Ang
"Best Invesment" is kung mapalago mo to kahit ano pang klaseng business or investment yan.
Share ko itong sa akin na sinimulan kong gawin last year.
Parking:Sa panahon ngayon, ang daming nabili ng sasakyan pero walang parking. Di mo sila masisi at malala na trapik sa mga business areas. May maliit kaming lupa na binili at inayos para mapag parkingan and nakaplano pa lang marami na agad nagpapareserve.
Di ito parkingan ng 4-wheels talaga since gusto ko imaximize iyong puwesto. Sa SUV 3 lang kasya dahil need ng extra space pero kapag motor up to 12-15 siguro ang kasya basta maayos lang talaga.
4-wheels: Php 2,000 per month
2,000 x 3 = 6,000 per month
Motorcycle: Php 500 per month
500 x 9 = 4,500 per month
500 x 12 = 6,000
500 x 15 = 7,500 (kaya lang baka mahirapan ako pumuno ng 15)
Sa ngayon 1 sedan 1 suv ang nakarenta, may passive income na. Ako muna gumagamit dun sa isang parking habang ginagawa iyong sa bahay namin talaga.
Actually pinagisipan na naming yan house for rent pero gagastos ka talaga dyan ng malaki at di biro. Marami pa aasikasuhin. Dito sa parking, pagandahin mo lang iyong buong lugar, lagyan ng maayos na bubong, safety ng mga sasakyan at cctv budget meal talaga
(wala pa kami nainstall na cctv haha). Maliit na lupa puwede na mag-start. Maliit man sa iba ang 6,000 to 7,500 per month pero passive income na yan at abangan mo na lang kumatok sa bahay niyo lol. Saka sympre panimula pa lang yan, kaunting sipag pa ang magdagdagan rin yan.
Car Rent:(no to self-drive!)
May mga kakilala akong tour organizer at kapag may need ng Sedan, nagpapa-recommend ako. Di naman kasi lahat ng umaalis by group kaya sayang kung rerenta sila ng SUV or VAN tapos tatlong piraso lang ang sasakay.
Php 5,000-6,000 overnight depende sa layo ng byahe. All-In. Kadalasan sa isang linggo nakaka 3 byahe ako. Puwedeng-puwede na. Bihira rin mabakante lalo nung Nov-Dec. Tapos ngayong summer sigurado banatan na naman. Nakakapagod man dahil traffic paglabas at pagpasok ng Manila ok lang. Wala naman work na di nakakapagod.
Although recommened lang ito sa mga mayroon na talagang sasakyan. Di advisable kumuha ng monthly tapos mabakante lang sa bahay unless may other source of income.
Patok din ngayon sa mga SUV iyong parcel delivery. SMC,Lazada,Shoppee,Oshopping although SUV/VAN lang ang madalas. Kagandahan dyan kahit non-pro ang license puwedeng-puwede. Sa mga gusto, PM niyo ako at may marecommend ako.
Basta diskarte lang sa buhay at di habambuhay kaya natin magwork. Step by step darating din tayo sa mas malaking investment.
Sa ganitong paraan, di ko rin nagagalaw BTC ko.