Magandang idea ito, pero may sasabihin ako sa mga parts na sa tingin ko hindi akma sa sinasabi mo at mga naranasan ko.
- napaka importante sa isang poster na ang kanyang ipopost ay informative. Ang informative ay kung saan nagbibigay ka ng “useful information” sa mga mambabasa, kung saan my malalaman o may matututunan ang nagbabasa nito, (pwede kang gumamit ng links kung saan gusto mong ishare sa lahat ang iyong natutunan o nabalitaan)
Unang una, sinabi mo na patungkol ito sa mga Newbie and that is great and very thoughtful of you pero may tanung ako. Paano sila magpopost ng "Informative" kung wala naman silang alam dito.
PARAGRAPH STRUCTURE - ang paragraph structure ay naglalaman ng tatlong bahagi, (topic sentence, supporting sentence and conclusion). (“For more info ,eto ung links :
http://lrs.ed.uiuc.edu/students/fwalters/para.html ). Sa pamamagitan ng paragraph structure , maiiwasan mo ma off topic at masusundan mo ang pinaka main topic sa isang thread. Sa gayon maiiwasan mabura ang mga replies mo sa isang thread.
Hindi ako gumagamit ng ganitong format but I can still post something na pwedeng imerit. In this forum hindi naman siguro ganun iniemphasize ang Post Structure but yung laman ng post mo.
KEEP READING
- napaka importante sa ating lahat na lage nagbabasa upang araw araw kang my nalalaman, sa gayon, alam mo at kung ano ang iyong ipapahayag sa bawat thread na iyong rereplyan o sa pagpopost, dahil “everyday is a learning”.
Sa pagbabasa jan ka makakakuha ng idea o mga information kung saan magagamit mo sa pagpopost.
Ito yung pinaka unang gusto kong isuggest sa mga Newbie, Ang magbasa. Marami kang mababasa dito sa forum at napakadaming mga words and terms ang maeenounter mo na magagamit mo sa mga posts mo. Kung hindi mo sila maintindihan, you can do some google searches para lalo mong maintindihan ang mga yun. Kung hindi ka naman mahilig magbasa, pwede ka namang maging active dito sa forum eh kasi kahit post ka ng post, unti unti kang makakabasa ng mga useful infos na pwede mong magamit.
All in all agree ako sa post mo, hindi naman kita minamali sa sinasabi mo pero para sakin lang din naman yung sinabi ko, pwede ka ding mag-disagree sakin. And most of what I've said is based on my experience as a Newbie here in the forum, hope it helps.