~
I think yung normal bonds ay iyong about kaya ng mga working class gaya sa Retail Treasury Bonds na may minimum investment of Php 5,000 afaik. Yung bonds ay isang investment na ang umuutang ay mismong gobyerno na pantustos sa mga proyekto, kung Ikaw Ang magpapautang sa kanila tatawagin kang bondholder. Ang pag invest sa bonds ang pinakamainam na investment o mas safe investment especially if ayaw mo sa mga risky investments. Maliit nga lang pero kampante ka naman sa pera mo, yun nga lang inflation kalaban mo rito. Check mo ulit sa taas may link ako doon sa bonds.ph thread.
Edit: Pwede pala makabili ng government bonds now sa PDAX as per my research at as low as 500 pesos pwede kanang mag start, likely 6% per annum ang interest kaya masasabing hindi na mababa kumpara sa mga interest sa bangko.
Salamat sa info kabayan, medyo considering na din kasi ako ng iba pang uri ng investment, siguro kailangan ko nalang din magkonsulta sa isang FA tungkol sa bonds pero ilalapag ko na din yung mga tanong ko dito baka sakali masagot niyo na din. Isa sa mga tanong ko ay may paraan ba para makainvest sa bonds na hindi ko na kailangan na ako mismo yung magmanage yung parang may mga wealth management firms? Tinatamad kasi ako na maglakad ng mga papeles kung sakali na mayroon at sigurado ako na mayroon kasi government related na investment ito eh.
I think I can suggest mutual funds para sayo kabayan at sa usaping bonds ito ang mga nalikom kong mga companies sa pananaliksik ko na nag ooffer nito:
Peso Bond Funds1. ALFM Peso Bond Fund, Inc.
2. Cocolife Fixed Income Fund, Inc.
3. Ekklesia Mutual Fund Inc.
4. First Metro Save and Learn Fixed Income Fund, Inc.
5. Grepalife Bond Fund Corporation
6. Philam Bond Fund, Inc.
7. Philequity Peso Bond Fund, Inc.
8. Prudentialife Fixed Income Fund Inc.
9. Sun Life Prosperity Bond Fund, Inc.
10. Sun Life Prosperity GS Fund, Inc.
Foreign Currency Bond Funds1. ALFM Dollar Bond Fund, Inc.
2. ALFM Euro Bond Fund, Inc.
3. ATR KimEng Total Return Bond Fund Inc.
4. Grepalife Dollar Bond Fund Corp.
5. Grepalife Fixed Income Fund Corp.
6. MAA Privilege Dollar Fixed Income Fund, Inc.
Check Chinkee Tan videos on YT, marami kang matutunan sa mga contents niya.