lang kita makitang gumawa ng Thread ditos a Local pero sadyang Malaman at kapaki pakinabang.

Quote
Upang makatanggap ng mga pagbabayad sa Lightning, ang ilang mga kundisyon ay dapat matugunan:
Kailangan na online ang wallet upang makatanggap ng mga pondong galing off-chain.

Tandaan na hindi lahat ng mobile wallet ay sumusuporta sa pagtanggap ng mga coin dahil sa ika-apat na punto. May mga pangliliban tulad ng Bitcoin Lightning Wallet (Android), Eclair Mobile (Android).
Medyo mahaba i quote But naka BOokmark na sakin , and Uulit ulitin kong basahina t unawain.

Quote
Sentralisado ba ang Lightning Network? Mas sentralisado ba ito kaysa sa Bitcoin? Ginagawa nitong mas sentralisado ang Bitcoin?
Original na thread ni @Rath_: https://bitcointalksearch.org/topic/the-lightning-network-faq-5158920
Salamat Ulit Kabayan and sa original Author @Rath_ Thank you so much for this great Thread .. Really Appreciated Every Single Details.
legendary
Activity: 2576
Merit: 1655
January 14, 2021, 03:40:51 AM
#1
Kung wala kang alam tungkol sa Lightning Network, mabuting basahin ang Basics of The Lightning Network"muna.

Talaan ng nilalaman

      1. Pangkalahatang Impormasyon
      2. Pagpapatakbo ng isang node
      3. Alalahanin

Pangkalahatang Impormasyon

Paano naiiba ang mga bitcoin sa Lightning Network mula sa mga on-chain bitcoins?

Ang mga ito ay eksakto at parehong coins. Walang Lightning Network Tokens. Ang pagkakaiba lamang ay ang mga bitcoin ay nakatago sa mga multi-signature address at ang mga transaksyon ay naayos sa pagitan ng dalawang partido nang walang pag-broadcast sa blockchain (maliban sa pagbubukas at pagsara ng channel).


Kailan magsisimulang tanggapin ng mga mangangalakal ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network?

Parami nang parami ng mga mangangalakal ang nagsisimulang tumanggap ng mga bayad gamit ang Lightning Network. Ang pinakatanyag na gateaway - Ang BitPay ay hindi tumatanggap ng mga pagbabayad gamit ang Lightning Networki at malamang na hindi gamitin ito sa madaling panahon. Dito mahahanap sa listahang ito ang mga mangangalakal na tumatanggap ng mga pagbabayad sa LN.


Gaano karaming beses ang maaasahan natin na makakagamit ng isang channel sa pagbabayad?

Ang bawat channel ay may isang minimum na halaga ng mga coins na kung saan ay upang manatili unspent. Ang Channels ay pwedeng gamitin hangga't ang parehong partido ay nakikipagtulungan sa bawat isa. Ang Channels at walang anumang limitasyon.


Gaano ba kabilis at maaasahan ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network?

Depende sa ruta, ang mga pagbabayad sa Lightning Network ay maaaring instant. Ang bawat wallet ay naghahanap ng pinakamura at pinakamaikling ruta kapag sinubukan mong magpadala ng isang transaksyon. Maaari mong buksan ang isang channel nang direkta sa isang tao na madalas mong kapalitan o umasa sa iba pang mga channel na pwedeng iruta ng iyong bayad para sa isang maliit na fee. (karaniwang nasa ilalim ng 1 satoshi). Nabibigo ang mga pagbabayad gamit ang Lightning Network paminsan-minsan dahil sa walang ruta sa patutunguhang node o masyadong mataas na halaga ng pagbabayad (walang sapat na liquidity). Ang problema na ito ay nabawasan sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga transaksyon sa maraming mas maliit na mga pagbabayad na na-redirect sa pamamagitan ng iba't ibang mga channel.


Ano ang mga paparating na features?

Mga channel na pinopondohan ng dalawahan - ang parehong mga partido ay magagawang pondohan ang isang channel.

Splicing-In & Out - Magiging posible na magdagdag at mag-alis ng mga pondo mula sa mga umiiral na mga channel ng Lightning Network nang hindi kinakailangang isara ang mga ito.

Channel factories- ang mga umiiral na mga channel ng Lightning Network ay maaaring magamit para sa paggawa ng mga bagong channel nang hindi nag-broadcast ng anuman sa Bitcoin Network. Karaniwan, ang isang channel ay bukas para sa isang tao lamang. Sa channel factories, marami mga taong bumubuo ng isang grupo. Ang mga miyembro ng grupong ito ay nagpapanatili ng mga channel sa pagitan nila. Mas maraming tao na interesadong gumagamit = mas malaki ang matitipid. Kung ang isa sa mga kasali ay hindi nakikipagtulungan, ang mga umiiral na channel ay hindi maaapektuhan bagaman ang mga bagong channel ay hindi maaaring likhain.


Saan ko mahahanap o makikita ang pinakabagong balita tungkol sa Lightning Network?

Telegram channel, Bitcoin Lightning, Cointelegraph, 1ml.com (Lightning Network Explorer), Lightning Labs blog.


Aling wallet ang pinakamahusay?

Maraming pagpapatupad ng Lightning Network at ang karamihan sa mga wallet ay may mga pagkakatulad. Ang Eclair Mobile ay ang pinakatanyag na wallet para sa Android ngunit magagamit din ito on Windows. Ang pinakatanyag na pagpapatupad ay:c-lightning, LND and eclair.


Pagpapatakbo ng isang node


Gaano kalaking pera ang kikitain sa pagpapatakbo ng isang node ng Lightning Network?

Upang masimulan ang paggawa ng pera sa pagpapatakbo ng isang node, kailangan mong buksan ang ilang mga channels at hikayatin ang iba na magbukas ng channel pabalik. Laging tandaan na ang built-in na autopilot ay hindi magagarantiyahan sa iyo ng pinakamahusay na mga koneksyon. Huwag asahan na kumita ng maraming pera. Ang lahat ay nakasalalay sa bilang ng mga koneksyon at iyong patakaran sa bayad. Mas kaunti ang singilin mo, mas mataas ang iyong mga pagkakataong mag-ruta ng isang pagbabayad. Huwag itakda ang masyadong mababang bayarin. Kailangan mong ring makatipid ng pera para sa pagbabalanse muli ng channel. User Xian01 opened almost 200 channels and earned barely 15 satoshis after 2 weeks (Reference). Narito ang mas detalyado at bagong mga  datos:

Ang datos mula sa aking post na nabanggit ni Rizzrack ay hindi talaga nauugnay; Dapat kong baguhin ang sagot na iyon. Kunin ang ang artikulong ito mula sa 2018 bilang isang halimbawa para sa taong iyon.

Sa kasalukuyang mayroong  25 node na pag-aari ng LNbig.com. Nagbibigay ang mga ito ng 52,19% (497,2647581 BTC mula sa 952,86 BTC) ng liquidity ng buong network. Wala akong makitang anumang bagong datos sa kanila tungkol sa kita, ngunit ang kanilang Twitter account shares ang dami ng mga transaksyon at dumaan na BTC sa kanilang mga node sa huling 24 na oras mula sa paminsan-minsan. Malinaw mong nakikita ang paggulong ng mga transaksyon sa nakaraang ilang buwan. Simula sa 100-800 na mga transaksyon sa Marso at pagpunta sa higit sa 4000 sa Mayo. Napakalaking pagbabago iyan.

Sinubukan kong kalkulahin ang mga posibleng kita gamit ang formula (basefee + (amount * feerate / 1000000) and the data from this tweet, ngunit ang aking nakuhang resulta ay masyadong malayo.

Ang 24th January ay lalo kung hinangaan. Ang 186 na nirutang mga transaksyon na nagkakahalaga ng 0.60161437 BTC na binayaran sa kabuuang 172378 sat (0.00172378 BTC) sa fees. Ito ay halos $16 ngayon.

Alex Bosworth shared na ang kanyang node ay naniningil ng 0.25% bawat transaksyon at na-redirect ng halos $ 10,000 / buwan na isinasalin sa mga kita na humigit-kumulang na $ 25 / buwan. Hindi niya sinabi kung aling node ang tinutukoy niya, ngunit dahil siya ang CEO ng yalls.org, maaari nating ipalagay na ito. Ito ay talagang nakamamangha dahil sa makabuluhang mas maliit na kapital.

Sa totoo lang, hindi ka makakakuha ng malaki kung ang iyong node ay hindi nagbibigay ng sapat na liquidity. Gayunpaman, mariin ding banggitin na ang mga pagbabayad ng multipart ay magagamit na sa ngayon sa lahat ng implementasyon. Kapag mas maraming mga wallet ang nagsisimulang suportahan ang mga ito, ang mga kita ng maayos na pagkakakonekta, maliit na mga node ay maaaring tumaas.

Palala: Tandaan na 952,86 BTC ang halaga ng mga pondong naka-lock sa mga pampublikong channel. Ang mga pribadong channel ay ... pribado kaya hindi namin alam kung ilan sa mga ito ang eksaktong mayroong at kung ano ang kanilang balanse (bagaman maaaring hindi iyon ang kaso [5.4.2]). Ang mga channesl ay hindi nag-ruta ng anumang mga pagbabayad.


Paano mababayaran ang mga may-ari ng channel para sa mga pagruruta ng bayad?

Ang mga bayarin na nakuha mula sa mga naka-ruta na pagbabayad ay idinagdag sa balanse ng channel. Ang kabuuang singil ay basefee + (amount * feerate / 1000000) na kung saan ang halaga ay ang naipasang halaga. Kung itinakda mo ang pareho ng mga halagang ito na masyadong mataas, hindi ka makakapunta sa anumang mga pagbabayad.


Mayroon bang peligro sa pagpapatakbo ng isang node ng Lightning Network?

Oo, dahil sa maraming mga kadahilanan. Ang pagpapatupad ng Lightning Network ay nasa beta pa lamang at maaaring may mga kritikal na bug na maaaring magamit upang magnakaw ng mga pondong naka-lock sa mga channels. Tandaan na kung hindi mo itatago ang iyong node ng online 24/7, maaaring may isang taong magtangka na lokohin ka sa pamamagitan ng pag-broadcast ng isang lumang estado ng iyong channel. Ang isang online node ay karaniwang mag-broadcast ng isang transaksyon sa multa. Maaari itong mapagaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga watchtower.

Tandaan na kailangan mong itago ang iyong mga coins sa isang hot wallet na nagdaragdag ng panganib ng pagnanakaw ng mga coins.


Ang pagbubukas ba ng mga bagong channel ay makakatulong upang madagdagan ang mga kita?

Hindi. Maraming iba pang mga bagay na dapat mong isaalang-alang. Ang iyong patakaran sa bayad, kakayahan ng mga channels, koneksyon sa iba't ibang laki ng mga nodes. Dito maaari kang makahanap ng paghahambing sa pagitan ng mga node ng Andreas Brekken at Alex Bosworth. Ang node na kung saan ay may mas mababang principal, ay kumita ng mas mas malaki.


Kailangan ko bang magpatakbo ng isang buong Bitcoin node?

Hindi, sumusuporta ang LND neutrino; Pinapayagan ng c-lightning ang isang pruned node. Ang mga gumagamit ng Eclair ay malas. Malinaw na hindi kailangan ng mga kliyente sa mobile upang magpatakbo ng isang Bitcoin node.


Paano ako magse-set up ng isang Lightning Network node?

Nag-iiba ang proseso ng pag-setup para sa bawat implementasyon. Sa kabutihang palad, may mga detalyadong dokumentasyon na nagpapadali sa mga walang karanasan na mga gumagamit upang simulan ang kanilang sariling node ng Lightning Network kahit sa Linux. Kung sa tingin mo ay hindi ka tiwala sa iba pang operating system maliba sa Windows tingnan itong tutoryal na makakatulong upang mai-set up ang iyong sariling node.


Ano ang layunin ng pagtatakda ng alyas at kulay?

Ang impormasyong ito ay madalas na ginagamit ng Lightning Network visualisers at explorers. Hindi ito masyadong mahalaga at walang epekto sa kung paano gumagana ang node.


Kailangan ko bang lumikha ng isang invoice sa tuwing nais kong may magpadala sa akin ng mga coins sa Lightning Network?

Hindi, ang mga invoiceless na pagbabayad ng Lightning Network ay suportado ng LND at c-lightning. Karamihan sa mga pitaka ay hindi suportado ng tampok na ito.


Maaari ko bang muling punan ang aking channel?

Sa kasalukuyan, walang paraan upang muling punan ang mga channel nang hindi gumagamit ng mga serbisyo ng third party tulad ng Lightning Conductor. Pinapayagan ng splicing ang mga gumagamit na alinman sa pag-top-up ng kanilang mga channel o alisan ng pondo mula sa kanila nang hindi na muling buksan ang channel. Maa-update ang balanse ng channel sa sandaling ang transaksyon ay nakakakuha ng sapat na mga kumpirmasyon.


Bakit hindi ako makatanggap ng mga coins?

Upang makatanggap ng mga pagbabayad sa Lightning, ang ilang mga kundisyon ay dapat matugunan:

1. Walang makakatanggap kaagad pagkatapos lumikha ng isang bagong channel sa pagbabayad, dahil ang 'room' para sa mga papasok na pondo ay dapat gawin sa pamamagitan ng paggastos muna ng ilang mga pondo. Ang isang channel sa pagbabayad ay maaaring isipin bilang isang bote ng tubig: upang makapagbuhos ay dapat munang punan and bote ng tubig.

2. Ang bawat channel ay implicit na naglalaman ng isang reserba na hindi pwedeng gamitin at karaniwang tumatagal ng halos 2% ng kapasidad ng channel. Dapat kang gumastos ng isang halagang tumutugma sa reserba na iyon upang gawing posible ang pagtanggap. Ang reserba na hindi pwedeng gastusin ng channel ay ang dahilan kung bakit nakakita ka ng isang negatibong limitasyon sa pagtanggap kapag ang isang bagong channel ay puno na. Ipinapahiwatig nito kung magkano ang kailangan mong gastusin bago matanggap ang anumang bagay sa pamamagitan ng channel.

3. Ang bawat kahilingan sa pagbabayad ay hindi na magagamit, hindi sila matutupad nang dalawang beses.Kaya kakailanganin mong mag-isyu ng isang bagong indibidwal na kahilingan sa pagbabayad para sa bawat papasok na pagbabayad na nais mong matanggap.

Kailangan na online ang wallet upang makatanggap ng mga pondong galing off-chain.

Tandaan na hindi lahat ng mobile wallet ay sumusuporta sa pagtanggap ng mga coin dahil sa ika-apat na punto. May mga pangliliban tulad ng Bitcoin Lightning Wallet (Android), Eclair Mobile (Android).


Paano naayos ang balanse para sa mga halagang nasa ilalim ng 1 satoshi?

Halimbawa: ipagpalagay natin na pagkatapos na ibawas ang bayad sa pagsasara ng transaksyon, ang node A ay dapat na makakuha ng 6049.4 sat at node B 10300.6 satoshis. Dahil ang Bitcoin blockchain ay sumusuporta lamang sa 8 mga decimal, kailangan naming gumawa ng isang bagay tungkol sa milisatoshis. Ang lahat ng naturang mga halaga ay na-ikot at ang natitirang 1 satoshi ay idinagdag sa bayarin sa transaksyon.

Mahalaga rin na banggitin na kung ang isa sa balanse ng mga partido ay nasa ilalim dust limit, sa halip ito ay idadagdag sa bayarin.

Alalahanin


Sentralisado ba ang Lightning Network? Mas sentralisado ba ito kaysa sa Bitcoin? Ginagawa nitong mas sentralisado ang Bitcoin?

Ang paksang ito ay napag-usapan nang maraming beses. Ang Lightning Network ay isang pangalawang layer na solusyon sa pag-scale na walang epekto sa Bitcoin network. Gumagawa ito nang nakapag-iisa at walang pumipilit na gamitin ito. Ang problema ng malalaking mga nodes ay dapat malutas ng sarili nito sa sandaling magpatuloy na lumaki ang network.


Makakatanggap ba ang mga kaswal na gumagamit ng mga pagbabayad at donasyon nang hindi kinakailangang patakbuhin ang kanilang sariling node nang 24/7?

Ang parehong OpenNode (payment gateway) at Bitlum.io ay pinapayagan ang mga gumagamit na makatanggap ng mga pagbabayad sa Lightning Network nang hindi kinakailangang magpatakbo ng isang buong node. Gayunpaman, ang mga wallet na ito ay custodial na nangangahulugang mayroon silang ganap na kontrol sa mga pondo ng isang tao.


Ano ang mga bagong limitasyon ng scalability sandaling ang Lightning Network ay ganap na gumagana?

Ang pagbubukas at pagsasara ng isang channel ay nangangailangan ng pag-broadcast ng isang Bitcoin on-chain na transaksyon. Ang pagdaragdag ng blocksize ay maaaring kinakailangan sa hinaharap; gayunpaman, ang mga solusyon tulad ng SegWit, Schnorr signatures ay maaaring makatulong na bawasan ang laki ng mga transaksyon. Ang Lightning Network ay isang pangalawang layer na proteksyon, posible na bumuo ng higit na mga layer na madaling gamitin ng mga users sa ibabaw nito.


Ano ang mangyayari kung ang isang malaking node ay nawala sa network?

Kamakailan lamang, napagmasdan namin ang eksperimento ni Andreas Brekken (shitcoin.com node). Pinangangasiwaan niya ang isang node na ang kapasidad ay humigit-kumulang na 43 BTC (higit sa 50% ng kapasidad ng buong network!). Matapos ang pagsasara nito, ang ilang mga tao ay nagsimulang makaranas ng mga problema sa pagruruta.


Ang Lightning Network ba ay mas anonymous kumpara sa on-chain transaksyon?

Ang Lightning Network ay nagdaragdag ng antas ng privacy. Ang susunod na node sa landas ay hindi alam kung ang nauna ay nagpasimula ng transaksyon. Ang bawat node na aling mga ruta ng pagbabayad ay hindi alam ang mga detalye ng transaksyon (huling patutunguhan, at sino ang nagpadala). Tumutulong ang mga multipart na bayad sa pagtatago ng kabuuang halaga ng mga ipinadala na coins.


Ano ang mangyayari kung ang ilang mga node ay pansamantalang nag offline?

Natugunan na ang problemang ito. Kapag ang isang channel ay sarado o ang alinman sa mga kapantay ng node ay naging offline, ang natitirang network ay alam na hindi nila magagawa ang pagruruta ng mga bayad. Posible ring lumikha ng mga hindi pinakita (pribado) na mga channel na hindi makakapag-ruta sa mga pagbabayad. Malawakang ginagamit ang mga ito ng mga mobile wallet.


Ano ang nagpapahina ng loob mula sa pagpapatakbo ng malalaking mga node at pag-overtake sa network?

Ang mga malalaking node ay maaaring ma-target ng mga hacker dahil ang mga pondo ay nakaimbak sa isang hot wallet. Dahil magagamit na ang mga pagbabayad ng multipart, ang pagkakaroon ng malalaking channel ay maaaring hindi sulit sa pang matagalan. Mas mahalaga parin ang pagkakakonekta.



Original na thread ni @Rath_: https://bitcointalksearch.org/topic/the-lightning-network-faq-5158920
Jump to: